Ikaapat [3]

178 7 1
                                    

Alas-siyete na ako nakarating sa bahay, gusto ko pa sanang dumaan kina Mama pero pagod na 'ko. Natulog muna ako. Nagising ako pagkatapos ng isang oras.

Nagpalit ako ng damit pangjogging. Palabas na ako ng bahay nang tumunog ang cellphone ko, Si Paul tumatawag. 

"Nakauwi ka na?" tanong niya sa kabilang linya.

"Oo, kanina pa. Bakit?" sagot ko.

"Just checking," tipid niyang sagot.

Checking me? Bakit? tanong kong hindi ko na itinuloy.

"Nagdinner ka na?" tanong niya ulit.

"Hindi pa." 

Sumasagot lang ako kahit nagtataka na ako kung bakit niya ako tinawagan para lang tanungin 'tong mga bagay na 'to.

"Bakit?" tanong niya na naman.

"Tatakbo muna ako sandali," sagot ko rin naman.

"Tatakbo? Wait, ngayon?" parang natataranta niyang tanong.

"Oo, bakit?"

"Saan?"

"Around the village."

"Huwag ka munang aalis, pupuntahan kita," nagmamadali niyang utos.

"Ha? Teka, bakit pa?'Wag na." Binaba na niya. Hindi muna ako umalis, hinintay ko siya kahit labag para sa'kin at kahit na nagtataka ako kung bakit kailangan niya pang pumunta? Hindi naman siguro siya nag-aalala. Shit, baka nga nag-aalala siya. Ito na naman tayo Paul.

Bago pa ako mainip sa paghihintay, dumating na siya. Nakaitim siyang jersey shorts at nakapulang singlet.

 Sasamahan niya 'ko?

Tumayo ako at nakakunot noo ko siyang sinalubong.

"Tara na," anyaya niya.

"Sasama ka?"

"Sasamahan kita. I hope you don't mind."

"Baliw ka ba?"

"Ano?"

"Nagpunta ka dito, pinaghintay mo 'ko para samahan ako? Gabi na, you're supposed to be enjoying your rest time."

"It would just be restless to think that you're roaming around the village alone at night time."

"But I do this stuff alone."

"Sige. I'll just look over you."

"Look over me?"

"Babantayan nalang kita kung ayaw mong sumabay ako, mauna ka," utos niya.

Sinunod ko ang utos niya pero hindi pa kami nakakalayo na-conscious ako sa ginagawa niya kaya pumayag narin akong magsabay kami. Hindi ako sanay na may kasama kapag ginagawa ko 'to kaya nakakapanibago.

"Huwag mo ng uulitin 'to," binigyan ko siya ng tinging seryoso-ako-wag-kang-ngumiti.

"Kung hindi mo na uulitin 'to."

"Bakit kita kailangang sundin?"

"Dahil magagalit ako kapag hindi ka sumunod."

"Sino ka ba?"

"Malalaman mo rin kung sino ako."

Hindi nalang ako umimik, nagconcentrate nalang ako sa pagtakbo. Habang papalayo kami ng papalayo sa bahay at tuluyang tinatahak ang malamig na kalsada sa village napaisip ako. Bakit parang nauulit na naman lahat? Bakit parang itinutulak na naman ako sa sitwasyong hindi dapat? Bakit ganito si Paul? Bakit pa siya bumalik? Baka guluhin niya ulit ang isip ko, ang puso ko.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon