Ikalawa [1]

232 10 1
                                    

Gumising ako sa malamig na hangin ng Nobyembre. Nag-inat at pinilit idilat ang mga mata dahil wala man akong pasok ngayon, e, marami naman akong dapat asikasuhin.

Tumingin ako sa labas, hindi ko namalayan na halos tirik na tirik na ang araw.

"Oh? Ba't nakaayos na 'tong kurtina?" tanong ko sa sarili ko na malamang hindi rin niya alam kung bakit.

Papalapit na ko sa banyo nang may tumawag sa pangalan ko.

"Jill, gising ka na ba?"

Si Mama. Ba't nandito si Mama? Sandali ako natingilan hanggang sa maalala ko kung bakit.

"Anak ng! Ngayon pala 'yon."

"Opo," sigaw ko na sana nakarating sa baba, malamang nasa kusina siya ngayon.

Makalipas ang isa at kalahating oras binabaybay ko na ang EDSA patimog kasama si Mama.

Sabado pala ngayon, ni hindi ko pa natatawagan si Tito George para sabihing pass muna ako ngayon.

Dali-dali kong pinatawagan kay Mama 'yong si Tito pero hindi niya sinasagot, inulit ni Mama, wala pa rin. Kaya nagbakasakali ako at tinawagan si Paul.

"Jill, hi," bati niya.

"Hello, naka-loud speaker ka ha, I'm driving."

"May kasama ka?" tanong niya.

Bumaling ako kay Mama, magkahalo 'yong nakikita ko sa mukha niya, parang kinikilig na nanunukso. Ginantihan ko ng tinging ano-ba-Ma si Mama at bumalik sa pakikipag-usap kay Paul.

"Si Mama."

"Hi tita Len!" bati ni Paul.

Tiningnan ko si Mama na parang dalagang binati ng crush kung ngumiti. Anong nangyari kay Mama? Dati  hindi naman siya natutuwa kay Paul.

"She's smiling like a teenager, you know."

Naramdaman kong ngumiti rin si Paul.

"Paul, anak," anak niya na ngayon si Paul? Protesta ng konsensiya ko. "...dalaw ka sa bahay kapag may time ka."

"Sure tita, dadalaw po ako."

"Jill ba't ka pala tumawag?"

"Hindi sige magkuwentuhan muna kayo ni Mama," biro ko.

"Let's reserve that for the visit."

Pinalipas ko muna ang tatlong segundo at sinabi na ang talagang dahilan ng pagtawag ko.

"Ayun na nga, hindi sumasagot si Tito George, pakisabi pass muna ako ngayon."

"Ulit?"

"Oo, kailangan kong samahan si Mama e."

"Saan?"

"Tagaytay."

"Tagaytay?"

"Yes...Ibababa ko na 'to"

Sandali pa nagsalita si Mama, "Hindi ka man lang nagthank you."

"Alam niya na 'yon, Ma."

"Kailan pa nawala ang pinaniniwalaan mong 'if you didn't say it, you didn't mean it'?

"Hay nako Ma, sige na po, pakitext na lang."

Umiling na lang ako sa inasta ni Mama.

Pagkatapos lahat ng nangyari sa pamilya namin kailangan nandiyan pa rin kami para sa isa't isa palagi, 'yan 'yong aral na natutunan ko kay Papa. Kahit na hindi kami buo basta handa kaming maging pamilya sa bawat isa para na rin kaming magkakasama no'n.

 "Hay, Papa, namimiss na kita," bulong ko.

 Naramdaman kong may isang patak ng luha na dumampi sa pisngi ko, pinunas ko kaagad baka magising si Mama at mapansin pa niya.

Nakarating na kami sa sadya namin, ginising ko si Mama bago ako bumaba, naramdaman ko namang sumunod na rin siya kaagad.

Nasa isang pamilyar na lugar na naman ako, lugar na minsan kong kinatakutan. Panglimang punta ko pa lang dito pero dahil kay Papa naging normal na sa'kin ang pagbisita sa ganitong lugar.

Naglakad pa kami ni Mama, malapit na kami, 'yong pangalang naka-ukit sa kwadradong semento na napapaligiran ng berdeng damo ang senyales na nasa tamang lugar na kami. Umupo kami pareho, sinindihan ni Mama ang dala niyang kandila at inilipag ko naman ang mga bulaklak na kanina ko pa hawak.

Tahimik lang si Mama, alam ko may sinasabi siya pero hindi na niya kailangang lakasan para marinig ng taong nakalibing dito.

Pinagmasdan ko ang kwadradong lapida, partikular ang pangalan. Jerry Ventura.

Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakbay ang utak ko.

Itong taong 'to ay kinamuhian ko nang matagal simula pa noong hindi ko pa alam ang pangalan niya, ang itsura niya, ang pagkatao niya. Minsan nakakatawa ang mga misteryo ng buhay, kung kailan nawala lahat ng galit saka ko lang nalaman kung sino siya. Siya na nagnakaw sa mga oras na dapat masaya kami, siyang umangkin ng puso ng nanay ko, siyang nagpatigil sa puso ng nanay ko na magbigay ng pagmamahal ulit, siyang nagkait kay Papa na mahalin din nang katulad ng pagmamahal na ibinigay niya.

Pero sa kabila ng pagkamuhi ko sa kanya, nagawa kong magpasalamat dahil kung hindi dahil sa kanya hindi  ako nakapagsimula ulit.

Nagsimulang magbalik-tanaw ang isip ko.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon