"Saan ba talaga tayo pupunta?" makailang beses ko nang tanong pero wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Tinatahak na namin ang NLEX pero wala pa rin akong ideya kaya tinawagan ko na si Paul.
"Hoy Paul, nasaan ka ba? 'Tsaka bakit mo ko iniwan dito sa baliw na 'to?"
"Mauna na kayo sa pupuntahan natin nagkaroon lang ng problema sa work, sorry 'di ko na nasabi sa'yo. Tulog ka yata kaninang umalis ako, e," paliwanag niya at para bang kahit ayaw kong maniwala, naniwala na lang ako.
"Tulog? Nakapikit lang ako. Tsaka ano ba 'yong mga narinig ko kanina?"
"Sorry, Jill I have to go, I have an urgent meeting. I'm sorry," pagmamadali niya. Pinutol ko na rin 'yong tawag sa sobrang frustration.
Isang oras ang nakaraan, nagising ako sa tapat ng isang pamilyar na lugar. Pamilyar na gate, pamilyar na daan, pamilyar na pakiramdam. Bakit ako nasa farm ni Papa? Tumingin ako sa driver's seat at nagulat sa nakita.
"Oh, 'di ba si Lance yung nandiyan kanina? Iba-iba yung mga nakikita't nariri – ," bigla siyang bumaba ng sasakyan, binuksan ang pintuan ko at wala sa sariling bumaba.
Pumasok kami sa loob saka ko napansing na iyon pa rin ang suot ni Paul, hindi na takaga siya nagpalit. Gaano na ba ako katagal natutulog sa loob ng sasakyan? Bakit parang ang bilis naman ng meeting niya?
"Wait! Trespassing tayo," pigil ko sa kanya. "Iba na may ari ng farm ngayon," sinubukan ko siyang hilain pero parang walang nangyari.
"I know," cool na cool niya pang sabi.
"So? Bawal nga tayo dito."
"Akong bahala sa'yo. Tara!"
Sumunod na lang ako sa kanya habang unti-unting bumabalik ang mga alaala. Puro masasayang alaala ang nandito pero natapos lang sa pinakamasakit. Parang hindi kumpleto ang lugar na 'to kung wala si Papa na kahit pa namumulaklak na ang kapiligiran wala pa ring kulay. Sariwa pa rin ang ihip ng hangin dito pero may halo ng kalungkutan. Parang hinihigit ang hininga ko nang makita ko na ang buong farm. Masigla pa rin naman pero iba na talaga lalo pa't puro alaala na lang ang nakikita ko.
Ibinenta namin ito isang taon pagkatapos mamatay ni Papa dahil napapabayaan na rin naman. Ginamit ko ang pera sa pagpapatayo ng resto. Tuwing mapupunta rin ako dito mas lalo lang akong nalulungkot.
Ito na naman ako, hindi ko na naman maihakbang ang mga paa ko. Nagsisimula na namang marining ang mga salitang pumatay sa'kin ilang taon na ang nakakaraan --"Nabangga po ng 16 wheeler, madilim po kasi sa kalsada malamang hindi niya nakita na may papatawid na malaking truck. Dahil sa impact tumilapon ang mas maliit na truck, nahirapan po kaming ilabas ang katawan niya."
Nagpunas ako ng luha, sinubukan kong alisin ang mga salitang 'yon sa alaala ko. Sandali pa naramdaman kong may nakahawak na sa magkabila kong braso.
"Sasama ka ba o you'll just let those bad memories remain?" tanong ni Paul. Ano bang ibig niyang sabihin? Tumango na lang ako bilang pagpayag. Nakarating kami sa bakuran kung saan kami madalas nagkukwentuhan ni Papa.
"We wouldn't be charged with any crime, don't worry," paalala niya.
"Pa'no kung biglang dumating 'yong may ari? Sabihin kong na-miss ko kasi si papa kaya ako nandito, ganun?" wala sa sarili kong tinanong.
"If that's the case, I'll let you stay even."
"Let me...ano?"
"The farm's mine now," aniya habang nakatanaw sa bakuran.
"Ha?"
"You heard what you heard, Jill. Surpise," pahayag niya habang nakatingin sa'kin..
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...