Ikalabing-isa [2]

132 6 1
                                    

Bakit niya ba ako pinapunta rito sa bahay niya kung puwede namang sa ibang lugar na lang.

"Napaka-demanding talaga," bulong ko habang papasok sa bahay niya. Halos araw-araw pinaaalalahanan niya ko sa pagpunta ko rito.

"Oh, Hi Jill!" kaswal niyang bati nang makapasok ako. Hindi na ako kumatok dahil nakabukas naman 'yong pinto at hindi naman siya magagalit kung papasok na lang ako basta kasi gawain niya din naman 'yon.

"Ba't ganyan suot mo? May pasok ka ba ngayon?" tanong ko matapos kong mapansin na suot niya ang kadalasan niyang damit sa trabaho.

"Actually galing akong work," napakunot ako ng noo roon. Aalis kami tapos kagagaling niya lang sa trabaho. Nakita ko ang mga mata niya mukhang wala pa nga siyang matinong tulog pero kakaiba ang ningning ng mga 'yon. Wala namang pagbabago, gwapo pa rin.

Tinignan ko 'tong suot ko, okay naman kahit nakapantalon ako at sleeveless na blusa. Kung aalis kami na ganyan ang pustura niya, hindi na ako magmumukhang alalay niya.

"Aalis ba tayo? San tayo pupunta? Magpapalit ka pa ba? Hintayin na lang kita dito," hindi man lang siya sumagot ni isa sa mga tanong ko, tumango lang tapos bumalik na sa ginagawa niya. Papalapit na ako sa kanya nang bigla siyang umiwas at nagsimulang maglakad papunta sa kuwarto niya.

"Ano ba yung ginagawa mo?" usisa ko habang sinusundan siya pero 'pag pasok niya sa ukwarto niya biglang lumabas si Lance doon.

"Oh ba't ka nandito?" tanong ko. Nawala na ang atensyon ko kay Paul. Sinundan ko nal ang si Lance kaysa naman sundan ko si Paul sa loob mamaya nagbibihis na pala siya.

"Ikaw, ba't ka nandito?" balik ng tanong sa'kin.

"E pinapunta ako dito, e.

Ibinagsak niya ang sarili sa couch at ipinikit ang mga mata. Kung umakto siya parang sanay na sanay na siya sa loob ng bahay ni Paul. Ganito ba lahat ng lalaki?

"Dito ka na pala natutulog ngayon?" base kasi sa suot niya parang kagagaling niya lang sa tulog. Hindi siya sumagot sa halip napabangon bigla. "Nasaan yung RC mo? Pahiram!" aniya. Nagtaka ako, paano niya nalaman na may ganun ako. Siguro nabanggit ni Paul.

"Nasa sasakyan, oh!" hinagis ko sa kanya ang susi. Umupo ako nang tumalikod na siya para kunin ang RC. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, pagod rin kasi ako dahil galing din akong photoshoot, sobrang aga kanina. Namimihasa na yung boss ko ah, tuwing Linggo na lang. Mga trenta minutos na akong ganito lang pero wala pa ring senyales ng Paul o Lance na bumabalik kung saan nila ako iniwan. Ano ba 'tong mga taong 'to, ninja?

Napadilat ako nang may malakas na instrumental music akong narinig. Maya-maya pa may narinig na akong pamilyar na boses, kumakanta -- boses ko 'yon! I'll be there ang kinanta ko roon. Sinubukan kong alalahanin kung saan ko iyon kinanta hanggang sa mapunta ako sa gabing kinantahan ko si Paul sa telepono. Kinilabutan ako roon.

Maya-maya pa habang naglalakad ako papalapit sa speaker ng TV niya, parang hindi na ako makagalaw sa mga naririnig ko.

"She's always been the nice girl and the same girl that unguarded my son, she's the mature one, I don't know but my son but I guess when it comes to Jill, Paul acts as a man."

Si tito George iyon. Ano 'to? Hindi pa man din ako nakakapag-isip nang matino sa mga nangyayari, may nagsalita na naman.

"Parang aso't pusa pero sila 'yong aso't pusang bati naman nang bati. They've been through a lot even the most impossible thing but look at them, the aso't pusa is reunited again."

Si kuya. Anong pinagsasabi ni kuya? Mukha namang hindi, para ba 'to sa birthday ko? Ilang linggo pa bago ako mag-birthday.

"Since that day when Jill showed up in our home, if I'm not mistaken she wasn't feeling well that time but she came just to return a book to Paul. Since then I waited so long for her to come back but with you know, different title in my son's life. I love seeing them together because I know that Jill is the only person who can tame and who can open my son's eyes when he's in deep trouble. Even the little things that she did for Paul, it always makes me smile."

Si tita Janette. Ano nang nangyayari?

"Just like Mom, I have been waiting for them to realize things. Bagay kaya sila pero ewan ko ba ang tatanda na nila hindi pa rin nila ma-gets. Sometimes I just want to grab them both, isolate them para magkaaminan na but I guess they have their reasons. I was in high school when ate Jill told me that she loves kuya but she can't like him, hindi ko talaga maintindihan dati but just five years ago, naintindihan ko rin. Shame on kuya. Hahaha! I'm pro-Jill. Sorry, kuya. I love you both, you know that."

Si Danica. Para saan ba ang mga mensaheng 'yon? Lalo pa akong kinakabahan.

"Kayong dalawa, come on, get up, wake up. Life's too short. Don't complicate things. What is this for pala?" Tatawa tawa pa si Lance, loko loko talaga. Para saan nga ba ito?

"Ano pa bang masasabi ko? Halos lahat na yata nagawa ni Paul para kay Jill, yes pati yung saktan siya but because of that she became stronger. Dati I really hate seeing them together, naaalala ko kasi ang sarili ko kay Jill at ayoko siyang masaktan. Pero nung nag-grow sila at parehong nag-iba ang perspective nila sa buhay, lalo na si Jill na ginawang malaking working place ang mundo niya, do'n ko nakita na there is something with my daughter that keeps her connected with this Enriquez guy."

Tumawa din si Mama sa dulo. Nang matapos ang mga 'yon, bigla akong tinawag ni Lance na ngayon ay nasa pintuan na palabas.

"Jill! Halika na!" pagmamadali niya.

"Ha? Sa'n tayo pupunta? 'Tsaka nasaan si Paul?

Binalikan niya ako at hinila pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Oy, ano pala 'yong mga narinig ko kanina? Ang dadrama niyo. Anong mga problema niyo?"

"Ano?" aniya na parang wala siyang pakialam sa sinasabi ko. "Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka nga lang, e."

"Hoy Lance Ramirez, hindi ako baliw. I heard what I heard!" depensa ko kasi parang totoo naman lahat.

Seryoso lang siya na parang hindi ako pinaniniwalaan. Napaisip na tuloy ako kung imahinasyon nga lang ba lahat iyon.

"Get in, baka ma-traffic pa tayo."

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon