"Kuya, ano 'yon?" Madali kong tanong sa delivery boy nang madatnan ko siya sa harapan ng bahay pagkatapos ko mag-jogging.
"Pa-receive lang po ng mga bulaklak, papirma na lang po," itinuro niya 'yong pipirmahan at pumirma naman ako.
"Salamat, kanino pala 'to galing?"
"Nasa note na po Ma'am, sige po. Magandang umaga."
"Ah, sige. Salamat ulit." Hindi ko na tiningnan 'yong nagdeliver, nasa mga rosas na lahat ng atensiyon ko.
Walang nakalagay doon kung kanino galing ang sinabi lang:
Let me in. You need to change your roses now.
Pagdating ko sa loob, tinanggal at pinalitan ko na ang palanta nang mga rosas sa kusina at sa study table.
Nagluto na ako ng almusal, hindi ako 'yong mahilig magluto kaya madalas 'yong mga niluluto ni Mama 'pag dumadalaw siya at 'yong mga pinapadala niya rito 'yon na lang ang kinakain ko, naglinis ako ng bahay pagkatapos kumain. Naligo at nagbihis para sa meeting namin ni Dex.
Isinuot ko 'yong itim na bestida ko na sleeveless at hanggang tuhod lang, may dalawang bulsa sa bandang baywang, may lining na bughaw sa may bandang baywang na nagsilbing belt.
Itinali ko ang buhok ko nang mataas, naglagay ng lip gloss at pulbo. Sinuot ko ang royal blue kong sapatos na tatalong pulgada ang taas. Hindi ako nag-me-make up, hindi kasi ako sanay. Nagpabango at saka lumarga.
Binuhat ko na ang bag ko at dumiretso sa sasakyan, makikipagbuno na naman ako sa trapik papuntang Makati.
Pagdating ko sa resto na sinasabi ni Dex, eksaktong alas onse na, nandoon na rin si Dex, naka-business suit na naman ito. Nakatingin lang sa'kin habang papalapit ako at saka tumingin sa relo niya na para bang huling-huli na ako.
Umupo ako sa tapat niya, hindi siya nakangiti, hindi rin naman siya nakasimangot, hindi rin siya mukhang may hang-over.
"Well, he always manage to look as if he didn't drink the night before, fine talent, I think," pagsusuri ng isip ko.
"So.." panimula ko.
"You look good on that dress," puri niya bigla.
"Really? Are you trying to make up on your pambubulabog again?"
"I'm sorry okay?"
Binigkas ko lang 'yung salitang "okay" nang walang tunog bilang pagpapakita ng inis ko.
"How were you last night?" tanong niya.
"Okay naman, nakuha ko na."
"Someone was with you, 'di ba?"
"Yeah," sabi ko habang tumatango at kumakain ng nakahain sa harap ko.
"Sino?"
"Paul."
"Sabihin mo nga sa'kin, ano na naman bang binabalak mo sa buhay mo Jill?"
"Sabihin mo nga rin sa'kin Dex, I mean, sir kung 'yan 'yong dahilan ng pagpunta ko rito?"
"Hindi, pero wag mong ibahin ang usapan naman," mahinahon niyang hiling.
"Tinulungan niya lang ako. He was with me so he decided to help."
"I hate to say this but please don't let yourself..."
"What?" pagsabat ko.
"Restrain yourself, you might fall inlove again. Knowing you, your such a jelly when it comes to Paul," sabi niya.
"Why are you bringing this up? I'm old enough, I can manage myself."
"You know what Jill, there's this word called concern," diniinan niya pa ang guling salita.
"Really?"
"I do."
"Know what sir, there's this word called protective and sometimes you can actually add some preposition in it, and what do we have?"
"Is this the way you talk to your boss?"
Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya at binigkas ko na lang ang "Over-protective" para asarin siya.
"Am I?" tanggi niya. "I'm not," bawi niya.
"So my next assignment would be?"
"Interview the architect," matipid niyang utos at tinitigan ko lang siya.
"He's no profile Dex, why should we?"
"I didn't know your judgment reached that far."
"I mean, he hasn't done anything in and for the country yet, so why should we? And besides, we do lifestyle here."
Klarong-klaro na si Paul ang tinutukoy niya. Ang kaso lang e ang pinagtutuunan namin ng pansin ay 'yong mga tao, bagay, lugar at pagkain na maipagmamalaki ng Pilipinas, kaya kung si Paulo Enriquez ang susunod kong assignment, mukhang lilihis ako sa kontekstong ibinibigay namin sa mga mambabasa.
"I'm just kidding," basag niya nang may tawa. Ginantihan ko na lang siya ng naninindak na tingin.
Ang laki na ng pinagbago ni Dexter, o baka hindi ko lang napapansin dati na ganito - straightforward at mapang-asar - din siyang klase ng tao pero kahit na ano pa siya ngayon ay parang siya pa rin 'yong Dexter na nakilala ko noon.
Hindi rin siya nakatiis at nagseryoso para sabihin ang ipinatatrabaho niya sa'kin. Puwede naman niya kasing i-text na lsng sana ang utos niya kaso si Dex ito e, hindi siya isang boss lang.
"Baguio?"
"Yes. I don't know how you'll do it but that's your job to discover."
Napabuntong hininga na lang ako sa utos niya dahil hindi ko alam kung paano ko iyon isisingit sa schedule ko.
Iyan din ang hinahangaan ko siya kanya pagdating sa trabaho, walang kaibi-kaibigan.
Nang matapos kami nagpaalam na ako agad sa kanya dahil may meeting din ako sa opisina, sa online naman.
"Jill, take care of yourself ha?" pabaon niya.
"You don't have to remind me all the time Dex."
"You can't blame me after all what happened to you before, you just have to be careful."
Kapag pinapaalalahanan niya ako ng ganito hindi ko mapigilang lumambot ang puso ko kahit lagi niya akong pianhihirapan.
"Can we not bring that tragic past again?"
"No one's bringing it up Jill, I'm just reminding you not to fool yourself around again and just be extra careful."
Iniangat ko na lang ang kanan kong kamay para patahimikin siya.
"Yes, I will Dex, I need to go, as you can see, I need to make this dress all worth it and busy," sabi ko saka ko siya niyakap at nagpaalam. Tinapik naman niya ang likod ko para imuwestrang makakaalis na ako at mag-iingat.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
Genel Kurgu"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...