Ikalima [1]

194 7 2
                                    

"Enough," mahinahon kong pagpigil.

"Yeah, enough. Mag-aaway lang talaga tayo nito."

"Let's leave the past as it was."


Dinilat ko ang mga mata ko at nagliliparan ang mga itim na kulay, sumunod ang pula pagkatapos ay isang maliwanag na ilaw. Paulit-ulit, naghahalo-halo, paikot-ikot, dumadami, lumalaki at sumasakit ang mata ko, ang ulo ko ang buo kong katawan. Humangin ng malakas, tumigil ang tibok ng puso ko, nanlamig ang buo kong sistema, nawawala, naliligaw ako. Huminga ako ng malalim at nagising. 

Panaginip lang pala. Naririnig ko ang dumadagundong kong puso, nararamdaman ko ang marahas na pagdaloy ng dugo ko. Nag-inat ako, pinilit bumalik sa realidad saka ko naramdamang sumasakit na naman ang likod. 

Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko na magawa. Nagbalik tanaw ako sa mga nangyari kahapon habang ibinabalik sa normal ang utak at katawan ko.

Ihinatid ako ni Paul matapos kaming maghapunan at sinabing sa susunod na mag-ja-jogging ako sa gabi dapat kasama pa rin siya. Sinabihan niya rin akong dapat sa umaga na lang daw palagi para hindi delikado. Hindi na niya binanggit ulit 'yong isyu niya kay Dex. Sa tingin ko naman nag-aalala lang siya pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pang banggitin 'yon e alam naman na niya ang talagang istatus?

--

May coverage ako hanggang hapon kaya pagtapos na lang ako tutulong sa resto.

Paalis na ako at pasakay na ako sa motor nang matagpuan ko ang isang bungkos ng rosas malapit sa pintuan kung saan ko natagpuan ang iba no'ng Sabado.

Walang delivery boy ang nanghingi ng pirma ko ngayon kaya malamang kung sino man 'yong nagpapadala siya na mismo ang nag-iiwan nito dito. Bumilis ang pulso ko sa posibilidad na iyon. Gusto kong matakot pero sa tuwing nakikita ko ang mga rosas napapangiti na lang ako.

I am better.

Palala nang palala at palalim nang palalim ang mga sinasabi ng rosas na 'to. Pero sabi ko kashit ano pang sinasabi nito kailangan literal lang ang pagtanggap ko sa mga mensahe ng nagpapadala para hindi ako mas lalong mag-isip.

Pinalitan ko na nga ang mga lumang rosas, totoo ngang mas maayos ang mga bago. 

Sumakay ulit ako sa motor at sinimulan ko na ang araw ko. Alam kong traffic ngayon at mamaya kailangan kong magmadali kaya hindi muna ako nagsasakyan.

Alas singko na ako nakarating sa resto, pagkatapos na pagkatapos ng volleyball game, nagsulat ng istorya, umalis na agad ako. 

Huling araw naman na ito ng pag-aayos sa resto kaya luluwag na rin ang schedule ko at magagawa ko na 'yong isa ko pang trabaho - Baguio. Paano ko pala isisingit 'yang si Baguio?

Pagpasok ko sa paradahan ng resto nakita kong may nakaparada na sasakyan. Sasakyan ni Paul.

"Hi Jilly!" bati niya.

"That's an old name," sita ko.

"It never gets old," ngumiti pa siya. "Hindi ka nakasasakyan?"

"Nope."

"Bakit?"

"Traffic. Come on don't be like Lance, Dex, kuya and the other folks, kaya ko naman e."

"Kaya mo pero delikado," kumento niya.

"Dahil babae ako?"

"Hindi gano'n. Nevermind. Buti hindi ka inabutan ng ulan, makulimlim, kanina pa," pag-iiba niya ng usapan. 

"Dito lang naman..." napatigil ako ng biglang bumagsak ang ulan, isang kisapmata lang basa na ako, "ma-ku-lim-lim," dahan dahan kong bigkas saka natantong bumagsak na ang ulan.

Tumingala siya, nakangiti, hindi kami gumagalaw kahit na nasa labas kami pareho, walang kahit na anong nakapagitan sa amin sa langit. Walang patid ang pagbuhos ng ulan, walang awang binasa ang buhok ko, ang damit ko, ang kamay ko. Basa na rin si Paul. I

"Tara na," sabi niya habang ang kaliwang kamay niya sa likuran ko.

Sumilong kami sa may terrace ng resto. Mala-villa ang disenyo nito, gawa sa kahoy ang mga railings na napinturahan ng puti, ang buong restaurant, classic ang hitsura. Gawa sa indegenious materials ang mga silya at mesa. Sa kahoy rin gawa ang counter, gusto kasi namin ni Dex parang pangprobinsiya 'yong dating. 

Sa gawing kanan at kaliwa ng resto ay may balkunahe, may tigdalawang mesa doon kung saan makakaupo ang apat na tao sa bawat mesa. Sa loob naman ay may anim na mesa na tig-aapat din ang silya. I-a-adjust na lang depende sa gusto ng mga customer. Ang mga dingding ay gawa sa kahoy. May mga puno sa paligid ng resto, at hardin sa labas, tabi no'n  ang paradahan. May mahabang daanan bago marating ang gate, tugma sa disenyo ng resto na parang rest house.

Habang patuloy sa pagbasak ang malakas na ulan, pinatulo ko ang buhok ko at itinali, piniga ko rin ang ibabang parte ng damit ko dahil basang-basa na. Nagulantang ako nang maalala kong naiwan ko pala ang helmet ko at ang bag ko na ipinatong ko kanina sa upuan ng motorsiklo ko kaya agad-agad akong tumakbo papalabas para kunin ang mga 'yon, hindi na ako napigilan ni Paul. Mabilis akong tumakbo papalabas, mabilis din naman akong tumakbo pabalik.

"Dapat sinabi mo para ako na lang ang kumuha," sabi ni Paul habang papasok ako sa resto.

"Adrenaline," sabi ko na lang.

Wala na akong nagawa nang kinuha niya ang helmet at bag ko sa kamay ko at inilapag iyon sa pinakamalapit na mesa, kinuha niya ang itim niyang coat na nakasabit sa sandalan ng upuan at ipinatong sa magkabila kong balikat.

"Dito ka lang kukunin ko 'yong payong sa kotse, kailangan na kitang iuwi," pagkatapos ay utos niya.

"Ha? Ah... Okay," tila nauutal ko pang pag-sang-ayon.

Pagbalik niya dala niya na 'yong payong. Mabilis niya ring kinuha 'yong bag ko at iniwan ang helmet.

"Nasabi ko na kay kuya Sito na balikan mo na lang 'yong motor mo," ika niya.

Tumango lang ako saka ko hinigpitan ang paghawak sa coat niya na nakapatog sa balikat ko dahil palakas nang palakas ang ulan at palamig na nang palamig. 

"I don't mind if you wear that. Don't just hang it on your shoulders," sabi niya nang mapansin niyang nilalamig na ako.

Sinunod ko na lang siya.

 Ang init ng pinanggalingan ko kanina bago ako bumyahe papunta rito. Namalagi pa ako sa malamig na arena kaya lamig-init-lamig na ang pinagdaanan ko. Masama na 'to.

"Maligo ka agad pagdating ah,"  utos niya nang makapasok na kami sa sasakyan.

'Yes boss,' sagot ng isip ko. pero ang totoo tumango lang ako.

"Okay ka lang?" maya maya pa ay seryoso niyang tanong.

"Yeah, okay lang. I'm just not used of getting wet in the rain," pag-amin ko.

"Really? The last time I talked to you before going to Singapore, you were sick because of staying long in the rain," parang namamangha niya pang sabi.

Natagalan bago ako nakasagot. "That was the last," saka ako huminto. "Kung nabasa man ako ng ulan sa mga nakaraang taon pagkatapos no'n, 'yon ay iilang patak lang,"pagpapatuloy ko.

"You never tried to dance in the rain?"

"Ha? Dance, of course no'ng bata pa ako."

"It was fun 'di ba?"

Tumango ako at nagtataka, bumwelta siya at ibinalik sa paradahan ang sasakyan.

"Come. Let's get out, I want to erase something," matalinhaga niyang anyaya pagkatapos.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon