"Wow, you're a terror leader," kumento ni Paul nang mapag-isa ako at nagliligpit ng mga camera.
"Wala pa yun sa totoo niyang kulay pogi," pasulpot na sagot ni Danna, na nasa tabi ko pa pala, sa kumento ni Paul.
"Danna," suway ko sa kanya.
"Oops, sarrey," saka siya tumalikod sa'min. Pagkakuwan ay bumalik at bumeso sa'kin. "Gotta go, Miss Jill, maghihintay pa ako ng tawag, salamat sa'yo."
Umupo ako at nagtakip ng mata saka nag-isip kung tama ba 'yong ginawa ko. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama, tama 'yong ginawa ko.
"Okay lang ba yun?" tumabi sa'kin si Paul.
"Ang alin?"
"Miss, you just yelled at your boss over the phone," sabi niya na para bang hindi ko rin iniisip iyon.
"Of course it's not okay," sagot ko. "But it felt good."
"Do you do that often? You're crueler than your boss."
"I don't need your opinion, Paul. And for your information, I don't do that all the time," pinabulaanan ko iyon.
"Wag mong sabihin sa'king tungkol pa rin 'to sa dati?" tanong niya at oo nga pala, alam niya.
"I need to at least make them feel they have mistaken my commitment."
"See. I know you too well," pagmamalaki niya.
"Bakit ka ba nandito? Para mandadag sa kabuwisitan?" prangka kong tanong. Hindi pa man siya nakakasagot may boses na biglang pumutol sa usupan namin -- si Cristine.
"Nag-aaway pa rin kayo na parang nung high school tayo?" tanong niya na parang namamangha. Tumayo si Paul at nagulat ako sa reaksyon dahil hindi iyon ang inaasahan kong gagawin niya -- niyakap niya nang mabilis si Cristine at kinumusta.
"Kumusta Tin?" aniya. Nagduda tuloy ako kung okay na ba sila at ngayon lang ba sila nagkita ulit kasi sa nakikita ko parang hindi.
"Okay lang, ikaw?" balik din ni Cristine na sinagot ni Paul ng "I'm better."
"I can see, Paul," kumento ni Cristine. Bakas ang tuwa nila sa muli nilang pagkikita. Umiling na lang ako dahil pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana ngayong araw na 'to. Una, nasorpresa ako na si Cristine ang isa sa mga modelo. Pangalawa, nagulat ako sa pagpunta ni Paul dito. Pangatlo, nahihiwagaan ako sa muli nilang pagkikita. Pang-apat, napgtanto kong ako lang pala 'tong nag-iisip na hindi pa rin maganda ang relasyon nila ngayon. At huli, ako ba talaga ang ipinunta dito ni Paul o si Cristine.
Bumalik sa unang nangyari ang utak ko, oo nga pala hindi ko rin alam na si Cristine ang kukuhanan ko si Paul pa kaya pero mabilis namang tumalon ang isip ko sa pangatlo, maaari ngang hindi ito ang unang muli nilang pagkikita. Bago pa ako mabaliw, tumayo na ako at kinolekta lahat ng gamit ko na siya namang pagkapansin sa'kin ng dalawa na magiliw pa rin sa pag-uusap.
"Let's have lunch together," anyaya ni Cristine. Tumango na lang ako nang marinig kong pumayag na si Paul at papalapit na si Luis na mukhang sasama rin.
Sa isang Chinese restaurant kami napadpad. Paminsan-minsan nararamdaman kong inaalalayan ako ni Paul sa likuran. Hindi naman niya ako kailangang alalayan ng gano'n pero hinayaan ko na lang kaya pag-awayan pa namin. Paglapit namin sa mesang pinaghatiran sa'min ng crew, mabilis na hinila ni Paul ang upuan sa tapat ko at sumenyas na do'n ako umupo.
"Gentleman as always," puna ko.
"Stop falling in love with it," ganti naman niya na ikinainis ko para kasing nang-aalaska ang dating niya.
"Whatever!" inirapan ko siya at umupo na.
Kapag tinitingnan ko si Cristine, napapabuntong hininga na lang ako kasi napakaingat pero pulido ang galaw niya habang kumain, walang wala sa pustura ko 'pag kumakain. Hindi naman ako galawgaw, hindi lang talaga ako mahinhin. Napabuntong hininga ako dahil ikinukumpara ko ang sarili ko. Ganoon siguro talaga, hindi mawawala ang pagiging insecure mo sa isang bagay o tao kahit kaikan.
Nag-uusap sila ng tungkol sa paninirahan nila sa ibang bansa, siyempre ako bilang loyalista sa Pilipinas hindi makasabay sa kanila. Mas okay pa pala kung pumayag na lang ako sa date na sinasabi ni Paul kanina kaysa sa makasama silang tatlo dito.
"How about you Miss Jill, have you lived abroad?"
"No," sagot ko.
"So you've decided to stay for good now, Tin?" tanong naman ni Paul. Sa pag-uusap nila ni Cristine mukha ngang hindi ito ang una nilang pagkikita.
"I'm still thinking, Paul. Haven't make up my mind," tumawa siya nang bahagya na ikinangiti naman ni Paul. At may kakaibang epekto yun sa tiyan ko.
"How long have you been here Tin?" hindi na ako nag-isip sa tinanong ko.
"Eight months, I actually didn't plan to stay that long but things happened," ngumiti siya pagkasabi no'n at parang gusto ko pang usisain kung anong mga bagay ang tinutukoy niya. 'Yong sinabi niya kasi parang may ibang laman, halos gano'n na rin katagal si Paul dito. Hindi kaya siya na 'yong sinasabi ni Paul na nililigawan niya o hinahanap niya. Hindi naman imposibleng maging sila ulit.
"Stay for good na lang Tin. Paul is staying for good, too," suhestiyon ko at lolokohin ko ang sarili ko kung ikakaila kong sinabi ko yun para makakuha ng impormasyon. Pero hindi yata nakalusot kay Paul ang pasimple kong paraan dahil binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin pagkasabi ko niyon.
"Bakit?" nakangiti kong tanong.
"Stop match-making, Jill," suway niya sa'kin habang ginugulo ang buhok ko. Hinampas ko naman agad ang kamay niya. Tinawanan ko na lang ang mukha niya na parang nininerbyos na naiinis. Mali ka, Paul. I'm not match-making, I'm fishing.
May duda na akong nililigawan ulit ni Paul si Cristine o kung hindi naman ay binabalak pa lang pero naghiwa-hiwalay kaming wala man lang siyang iniiwang implikasyon ng interes kay Cristine. Naguluhan tuloy ako, mali ba ako ng iniisip?
Alam kong nakasunod pa rin siya sa'kin habang lumalapit ako sa sasakyan ko at mabilis naman niyang binuksan ang pintuan para sa'kin. Ninja ba 'tong taong 'to?
"Sinusundan mo ba 'ko?"
"Oo," kaswal niyang sagot.
"What's with being a gentleman today?" Nagkibit balikat lang siya.
"Pagod ka na ba?" tanong naman niya. Sinagot ko iyon ng oo.
"Labas tayo," isinara na niya ang pinto at kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"Nasa labas tayo ah," pilosopo kong sagot.
"Naalala mo talo ka? Kaya sa ayaw at sa gusto mo magde-date tayo," aniya na parang nanghahamon.
"Bakit ako makikipag-date sa'yo?"
"You said it yourself, Jill, sweet ako," pagmamayabang pa niya. Sinubukan ko siyang hawiin paalis sa harapan ko para makapasok na ako sa sasakyan pero masyado siyang malakas. Doon ako huminga nang malalim.
"What are you up to?" tanong ko.
"You'll see, mauuna ako. Sundan mo na lang ako," utos niya saka niya hinablot ang likuran ng ulo ko para hinalikan ang noo ko bago tinungo ang sasakyan niya. Nagulat na naman ako at wala akong nagawa, napasunod niya ako.
"San ba talaga tayo pupunta? Hindi pa ko nagsisimba."
"Gagawan natin ng paraan yan wag kang mag-alala, sagot kita, Jill."
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...