Pagdating naman sa loob ay nadatnan namin si Dex na tumutugtog ng piano. Nilapitan ko siya.
"Ano 'yan?" tinutukoy ko 'yong tinutugtog niya.
"Guess."
Tutumutugtog pa rin siya hanggang sa nagsimula na siyang kumanta.
Give me love like her,
'Cause lately I've been waking up alone.
Hindi ko siya masabayan dahil hindi ko maalala 'yong kanta.
After my blood turns into alcohol,
No I just wanna hold you,
Malapit nang mag-chorus saka ko naalalang 'Give me love' pala 'yon ni Ed Sheeran.
Tumango siya sa'kin bilang senyas ng pagsabay, chorus na lang ang naaalala ko sa kanta.
Give a little time to me, we'll burn this out,
We'll play hide and seek, to turn this around,
And all I want is the taste that your lips allow,
Hanggang do'n lang at hinayaan ko ng angkinin niya ang mga sumunod na kataga ng kanta.
Tuwing nag-iimbita siya sa bahay niya, tumutugtog siya, form of entertainment na rin namin 'yon. Madalas niyaya niya kong magduet kami. 'You make a good combination', husga palagi ng tatlo sa'min ni Dex.
Umupo ako sa nag-iisang bakanteng sofa sa sala. Tumabi sa'kin si Paul na galing kay Cass. Bumulong siya pagkalapit.
"Let's go home after dinner."
"Right after?"
Tumango siya.
"Bakit?"
"Yon ang utos sa'kin e."
Sumandal ako sa sandalan ng upuan, tumigin sa kanya at tumango bilang pagpayag.
"Will Paul drive you home?" tanong ni Dex.
"Oo tol," sagot ni Paul.
"Okay, ingat kayo. Gabi na, Sunday pa, huwag kang magdadrive Jill."
--
"Sabi ko, you know what Paul, Dex is better than you."
"Ano?"
"Patapusin mo muna ako!"
"Okay. Sige."
"Sabi ko pa, you were the good bestfriend but you ended up breaking her heart. When you were gone, Dex took over and he was pretty better than you..."
Tuluy-tuloy lang ng pagkukwento si Cass sa kabilang linya ng tungkol sa naging usapan nila ni Paul kanina.
"...nakatingin lang siya sa'yo the whole time na kumakanta kayo ni Dex, hindi niya inalis ang tingin sa'yo. Tapos sumagot siya sabi niya, 'thanks to Dex, it's hard to go through the same process all over again but if that's the only way to win her back again, I will.' He seem sincere, Jill. Sabi niya pa, 'close sila 'no?'..."
Para bang isang rekorder si Cass noong kinukwento noya ang usapan nila paano kasi mukhang kabisado niua ang bawat salita ni Paul.
"...sabi ko, dati pa naman, highschool pa lang tayo."
"Cass, inaantok na 'ko."
"Ah, okay sige. Good night, ikuwento ko sa'yo lahat 'pag nagkita tayo."
"Good night Cass, thank you."
Hindi pa talaga ako inaantok kaya lang hindi ko na kayang pasukan ang utak ko ng impormasyon. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw.
''You're... too far.' 'I'm just trying to make you get used of me being here.' 'Did you just flirt with me?' 'Win her back.' I never was his, why would he get me back?
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...