Ikalima [3]

175 8 4
                                    

Lakad, hinto ang ginagawa naming pareho sa maliit kong kusina, parang kalkulado lahat ng galaw,   parang may sarili kaming mundo na ang tanging komunikasyon namin ay ang pag-abot ng kutsilyo, sibuyas, bawang, mantika. Hinayaan ko lang siyang gawin ang mga mas mahihirap na bagay - ang pagluluto.

Nang kumulo na ang kanin, iniwan ko na siya.

"Kung may kailangan ka pa Master Chef tawagin mo lang ako," ngumiti ako at sinindihan ang nakasalang na kanin para iingin, nakatingin lang siya.

Dumiretso ako sa sala para manood ng laro. Sakto pagbukas ko second half pa lang ng unang laro. San Miguel at Alaska ang naglalaban.

"Basketball never gets old 'no?" sulpot niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

"One of the random thoughts na puwedeng pag-usapan kapag awkward na," dagdag niya.

"Awkward ba?" wala sa sarili ko namang tanong.

"Minsan, oo," tapat niyang sagot.

Ito na naman kami. Nag-uusap na naman kami tungkol sa nakakailang naming sitwasyon.

"Since we're talking about random things, can I ask a random question?" tanong ko.

"Of course, ano 'yon?" pagpayag niya.

Hindi ko alam kung anong laro ang gusto kong laruin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita tungkol sa nakaraan.

"Why was I the first person to ride on your car when we were 19?" mabilis kong bitaw dahil baka umurong pa ang dila ko kung tatagalan.

"Sabi nila special daw 'yon," sabi niya imbes na sagutin ang tanong.

"Sabi nga nila," pagsang-ayon ko naman.

"And you're special," walang kapreno-prenong pahayag.

"Why?"

"Because I love you."

Dito ako pinanghinaan. Tinakasan na yata ako ng katinuan. Parang biglang tumigil 'yong coverage ng laro, 'yong tipong nasa hangin pa rin 'yong bola, nakalutang pa rin 'yong manlalaro na tumira, 'yong shotclock hindi na gumagalaw. Walang hangin, ang kabog ng dibdib ko lang ang naririnig. Hindi ko alam kung ano ang kaya kong sabihin. Ngayon ko lang narinig sa kanya 'yong mga salitang 'yon. Hindi ko kinaya kaya kumawala ako sa pagkakatitig sa kanya.

"Yeah, of course we were bestfriends," pumeke ako ng ngiti at bumaling sa pinapanood ko.

"My turn," sabi niya.

Anong my turn? Bulyaw ng isip ko.

"Why were you so angry with Jasmine?"

"Ako? I wasn't angry with her!" depensa ko.

"E kanino ka galit?"

"Sa'yo!"

"Really, why with me?"

"You don't want to know," babala ko.

"I want to know."

Tumayo ako at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Naglakad ako pabalik sa kabila ng nagmamatyag niyang mata. Iniabot ko sa kanya 'yong basong ininuman ko na kalahati pa ang laman.

"Oh, you might need this," tinanggap naman niya.

"You really want to know?" ulit ko.

"Yes," umupo siya sa dulo ng parehong sopa na inuupuan ko.

"I was about to tell the big secret but you came out with a girl who can't get her hands off your arms," bunyag ko. 

Tahimik lang siya, mukhang nag-iisip pa ng salitang bibitawan.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon