Nakakita ako ng plain v-neck shirts sa 'di kalayuan, nilapitan ko, iniwan ko si Paul sa kinatatayuan niya at walang pagdadalawang-isip akong bumili ng dalawa - isang kulay rosas at isang itim at damit panloob.
"Agsara kayun?" narinig kong sigaw ng tindera sa katapat niyang tindera.
"Wen, ket sika?" sagot ng tinderang isa, para akong nasa kabilang mundo pero alam ko nag-iilocano sila.
"Madamdama adda pay customer ko, ni kitam nagpintas nga balasang taga Manilan sa," sagot ng tindera sa harapan ko. Wala akong naintindihan kundi 'nagpintas' at 'taga-Manila' lang. Ako yata 'yong tinutukoy. Tumango lang 'yong kausap niyang tindera.
"May kailangan ka pa ba, miss?" tanong sa akin.
"Opo, may pantalon po ba kayo o kahit jogging pants?"tanong ko.
"Ay,oo meron kami. Pero ito na lang kasi naligpit na namin yung iba, wala na rin kasi dito," paliwanag niya habang ipinapakita sa'kin ang isang maong na pantalon na gulanit ang disenyo at isang itim na jogger pants.
"Okay lang po," kinuha ko ang mga 'yon at sinukat sa leeg ko para masiguradong kasya sa'kin.
"Okay na po ito, kunin ko na," nakangiti kong sagot sa tindera.
"Sige miss, akin na, ibabalot natin. Bigyan na lang kita ng paper bag, tutal marami ka namang binili sa'kin." Dumampot siya ng itim na paper bag at ipinasok lahat do'n ang pinamili ko.
"Oh ayan para mukhang sa mall ka bumili." Ngumiti ako, iniabot ang bayad saka nagpasalamat.
Pagtalikod ko nakita kong papalapit na si Paul may hawak din na paper bag. Malamang binigyan din siya ng paper bag, dinaan na naman niya siguro sa alindog. Ako nga binigyan, siya pa kaya.
"Tapos ka na?" bungad niya.
"Mm," matipid kong sagot at tumango.
"Oh," iniabot niya ang hawak niyang paper bag sa'kin.
"Sa'kin?"
Hindi siya sumagot. Sinilip ko ang laman ng paperbag at nakita ko ang isang scarf na kulay teal. Pa'no niya kaya nalamang gusto ko ng ganitong kulay? Napatingin ako sa suot kong sapatos, may mga linya iyon na gaanong kulay.
"Is this for free?" pangahas kong tanong sa kanya, suot niya na ngayon ang sweater niya, nakasuksok ang pareho niyang palad sa bulsa ng sweater niya.
"I'm not giving anything for free, Jill," seryoso niyang sagot.
"Ano?" hinampas ko sa kanya 'yong paperbag na ibinigay niya sa'kin.
Hinablot niya ang paperbag na ibinigay niya, nilipat niya sa kaliwang kamay niya at mabilis na hinawakan ang kaliwa kong kamay, hinawakan niya nang mahigpit. Malamig rin ang kamay niya, mas malamig nga lang ang kamay ko.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ayaw niyang pakawalan. Ayoko sa mga ganitong kilos niya, ayoko nang bumalik na naman sa dati ang nararamdaman ko. Ayokong makipaglaro sa kanya.
"Paul, can you hold this for me?" iniangat ko ang mga hawak ko. Akala ko bibitawan niya ang kamay ko pero hindi, kinuha niya ang mga 'yon gamit ang kaliwa niyang kamay. Napabuntong hininga ako, Plan b naman.
"Magsisintas lang ako, yung kamay ko pakibitawan," utos ko.
Nakipagtitigan muna siya ng ilang segundo, tinaasan ko siya ng kilay at saka pinakawalan ang kamay ko. Ngumiti ako, umaktong nagsintas, tumayo agad at pinanatili ang distansya sa kanya para hindi niya na mahablot ulit ang kamay ko. Gusto kong ngumiti at maramdaman ang bagay na 'to pero ayoko, hindi na ulit. Huwag na.
Pagdating namin sa villa, umakyat na agad ako para maghilamos, sinuot ko na agad 'yong isang pares ng binili kong damit. Paglabas ko ng CR wala pa si Paul sa kwarto niya kaya bumaba ako. Nadatnan ko siyang may tinitimpla sa kusina.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Kape," mabilis niyang sagot, "gusto mo?" dagdag niya.
"Hindi. Bawal."
"Pero gusto mo?" nanunukso niyang tanong. Tumango ako. Inilipag niya ang tasa saka kumuha pa ng isang tasa bago magtimpla ng isa pa.
"Huwag na Paul!" pigil ko.
"Isipin mo na lang nakalimutan mo lang din na nakainom ka, katulad ng nangyari no'ng nagkita tayo ulit."
"Naaalala mo pa?" usisa ko.
"It was just five months ago, hindi madaling kalimutan 'yon," may parang kumurot sa puso ko at dahil do'n nakumbinsi niya akong patulan 'yong kape kahit bawal.
"Paul, may dala kang laptop?" walang hiya-hiya kong tanong.
"Meron, bakit? Kailangan mo?"
"Yes, sana. Puwedeng hiramin?"
"In one condition," seryoso niyang pahayag.
"Okay? Ano?"
"My plan for tomorrow is our plan."
"Ha? Pa'no yung istorya ko?"
"So walang laptop," ngumisi siya.
"Tss! Brat!" Tinalikuran ko siya ngunit hindi ako nakatiis muli ko siyang hinarap, naghihintay lang din siyang pumayag ako, "Sige na!"
Ngumiti siya at agad agad na umakyat, pagbalik niya ay dala na niya ang laptop niya. Siya na ang nag-ayos noon at pinagmasdan ko na lang ang bawat galaw niya nang bigla akong nagtanong.
"Bakit wala ka pang girlfriend?"
"Naghahanap pa rin ako, sabihan kita kapag meron na, mukhang interesado ka e."
"Hindi naman, curious lang ako." Hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang dahilan o may iba pa akong gustong malaman.
Nagsimula na akong magsulat. Isinantabi ang mga karaniwang konsepto ng mga istorya. Nnagdesisyon na lang akong gawing simple ngunit kakaiba ang istorya ko. 'Baguio for me is...' ang magiging konsepto nito.
Isang oras na ako sa ginagawa ko nang mapansing wala na sa baba si Paul.
-Interview a worker on the strawberry farm/ a farmer in a vegetable farm
-Interview a Baguio native
-Interview a tourist
-What is Baguio for them
Abala ako sa pagtipa nang may biglang bumalot sa'kin na puting kumot. Paglingon ko, nakita ko si Paul na kakalagay lang ng kumot sa magkabila kong balikat.
"Oh?" 'yan na lang ang nasabi ko.
"Matulog ka na pagtapos niyan ah, mauuna na 'ko. Good night," sabi niya saka ako hinalikan sa ulo.
Ito na naman, sabi ng isip ko, saka bumuntong hininga.
"Thanks," iyon na lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...