Ikapito [4]

125 5 2
                                    

"May problema ka 'di ba? Kaya ka nagpunta dito," tanong niya habang pumapasok sa loob. Hindi ako agad sumunod. Nag-isip pa ako kung sasabihin ko ba? Buong gabi kong iniwasang sabihin tapos malalaman din pala niya. Isa pa hindi naman 'to problema, sama lang ng loob at ayoko nang isipin pa.

Nag-iisip kung mag-oopen up ba ako taong nagparamdam ng sakit sa'kin. Tuwing nakikita ko siya parang nabubura lahat ng masasakit na pinagdaanan ko. Napatawad ko na siya at handa na ulit akong maging kaibigan sa kanya pero bakit nag-aalangan pa rin akong makita niya ang mga tunay kong nararamdaman, katulad na lang nitong nararamdaman ko ngayon. Sa kaiisip hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"Sige na, sabihin mo na sa'kin," pilit niya.

"Anong sasabihin ko?" pagmamaangmaangan ko.

"You're not a good actress Jillian," aniya.

Lumipat ako sa sahig para kumuha ng inumin--alak saka sumandal ako sa dulo ng sopa

"Oh tapos umiinom ka, may problema ka nga," pilit niya hanggang sa umupo na rin siya sa sahig.

"Wala, hindi naman 'to problema," uminom ako ulit. Padami nang padami ang naiinom ko.

"E ano?"

"Bakit ba ang kulit mo?" isang inom ko na lang at magtetake-over na ang alak sa sistema ko. Sa ngayon nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

"Last mo na 'yong alak na 'yon ah," babala niya sa'kin. Tumayo ako. Mabuti't narating ko pa ang kusina at nabuksan ang ref.

"Anong ginagawa mo?" sumunod pala siya sa'kin.

"I need something sweet and cold, mainit sa lalamunan," paubo at mabilis kong sagot.

"Ako na," alok niya.

"Ako na, pinakialaman mo din naman 'yung kitchen ko dati," sinasabi ko 'yon habang naghahanap ng juice, nang may nakita akong kulay pulang inumin na nakabote, binuksan ko agad 'yon at nilagok. Mabilis kong naubos, lasang strawberry juice, medyo guminhawa naman ang lalamunan ko pero agad na inagaw ni Paul 'yong bote.

"Hindi juice 'to Jill, alak din 'to. Shit mababa tolerance mo sa alak 'di ba?" hinawakan niya ang kamay ko at dinala pabalik sa sala.

"Damn it, Dan," dagdag pa niya. Hindi ko na naintindihan kung bakit si Dan ang sinisisi niya.

"Bakit si Dan?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot.

"It doesn't taste like wine or alcohol or beer or whatever though, para lang siyang juice," napapansin ko sarili kong lasing na nga ako.

"Sabihin mo 'yan mamaya kapag nasira na tiyan mo," sabi niya na parang nanunumpa.

Tumayo ulit ako pero parang nagsimula na ngang umepekto 'yong mga nainom ko. Umupo ako ulit. Gusto ko na sanang umuwi pero parang gusto ko pang uminom.

"Ihatid na kita," pinal na sabi ni Paul.

"Can I drink more?" Walang anu-ano kong sinabi ang nasa isip ko.

"No, ihahatid na kita."

"But I want to drink until I fall asleep," pilit ko.

Matagal siyang nakatayo at nakatingin lang sa'kin. Mga tinging naiinis na nag-aalala na tagos sa kaluluwa.

"Okay," sa wakas, "in one condition."

"What?"

"Tell me what you were about to say before Dan and Gabby arrived. All square 'di ba?" seryoso pa rin siya.

Kumuha pa ako ng alak bilang pagpayag sa kundisyon niya, hindi ko agad inubos 'yon at pinanatili ko lang sa kamay ko ang baso.

"Wala naman talaga 'to, nafu-frustrate lang ako," nakatingin ako sa baso ng alak na hawak ko.

"Go on."

"I already had that project on my hands, kumbaga ticket na lang papuntang Japan yung kulang pero nawala pa rin," kuwento ko.

"Frustrated ka sa work? That's a news."

"Alam mo yung feeling na, akin na yun e, hindi ko pa man din nakukuha ng buo, pinaghandaan, pinagtrabahuan ko na tapos mapupunta lang sa iba. They just told me that I'm not committed enough to handle the job, damn it. I already planned it long before it happens, long before I got ejected. They have no right to question my loyalty."

"Of course they do," sagot niya.

"Are you not even going to tell me that they're wrong and that I'm right?"

"No but it's their loss Jill, not yours. Japan is not the only place in the world."

"Yeah but I wanted it," seryoso kong sagot. Ininom ko ang natitira pang alak sa baso ko, kumuha ulit at uminom, inulit ko pa hanggang sa wala na akong maramdaman, hanggang sa napagod na ang isip ko, hanggang sa makatulog ako. Boses lang ni Paul ang narinig ko bago ko ipikit ang mga mata ko. Hindi na klaro pero alam kong boses niya 'yon.

"You'll get a bigger break babe, you just need to rest for now."

Naramdaman kong may labing dumampi sa noo ko bago ako tuluyang makatulog.

Paggising ko kakaiba 'yong awrang nararamdaman ko, alam kong hindi ito 'yong lugar na ginigisingan ko araw-araw. Tumingin ako sa mataas na kisame, sa maputing pader, bumaling ang tingin ko sa hanging nagmumula sa labas, sa veranda. Bumangon ako bigla, pumunta sa veranda para salubungin ang malamig na hangin at nang matanaw ko ang tanawin dito bigla akong bumalik sa realidad.

"Shet, walang veranda sa kuwarto ko," saka ko napagtantong wala ako sa bahay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinanap ko 'yong banyo. Sa pustura ng kuwarto at banyo mukhang lalaki ang may ari, wala gaanong detalye. Naghilamos ako at nagsipilyo, ginamit ko ang sipilyong hindi pa nabubuksan. Alam kong alam ng may-ari ng bahay na kakailanganin ko 'to kaya niya nilagay dito. Pero teka nasa'n ba 'ko? Nasa'n ba ako kagabi?

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon