"Paul, napadalaw ka?" tanong sa'kin ni kuya Jonas habang papasok sa bahay nila. "Bakit ba dito ka dumadalaw e wala naman dito si Jill?"
"Yun nga kuya e," maikli kong sabi. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. May mga gusto lang naman akong malaman at dahil sa nangyari noong nakaraan hindi ko pa kayang kausapin si Jill. Malamang galit pa siya sa'kin pero bakit naman siya magagalit kung totoo naman ang mga sinabi ko?
"May problema?" si kuya Jonas.
"Parang ganun na nga, kuya," sagot ko, nag-iisip ng tamang mga salita para sa sadya ko.
"Mukhang seryoso ha?" tanong niyang muli. "Tungkol ba kay Jill?"
"Oo kuya," sagot ko kahit na hindi ko pa rin alam kung paano sisimulan.
"Anong tungkol kay Jill bro?" mas seryoso na siya ngayon para bang sinasabi ng mga tingin niya sa'kin na 'wag na akong mag-alinlangan.
"Kuya, pa'no ba 'to?" para na akong tanga. "May alam ka ba tungkol kay Jill at Dex?"
Sandaling napatitig sa akin si kuya Jonas parang tinatantiya ang sitwasyon. Parang siya naman ngayon ang nag-iisip ng sasabihin. Isinara niya ang pinto saka ako sinamahan sa labas at iginiya sa munti nilang hardin.
"It's not what you think," simula niya. "Alam ko kung anong mga sinabi mo kay Jill, kapatid ko siya at malamang ipagtatanggol ko. Jill doesn't deserve everything you said," patuloy niya na iginagulat ko.
"Sorry, kuya, nafu-frustrate lang ako."
"Mabuti na rin at nagpunta ka ngayon dito para malaman ko kung ano ba talagang iniisip mo at nasabi mong may relasyon sila ni Dex. Hindi naman kita masisisi dahil kung titingnan mo nga naman sila parang may relasyon sila na higit pa sa kaibigan," paliwanag niya.
"Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko pero pinangungunahan lang ako nararamdaman ko," pag-amin ko.
"Simula nung umalis ka, si Dex ang tumulong kay Jill ng higit sa mga tulong na naibigay namin," aniya habang tinatapik ako sa balikat. Para bang marami pa siyang sasabihin.
"I already know that part of the story, kuya. Pero bakit kung magkasama sila parang wala si Cass sa buhay ni Dex?" di ko mapilitang usisain.
"There's still a lot from the story that you need to know, Paul," makahulugang sagot ni kuya Jonas na ikakunot ng noo ko.
Habang nagmamaneho pauwi hindi mabura sa isipan ko ang mga sinabi ni kuya Jonas. Isang linggo na ang nakakaraan pero parang wala pa ring pagbabago sa kondisyon ng utak ko pati ng nararamdaman ko.
Siguro nga kailangan ko ng makausap si Jill para mas maging maliwanag ang lahat. Kaya pinuntahan ko siya pero bago pa ako makalabas ng sasakyan natigilan ako sa nakita ko.
Nagkikita pa rin sila sa kabila ng mga nangyari. Masakit man sa mata, nanatili muna ako sa loob ng sasakyan.
--
"Thank you Dex," mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pumayag na siyang magbitiw ako sa magazine niya o malulungkot ako dahil sobrang minahal ko 'yong trabahong 'yon?
"Alam ko na mahirap din para sa'yo," aniya. "Tinutulungan mo lang naman kaming magkaayos ni Cass. Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling Jill." Pinilit niyang ngumiti kahit kitang-kita sa mga mata niya na walang sigla iyon.
"You've done enough for me, it's now time to do something for yourself, Dex. Please win her back." Tumango siya na may halong lungkot at pag-asa.
"I loved that job, nakapag-travel ako dahil sa trabahong yun. Salamat, Dex."
"Do not thank me, it's all because of your talent. I just hate it that you always have to give up what you want just for other people's sake," makahulugan niyang pahayag. "I'm sorry na nadamay ka pa Jill."
"'Di ba sabi mo dati sana makagawa ka rin ng sobrang espesyal na bagay para sa taong mamahalin mo?"tanong ko na ipinagtaka niya. "Baka ito na yung pagkakataong yun, Dex. 'Wag mo ng sayangin. Please sacrifice me. I won't mind," itinaas ko pa ang kanang kamay ko para maging kumbinsido ang mga pahayag ko.
Hindi siya nagsalita, ngumiti lang siya at saka ginulo ang buhok ko. Dito na nagsimulang tumakas ang mga luha ko sa kani-kanilang sisidlan. Pinahid ko ang mga 'yon gamit ang pareho kong kamay. Niyakap niya ako nang mahigpit --pinakamahigpit na siguro ito.
Panay rin ang paghingi niya ng tawad habang inaalo ako.
"So... Good bye?" tumango lang siya. Kasabay no'n ay ang pagkadurog ng puso ko. Una si Cass, ngayon si Dex naman. Bakit kailangang mawala ang mga importanteng tao sa buhay ko? Bakit pakiramdam ko paulit-ulit nila akong iniiwan? Si Dex ang nagsilbing pader na handang pumrotekta sa'kin no'ng mga panahong wasak na wasak ako.
Namatay si Papa kasabay no'n ay ang pagkawala ng pamilya ko sa'kin dahil naging sentro ng buhay nila kuya at Mama si tito Jerry dahil sa taning niya. Kahit sinabi na ni Mama noon na titigil na siya hindi naman niya matiis na kahit sa huling mga sandali man lang ay magkakasama silang tatlo. Pinagbigyan ko lang sila dahil alam kong masakit mawalan ng pamilya.
Mabuti na lang at nandiyan si Dex. Umalis si Paul at iniwan akong durog at si Dex na naman ang sumalo sa'kin. Siya ang palaging nasa tabi ko kapag umiiyak ako o nagbe-break down o kapag ayoko nang bumangon sa umaga at matulog na lang hanggang maubos lahat ng sakit sa puso ko. Hindi niya ako hinayaang kainin ako ng mga sakit na ikinulong ko sa puso ko. Pinakita niya kung gaano ko sasayangin ang buhay ko kung hindi ko kayang kalimutan lahat.
Hindi lang niya ako inalalayan kundi siya pa halos ang huminga para sa'kin. Hindi ko siguro maayos ang buhay ko kung wala siya. Hindi lang siya basta matalik na kaibigan, walang titulo ang makakapagbigay ng kahulugan kung ano siya sa buhay ko. Hindi ko naisip na darating ang panahong magpapaalam ako sa kanya ng katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang sakit din pala.
"Don't cry hard for me, you must not cry for me, remember? l'm supposed to be the person you can cry on," paalala niya habang nakangiti. "Baka isipin kong may gusto ka na sa'kin niyan."
"Hindi kita type 'no? Kadiri ka!"
"Lalo ako 'no!" ganti niya.
"You're better off with someone else just let me go, Jill," patawatawa niya pang biro. Natawa na rin ako roon.
"Promise, I'll get her back. Aalis na 'ko. 'Wag ka nang umiyak. Pumasok ka na do'n. Magpa-party ka dahil luluwag na ang schedule mo."
Tinanguan ko na lang lahat iyon bago siya yumakap at dali daling umalis, kumaway.
"Bye Dex, thank you for everything,"naibulong ko na lang.
Hinintay kong maglaho ang sasakyan niya sa dilim bago ako pumasok. Pagkatalikod ko saka may tumawag sa pangalan. Boses iyon na kilalang-kilala ko.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...