Ikawalo [2]

140 5 2
                                    

Isang linggo na ang nakaraan, hindi ko pa rin nakakausap si Jill.

Sinubukan ko siyang tawagan ulit, hindi niya na naman sinagot o sana hindi lang nasagot.

"I can't answer your calls, sorry," sagot niya sa text.

Hindi ako mapakali sa mensahe niyang iyon kaya wala sa sarili akong nagmaneho papunta sa bahay niya.

Sinubukan kong pumasok pero naka-lock ang pinto sa harapan, saka ko naalalang may mataas na salamin sa kaliwang bahagi ng bahay niya. Sa tingin ko hindi lang iyon basta pader. Pumasok ako sa pamamagitan ng nakatagong pintong iyon.

Madilim sa buong sala, pati sa kusina, maliban sa study room nang makapasok ako. Lumapit ako sa study room pero wala naman si Jill doon.

Paglingon ko, nagulat ako sa isang babaeng may hawak na stand ng canvass na tila handang-handa ng ihampas sa'kin. Nakasuot ng faded lose shirt at blue pajama. Nang makita ko ang mukha niya at makita niya rin ako, halos sabay kaming napahinga nang malalim.

"Jill, ako 'to," pagpapakilala ko.

Ibinaba niya ang hawak niya ngunit bahagya siyang na-out-of-balance na mabilis ko namang napigilan. Malamig ang kamay niya.

"Tinakot mo 'ko," mahinahon at halos pabulong niyang pahayag.

"May nangyari ba? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?"

"Wala," para siyang nanghihina at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa sala.

"What's wrong? You're sick."

"Normal 'to, ano ka ba!" wala pa ring emosyong sabi niya.

"Why can't you answer my calls?"

"Paul, it's.."

"What?"

"Can you shut up first?" mahina pa rin ang boses niya. "It's this girl thing, I can't even talk normally," dagdag niya. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Akala ko kasama niya si Dex o baka may nangyari na sa kanya kaya hindi siya sumasagot.

"Alam mo ba 'yon?" paniniguradong tanong niya. Tumango ako. Sinapo niya ang noo niya na parang naubusan ng pasensiya.

"You should've texted the real reason, anyway."

"It was a template, can't even text," aniya.

"Nag-alala ako," hindi ko mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"It was just a text," wala pa ring ganang pahayag niya.

"I don't trust text messages just like that Jill, alam mo 'yan."

"I know, you always call," mukhang tuluyan na siyang nawawalan ng pasensiya sa'kin. Ngayon ko lang napansin na namumutla siya.

"Normal din bang namumutla ka?"

Tumango siya.

"Wala bang gamot diyan?"

"Meron, naubusan ako."

"I'll go and buy, hintayin mo 'ko," tumango ulit siya.

"Give me your keys, I'll lock your front door."

"Bakit?"

"Hindi mo ko mapagbubuksan ng pinto mamaya, hindi kita pwedeng iwan na nakabukas ang bahay mo, you can't even move well," paliwanag ko.

"Sa study room, shelf, 3rd level, near Harry Potter books," sabi niya habang nakapikit.

"Does it hurt badly."

Hindi na niya sinagot iyon. Tinitigan ko muna siya bago tinungo ang study room.

"Bibilisan ko," binilisan ko na ang paghahanap ng malapit na drugstore. Ito na siguro ang pinakamabilis na pagbili ko ng gamot sa buong buhay ko. I just can't stand seeing her that way.

Pagbalik ko nakahiga na siya sa sofa, nakapikit siya pero nakabukas ang TV. Pinagmasdan ko siya. Napakainosente niya pa ring tignan, hindi mababakas na marami na siyang pinagdaanan. Kahit na napakasimple lang niya, hindi maikakailang napakaganda niya.

Noong nasa Baguio kami, noong natulog siya sa bahay, ngayon at maraming beses sa mga nakalipas na taon, paulit-ulit kong napapatunayan na siya lang ang gusto kong makita sa bawat araw na ilalagi ko sa mundo.

Nilapitan ko siya, "Jill?"

"Gising ako," sagot niya.

Ininom niya ang gamot at saka nagpasalamat.

"You don't have to do this, Paul," aniya nang makabawi.

"Pagtatalunan pa ba natin 'to?"

"Hindi na, this shit has gotten the best of me," wala pa ring lakas na reklamo niya.

"Not really, you still look the same."

"Di ka pa ba uuwi? 12 na," tila hindi pinansin ang sinabi ko.

"Ano ako teenager?"

I caught her rolling her eyes. Napangiti ako. This lady can do even the most non sense thing but still makes me smile. I just can't tell her, not now.

"Pa'no ka pala nakapasok?" tumingin siya nang may panghuhusga.

"The other door."

"Ha? Naka-lock 'di ba?"

"Next time, i-double check mo. Naka-lock 'yong main door pero 'yan nakabukas," tinuro ko 'yong bintanang pinto.

"How did you know?" nagtataka at gulat niyang usisa.

"The first time I saw it, I know it's not just a window, Jilly," pinanliitan niya ako ng mata, marahil dahil sa huling salita. Nginitian ko lang siya habang hindi siya makapaniwala.

"Nakalimutan kong architect ka."

"Must be."

"God, I love it when you're awed," bulong ko. Sinadya kong hindi niya marinig.

"What?"

"How do you feel now?" tanong ko na lang.

"In a great awe, I think," doon lang siya nagkaroon ng emosyon, tila ba nang-aasar.

"God, I love it when you're awed," ulit niya sa linya ko na nginitian ko na lang.

Kailan ba ako magsasawa sa presensiya niya, sa mga ngiti niya? Hindi na siguro. Hindi na.

Inalalayan ko siyang umakyat sa kwarto niya nang sinabi niyang inaantok na siya. Kahit ayaw niyang tulungan ko siyang umakyat, nagpumilit na ako.

"Lock your doors. Always," paalala ko.

Tinanguan niya lang 'yon.

"Good night," sabi ko pagkatapos halikan ang noo niya.

"Thank you, Paul. I feel better now," aniya na naghatid ng libu-libong tuwa sa'kin.

Hindi na natanggal ang ngiti ko. Bumaba na ako at siniguradong sarado ang lahat ng pintuan. Ibinalik ko ang susi niya sa study room at umalis. Hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli.

To: Jill

Your keys are at the same place. Call me when you feel worse. PS. Lock your doors and windows, always.

Ala-una na ako nakabalik sa bahay. Alas dos na 'ko nakatulog na may ngiting hindi mabura bura.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon