"Ahem, can you not talk about work on a Sunday night gentlemen?" sulpot ko uli sa kinaroroonan nila Dex at Paul.
Binaba ni Dex ang hawak niyang blueprint habang nakatingin sa'kin si Paul o baka sa hawak kong baso na nasalinan pa lang naman sa pangalawang pagkakataon.
"Can I talk to him for five minutes, Dex?" Sandaling natigilan si Dex pero nakabawi rin.
"No objections, Jill."
Lumabas kami ni Paul, nagtungo kami sa harapan ng bahay ni Dex. Malapot lang sa kalsada ang bahay ni Dex at napapaligiran ang gilid ng kalsada ng mga puno. Kaya kapag nagyaya si Dex ay hindi ako tumatangi dahil napakapayapa nga naman ng tirahan niya.
Nakaharap kami pareho sa kalsada, madilim na at puro street lights nalang ang liwanag na nakikita sa paligid pati ang pailan-ilang sasakyan na dumadaan. Magkatabi kami, nakatayo, hindi tumitingin sa isa't-isa.
Kinuha niya mula sa'kin ang halos nakalimutan ko nang baso sa kamay ko at ininom lahat ng laman no'n.
"Akin 'yon." palag ko.
"Mine now."
"Same old Paul."
Pinapakialaman niya pa rin ang inumin ko.
"So, why do you want to talk to me?"
"I just want to say sorry, that's all."
"Why? Did you do something terrible to me?"
"Sorry for being too far."
Sandali kaming hindi nag-imikan, tila ba tinatantiya ang isa't isa.
"You're not now."
Inalis niya ang katiting na distansiyang namamagitan sa'min, ibinalot niya ang kaliwa niyang kamay sa kaliwang balikat ko. Sandali pa naramdaman kong ligtas ako at kontento, tumingin ako sa kanya habang nakatanaw siya sa kalsada at napangiti ako.
Ikinilos niya ang kamay niyang nakaakbay sa'kin papalapit sa dibdib niya kasama ang buong ako, niyakap niya ako at hindi ko na napigilan. Hinalikan niya ang ulo, pumikit ako "ito na naman siya" bulong ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim at pumasok sa sistema ko ang nag-iisang pabangong nakakapagpatibok sa puso ko ng ganito kabilis.
"You're forgiven."
Dahan dahan siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin. Nakaharap na ako sa kanya at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang parte ng ulo ko, natatakpan ng kamay niya ang tainga ko at ang mga hibla ng buhok kong nakapaligid dito. Bahagya niyang itinaas ang mukha ko para makatingin ako sa kanya saka nagsalita.
"Don't drink wine or anything that has alcohol in it when you're bothered, especially when its about me."
"You really have a high level of confidence, Architect."
Tinapik ko ang balikat niya habang patungo ako sa pintuan, sumunod naman siya dala ang basong ako ang may hawak kanina. Bahagya akong tumigil para hintayin siya nang makarating ako sa pintuan.
"Kiss me if I was wrong."
Umiling ako pero pinatulan ko rin, "Where?"
"Anywhere."
Humawak ako sa kaliwang braso niya bilang suporta, tumingkayad ako para maabot ang mukha niya, at lakas loob kong hinalikan ang pisngi niya malapit sa labi niya.
Mabilis lang, nagulat siya roon pati ako.
"I was just joking," nakangiti siya.
"I know you were," ngumiti rin ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa loob loob ko nag-eecho 'yong mga salitang - "malandi ka" pero hinayaan ko na lang.
Maya-maya pa, nasa tabi ko na naman siya.
"Did you just flirt with me?" tatawa-tawa niyang tanong.
"Was that flirting?" painosenteng ganti ko naman.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
Fiksi Umum"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...