Wala masyadong espesyal ngayong birthday ko. Nagsimba nang maaga. Nag-dinner lang kami nila Mama at kuya, at pumunta ako sa puntod ni Papa. Nakatanggap na naman ng mystery roses at nag-jogging kinagabihan. Ganito lang masaya na 'ko. 'Yong nagagawa ko 'yong mga normal na bagay na wala munang halong stress.
Si Paul lang ang wala dahil out-of-town daw. Siyempre wala rin si Dex, Cass at Lance. Okay na rin.
Kakatapos ko lang tumakbo at maligo nang may kumatok.
"Sino 'yan?" tanong ko pero hindi sumagot. Nagdalawang isip pa muna ako kung bubuksan ko o hindi pero no'ng hindi na kumatok binuksan ko na. Mabilis na tumibok ang puso ko nang makita kong mukha ni Paul ang nasa likuran ng isang bungkod ng bulaklak.
"Happy birthday, pretty!" matamis niyang bati at saka humalik sa pisngi ko. Niyakap niya ako at gusto ko nang maiyak dahil para kong napagtantong nangulila nga ako sa kanya.
"I miss you," sabi ko habang sinisikap kong huminga sa mahigpit niyang yakap. Hawak ko na ang mga bulaklak pero may hawak din siya parang nararamdamn ko 'yong lamig sa likuran ko --ice cream pala.
"I miss you everyday," sagot naman niya.
"How's your day?" tanong niya nang makaupo na siya sa sopa. Kumuha naman ako ng kutsara namin at tubig.
"Normal but happy."
"Even without me?" magkahalong mangha at tampo ang himig niyon.
"Yes, happier now, I guess."
Hindi pa yata nauubos ang sorpresa niya dahil pag-upo ko may inabot siyang puting sobre . "Ano 'to?" tanong ko.
"Basta," sabi niya. Sinubuan niya pa ako ng ice cream habang binubuksan ang sobre. Hinampas ko siya na lang siya nang makitang hindi na niya pinalitan 'yong kutsarang ginamit ko at 'yon din ang ginamit niya.
"Hoy!"
"Bakit? May sakit ka ba? Wala naman di ba?"
"Kahit na," tatawa tawa pa siya.
Nang makita ko 'yong laman ng sobre, nanlaki ang mata ko.
"Oh my god! Baler?" tumango lang siya.
"Libre na lahat?" tumango ulit siya.
"Ako lang?" tumango ulit.
"Bakit?" tanong ko na naman.
"Kasi 'di ba madami ka pang gustong gawin nang ikaw lang, so ayan na. Pumunta ka ng Baler, mag-enjoy ka, happy birthday."
"Thank you, wait lang," huminga ako ng malalim na maraming beses.
"Bakit?" tanong niya.
"Kinikilig ako e," hindi ko na naitago ang totoong reaksyon.
"Oh boy," sabi niya at ibinaba ang ice cream sa mesa saka hinawakan ang mukha ko at dinampian niya ng halik ang labi ko. First time. Parang nakalimutan ko kung pa'no huminga. Simpleng halik lang 'yon ah. At inulit niya pa nang tatlong beses hanggang sa pinigilan ko na siya.
"Tama na, quota na ko sa kilig. Uy, Paulo thank you talaga," sabi ko na parang hindi ko siya fiancé kundi parang close friend lang na nanlibre sa'kin.
Bago siya umalis niyakap ko pa siya ulit dahil sa kasabikan at tuwa. Hindi na nawala ang ngiti niya at ngiti ko nang bumitaw kami sa isa't isa. Mabilis na naman siyang humalik sa labi ko.
"Happy birthday, I love you," hinalikan na niya ang noo ko at tumalikod pero bago pa ako pumasok nahablot na niya ang kamay ko.
"Last," and he does it again.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...