Ikatlo [2]

171 11 2
                                    

Naisakatuparan ang plano nila Mama at kuya na magtanghalian si Paul sa bahay, si Mama nakakapanibago, hindi siya ganito kay Paul dati. Si kuya naman parang bata na giliw na giliw sa pagbabalik ng kalaro niya.

Tapos na kaming kumain nang dumating si Ate Carl may dalang ice cream, nananadya yata sila dahil coockies and cream at chocolate 'yong flavor, paborito ko at paborito ni Paul.

"Oh may bisita pala tayo?" tanong ni ate Carl, "boyfriend mo Jill?"

Alam ko na kilala niya si Paul, araw ko lang ngayon kaya nasa akin lahat ng pang-aasar.

"Ate. Si Paul 'yan," mabagal kong sagot.

"Siyempre nagbibiro lang ako Jill," nginitian niya ako na parang kinikilig pa.

Ano bang problema ng mga taong 'to? Wala na nga e 'di ba.

--

"Pa'no sila nagkabalikan?" tanong ni Paul habang papunta kami sa bahay nila.

Hiniram ni kuya 'yong sasakyan ko kasi aalis daw sila ni Ate Carl, isinama nila si Mama.

Sabi niya wala raw siyang gas, nagdadahilan lang 'yon alam ko, e wala naman akong kakampi kaya hinayaan ko na lang. Kaya ito ako ngayon...

"Nangyari lang," sagot ko.

"Kailan pa?"

"Tatlong taon na."

"Wow."

"Meant to be," ika niya.

"True love, siguro," sabi ko.

"Naniniwala ka sa true love?" usisa niya.

"Paniniwala ba 'yon?"

"Hindi ba?"

"True love is something that you can feel, it is neither a situation nor a belief."

"So you're saying that people make false definition?"

"Yes."

"Why then?" At parang gusto niya pang magdebate kami.

"Because they always say that true love doesn't exist wherein the first place it does."

"Because it's something that can be felt?"

"Precisely."

"Enlighten me."

Tinapunan ko lang siya ng tamad na tingin.

"Stop grinning," sinabi ko na.

"Sorry." Pinigilan niya pang matawa.

"Simply because it's not a criteria."

"Criteria?"

"Yes, you make your own true love, it's through your feelings."

"You haven't found any?" Bahagya siyang humarap sa akin habang dahan-dahang binabagalan ang takbo ng sasakyan.

"You're asking the wrong question."

"Oh, it should be, you haven't felt such?"

"Not today," nakatagos ang tingin ko sa bandang side mirror.

"Tomorrow?"

"I don't know."

Patago akong huminga nang malalim at sinubukang kumalma para kasing ang bilis naman, pinag-uusapan kaagad namin ang mga ganitong bagay. Lalo pa at matagal ko na siyang hindi nakakausap nang ganito.

"You look serious all the time, too compose, too far."

"Anong sinasabi mo?" tumawa ako kunwari para lang ibahin ang mood.

"Wala parang, you're not the usual Jill."

"Hindi ka lang sanay."

"And you don't call me boss anymore."

"You still want me to?"

"You're not calling me by name, too."

"Paul... Paul... Paul..." Tumingin ako sa kanya, "Happy?"

"You're still hard."

"Sa'n papunta 'tong usapan na 'to, really."

"See, no 'Paul' at the end of the question."

Umiling ako pero seryoso lang siya. Aaminin ko hindi ko siya maintindihan.

"What exactly are you trying to say? Paul."

"Why are you like this?"

"Like what?" naiirita na ako.

Bigla niyang ihininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ang tirik ng sikat ng araw, malamig sa loob ng sasakyan at may tensiyon nang nabubuo.

"Jill, it's been five months since I came back yet why do I feel like it's just yesterday?"

"Try to answer your question, Paul."

"Well I can't."

"Stupid," bitaw ko na siya ring bitaw ko sa titigan namin at bumaling sa kalsada.

"Thank you."

Sagot niya at saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Parang kanina lang maayos naman kami mag-usap bigla na lang naging ganito.

"Hindi ko lang alam kung pa'no kikilos kapag nandiyan ka dahil nasanay na 'kong wala ka," sinabi ko na lang nang medyo nakabawi na ako pero hindi siya sumagot.

"I'm not used of having you around now," pagtutuloy ko pero tahimik pa rin siya.

"Say something," hiling ko.

"Pagdaan natin sa bahay, diretso na tayo kay Dex," sabi niya.

Huminga ako nang malalim at hindi na nangahas pang magsalita ulit.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon