Ikatlo [3]

162 9 2
                                    

Pumasok kami sa bahay nila na nang tahimik halatang may pinagtalunan.

Nagmano ako kay Tito, bineso ko si Tita at si Dan. Napansin yata ni Dan na tahimik kami pareho kaya nagtanong siya nang pabulong.

"Nag-away kayo ate?"

"Nagkasagutan," titpid kong sagot.

"Nag-iinarte lang si kuya."

"Tinotopak na naman yata."

Humagikgik siya nang bahagya at napansin yata ni Paul kaya tumigil kami.

Nang umakyat na si Paul sa kwarto niya para kunin ang ilang papeles bumalik sa pwesto sila Tito sa kung paano namin sila nadatnan, nagkukwentuhan lang sila sa sala.

Pero ilang segundo pa lang akong nakaupo, bumalik na si Paul.

"Tara na."

Tumindig ako agad at nagpaalam sa kanila. Nagtataka ang mukha ni Tita, nahalata niya rin yata. Hinintay ako ni Paul sa may pintuan at saka naunang lumabas noong malapit na ako sa kanya. Halatang badtrip. Nagmamadali. Naiinis ako pero hindi ko mailabas.

Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto, pumasok ako saka huminga nang malalim.

Malapit na kami kina Dex nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita, ang haba ng biyahe namin dahil walang umiimik.

"Galit ka?"

"Hindi."

"E anong problema mo?"

Biglang may kumirot sa katawan ko partikular sa likod ko. Hinawakan ko ang parteng iyon sa likuran ko at bahagyang pinisil.

"Bakit?" napansin niya.

"Wala," sabi ko.

"I'm just trying to make you get use of me being here. In that case you'll realize that I'm around, again."

"I will, don't worry," sagot ng isip ko habang inaamin sa sarili ko na epektibo ang ginawa niyang kilos.

Tumingin ako sa kanya at hinintay siyang tumingin din pero hindi ko na nahintay inalis ko na ang tingin ko sa kanya.

Nakarating kami sa bahay ni Dex na wala pa ring umiimik. Pagdating namin nando'n na si Lance kasama ang pinsan ni Dex na girlfriend niya si Alyssa, nando'n na rin si Cass.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon