Ika siyam [2]

155 6 2
                                    

"Cristine?" lalo pa siyang gumanda at lalong gumanda ang hubog ng katawan niya. Tumayo siya nang masabi ko na ang pangalan niya. Tumango naman siya at nakipagkamay sa'kin.

"It's nice to see you again. It's been a long time," aniya saka dinagdagan iyon ng "You're looking great."

"You look great, too. This is a surprise. I didn't know na ikaw pala yung sinasabing model ng mga staff namin," sinabi ko as a matter of fact.

"Oo nga e, hindi ko rin alam na ikaw ang magsu-shoot sa'min. You love photography since then," napangiti ako ng peke sa sinabi niya dahil kahit kailan hindi ko naman naibahagi sa kanya ang pagmamahal ko sa photography. Malamng si Paul ang nagkuwento sa kanya.

"So, let's get this going," sabi ko na lang pagkatpos ngumiti. Tumango naman siya.

"Ma'am, mga 30 minutes pa po, 'di pa kasi tapos make-up nila," paalala ni Pia.

"Okay, can you make it 15 minutes? We'll be capturing with the sunrise."

"Okay Ma'am, 15 minutes."

Magkakalahating oras na kaming paulit-ulit sa ginagawa namin pero hindi ko pa rin nakukuha 'yong gusto ko. Marahil dahil si Cristine 'yong sinu-shoot ko. Kahit kasi isang beses sa buhay ko hindi sumagi sa isip ko na balang araw makakatrabaho ko siya.

"Damn it, life's good at pulling-off surprises," nababuntong hininga na lang ako.

Sa sumunod na kalahating oras nagawa ko rin naman ang gusto kong kuha. Habang abala ako sa pagsusuri ng mga kuha ko, naramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Breakfast? Brunch or date?" aniya at kunot noo ko siyang tiningnan. Nakangiti lang siya.

"Paul?"

"Hi!" bati niya habang inaabot ang isang papel na kahon na malamang ang laman ay pagkain.

"Bakit ka nandito?"

"I'm just trying to prove something," aniya.

"Sinusundan mo ba ko?"

"Nope, pero puwede din. You're on Twitter, you posted something about this photoshoot and you've turned the location on, I'm not following you Jill, I just got the location right," paliwanaang niya na para bang may naresolba siyang malaking problema.

"Ha?"

"Gusto mong makita 'yong tinweet mo?" hamon pa niya.

Nakumbinsi na rin ako na nalaman niya kung nasaan ako dahil sa tweet ko kaninang umaga. Malay ko bang makikita niya at ang aga-aga pa, nandito na siya?

"At dahil alam kong tamad kang magluto, pumunta ka dito na walang kinain, tama 'di ba?"

"So?"

"I bought you that," tinuro niya 'yong inabot niya kanina

"Aw, that's so sweet," sarcastic kong sinabi sa kanya pero nagtaka ako no'ng iba ang naging reaksyon niya sa inaasahan ko.

"Good, I'll wait for you here, we're going out for a date," deklara niya na ipinagtataka ko pa rin. Hindi ba dapat may pahintulot ko muna? Hindi iyong siya na ang nagdedesisyon.

"God, Jill hindi mo maalala?" parang naubos ang pasensiya niya roon nang mapansin niya ang pagtataka ko.

"Ang alin?" tanong ko pero tinitigan niya lang ako. "What? Seryoso ka ba do'n?" maya maya ay gulat kong tanong.

"Jill are you even with me?"

"I'm not with you," marahan kong sinabi saka bumaling sa mga staff at tinanong kung puwede na bang magsimula ulit.

"Okay na Ma'am," deklara ni Pia habang lumalapit sa'kin.

Kumuha ako ng mga ilang anggulo, sinubukan kong tignan kung anong reaksyon ni Paul nang makita niya si Cristine at hindi ako nagkamali ng hinala ng makita ko siyang nagulat din at nagtaka.

"Stop drooling, Paul," tinapik ko 'yong pisngi niya.

"I'm not," seryoso niya pang bawi.

Tumawa na lang ako dahil alam ko namang nagulat siya na nandito si Cristine at lalong nagulat siya sa hitsura niya ngayon pero mukha pa rin siyang anghel kapag ngumiti. Sa mga tawa ko, napansin kong seryoso siya at doon napatigil ako. Bago ko pa mapangunahan ang nararamdaman ko na hindi ko rin maintindihan nagpatuloy ako sa pagtatrabaho.

Nang nmatapos ang shoot ay nilapitan ako ni Danna, ang maaasahan kong partner sa mga ganitong trabaho. "Miss Jill!"

"Oh Daniel?" pang-aasar ko sa kanya.

"Yuck 'te, tigilan mo nga 'yang kaka-Daniel mo sa'kin. Hindi bagay," protesta niya gamit ang masungit niyang tono.

"Bakit? Danna."

"Girl, solo flight ka na naman next week. Wala na namang ibang magsu-shoot. Forever alone na tayo day!" aniya.

"Ha? Bakit na naman?"

"May iba yatang pinaparaket 'tong si boss sa ibang photog niya. Sometimes I just can't help thinking that he exists to give you damn surprises -- burden rather."

Nasapo ko ang noo ko sa mga sinabi ni Danna. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa isa na namang walang pakundangang pangangarag sa team ko.

"Sana sinabi mo hindi na natin kaya, may tatlo pa tayo next week? Call him. I'll talk to that dictator."

"Easy 'te, baka magkasalubong kayo niyan. Masama din ang timpla," sabi niya habang inaabot ang cellphone niya.

"Wala akong pakialam." Pagkakuha ko ng cellphone, nagsalita agad ako. "What's wrong with the other team, Sir Jett? Bakit team ko na lang palagi ang pinangangarag niyo? 'Yang iba mo bang tao walang sense of responsibility o katiting na commitment man lang para gawin 'yong trabaho nila?"

Hindi ko na hinayaang magpaliwanag pa si Sir Jett, dinere-diretso ko na lang siya dahil lahat ng inis umakyat na sa ulo ko.

"My team wouldn't be handling things for them from now on, if it's their work it's just their work not ours, pare-pareho lang kaming empleyado dito, at ikaw bilang boss it's your responsibility to be fair."

Tinapos ko na agad ang usapang 'yon at ibinalik sa gulantang na Danna ang cellphone.

"That was a superb performance Madame! I'm so proud of you 'te!" Hindi pa rin nagbago ang pakiramdam ko na malamang ay nakarehistro na rin sa mukha ko. Huli na nang napansin kong nakatingin lahat ng staff ko sa'kin, pati si Paul, maliban sa mga models.

"What?" tanong ko sa kanilang lahat. Umiling lang sila at tahimik na umiwas ng tingin.

"Go back to work, go home and turn-off all your cellphones, we're on a strike. Except you Danna, wait for his call to lift the damn thing."

Nanlulumo na lang na tumango si Danna habang ang lahat ay nag-aapiran sa tuwa.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon