Habang kumakain naisip ko kung paano ko itatayo ang istorya ko. Natigil ako sa paghihimay ng mga elemento ng istorya ko nang nilapitan kami ni Anna dala-dala 'yong shake. Inilapag niya iyon sa harapan ni Paul, halatang kinikilig.
Si Paul naman ay tumingin sa'kin, ngumiti at nagsalita, "Thanks Anna."
Napaubo ako nang bahagya, natawa na rin dahil sa ginawa niyang 'yon malamang sa malamang mamamatay na si Anna sa kilig.
"See?" sabi niya sa'kin. Napailing na lang ako.
Alas onse ng gabi na kami nakarating sa Baguio. Pagdilat ko ng mga mata ko nasa tapat na kam ng isang villa. Bumaba ako ng sasakyan nang mapansing wala na akong kasama sa loob.
Tumingin ako sa paligid, hindi lang nag-iisa ang bahay na nasa harapan ko kundi marami sila, magkakalayo pero abot pa ng paningin ko. Baguio Country Club, bigla kong natanto.
"Tara na sa loob," si Paul. Nanggaling siya sa loob ng bahay na kanina ko pa pinupuri at nabuhay ang dugo ko nang sinenyas niyang papasok kami rito. Bigla akong nanabik.
Sumunod ako sa kanya, tahimik at naeengganyo. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa'kin ang isang sala, fire place, muwebles na gawa sa kahoy, walang masyadong palamuti sa loob, parang luma ngunit nakamamanghang disenyo, nangingibabaw ang kahoy bilang materyal.
"Pledge prize?" maya maya ay naalala ko ang sinabi niya sa biyahe.
"Feel at home," iyon lang ang sagot niya.
"Dito ako mag-stay?"
"Yes, dito tayo mag-i-stay," umupo siya sa pinakamalaking sopa, nakaunat ang pareho niyang kamay sa sandalan ng nito saka pumikit.
"Tayo?" lumapit ako sa kinaroroonan niya.
"God, Jill this is too big for you," ika niya habang nakapikit pa rin.
Ikinalat ko ang mga mata ko at nakita kong may hagdan pa pala, malamang nasa dalawa o tatlo 'yong kwarto sa taas. Napangiti ako. Oo malaki nga 'to para sa'kin.
"Magkano rent dito Paul?" praktikal kong tanong.
"Huwag kang mag-alala hindi ka gagastos."
"That's not my point."
"This accommodation is long over due, this is what I got from that game with Jasmine," ika niya habang naglalakad papalapit sa bintanang mula sahig hanggang kisame. Nakapamulsa.
"Ha?" Humarap siya sa'kin.
"This is what I got from that stupid game."
"So this was your award, payment or however you call it?"
"This was more of a settlement."
"Settlement?"
"Yep."
"Then, what did she get?"
"That's a secret, babe."
Iniripan ko na lamang siya. "Don't. Call. Me. Babe."
"That's what you get for calling me baby boy." Naglakad siya sa harapan ko, tumigil sandali para guluhin ang buhok ko. Katulad ng dati. Umakyat siya patungo sa taas at sumigaw ng "Good night, babe!"
Mabilis ko namang dinampot 'yong isang throw pillow sa likuran ko at buong lakas na ibinato sa kanya. Tinamaan 'yong likod niya pero mukhang mahina lang. Dire-diretso lang siya at hindi na lumingon. Walang anu-ano, sinundan ko siya, pinulot ko 'yong throw pillow at ibinato ko sa iniwan kong upuan.
"Paul," tawag ko sa kanya. Pumasok ako sa isang kuwarto kung saan nakabukas ang pinto at ilaw, malamang nandito siya, sabi ko.
Wala siya pagpasok ko, nakita ko ang gamit niyang t-shirt kanina sa paanan ng kama, narinig kong bumukas ang shower sa may banyo. Lumapit ako at kumatok.
"Paul." Hindi siya sumagot kaya hinintay ko na lang na lumabas siya. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na siya.
"Bakit?" tanong niya. Nagising ako sa katotohanang galing siya ng banyo, nag-shower at malamang wala pa siyang suot na kahit ano maliban sa tuwalyang nakapaikot sa baywang niya. Nakalantad and katawan niya na hindi maipagkakailang kaakit-akit. '"no ba 'tong iniisip ko?"
"Shoot, sorry!" tumalikod ako, narinig kong tumawa siya ng mahina.
"What are you doing on a man's room, Jill?" asar niya.
"Puwedeng magbihis ka na lang agad para masabi ko na 'yong sasabihin ko?"
"So cute," sabi niya pagkatapos akong tawanan.
"Take your clothes on, quickly!" mando ko. Narinig kong nagbukas siya ng cabinet, maya-maya pa zipper na ng bag ang naririnig ko. Nararamdaman ko ring nagbibihis na siya saka gumaan ang loob ko, kahit papa'no nabawasan ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Okay na, rated G na, turn around now, Jill."
Pagharap ko sa kanya, nasa ulo niya na ang towel, pinupunasan niya ang buhok gamit ang isa niyang kamay. Napaka!
"May problema ako," sinubukan kong mag-focus.
"Ano?" tanong niya habang isinasampay ang tuwalya sa sabitan.
"Wala akong dalang damit," nakagat ko ang labi ko.
"Bakit?"
"Part of the plan, I mean part of the story."
"The story you're writing?" Tumango ako. Mabilis niyang inayos ang buhok niya gamit lang ang mga kamay niya. Kinuha niya ang sweater niya sa bag.
"That's the only jacket you have?" tukoy niya sa cardigan na gamit ko. Tumango ako.
"Here, wear this," inabot niya sa'kin ang sweater na hawak niya.
"Pa'no ka?"
"We'll see kung may bukas pang bilihan ng damit sa labas. For now, suotin mo muna 'yan, masyado nang malamig sa labas."
"Ipapatong ko sa cardigan ko?" tanong ko na parang bata.
"It's up to you," sagot niya. Dala ang susi ng sasakyan, nagsimulang lumabas ng kuwarto at bumaba.
"Okay lang ako, ikaw na lang gumamit nito," pilit ko.
Hindi siya sumagot kaya binilisan ko na lang din ang pagbaba. Pagdating sa sasakyan, hawak-hawak ko lang 'yong sweater niya. Naka-shorts lang siya at plain blue green shirt.
Nagmaneho lang siya, nagmamasid sa bawat madaanang tindahan. Hanggang sa makarating kami sa night market. Mabuti na lang at malapit ng mag-holiday kaya may night market na.
Bumaba kami, naglakad papunta sa mga bilihan. Hinablot ko ang kanang kamay niya at pinilit na ibalik ang sweater niya.
"Okay lang ako, ikaw na gumamit nito," sabi ko.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...