"The next thing you'll know Jill, you're already part of this family," hirit ni Paul na kahit hindi ko maintindihan ay nginitian ko na lang.
Pagakatapos kumain, nagkulitan pa silang magkakapatid. Para silang bumalik sa pagkabata. Silang magkakapatid mahilig sa bata at nagkasya na lang ako sa panonood, hindi naman kasi ako mahilig sa bata. Habang pinapanood sila lumapit sa'kin si tita Janette.
"It's nice that you and Paul are finally in good terms after what happened," ani Tita Janette.
"Akala ko dati hindi na babalik sa dati yung pagkakaibigan ninyo," dugtong niya.
"Akala ko rin po. Ganun po yata siguro kapag mas matimbang yung friendship," sagot ko naman.
"Paul is such a lucky guy to have you," pagpapatuloy ni Tita.
"He is, tita! We're actually blessed to have each other after all,"sinegundahan ko na lang dahil ayoko namang mas maging awkward pa. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatpos niyon.
"Kumusta na pala ang Mama mo?" tanong niya at pinasalamatan ko ang langit sa pag-iiba niya ng usapan.
"Okay naman po, ayaw pa ngang tumigil sa pagtatrabaho e, ako pa 'tong pinapatigil sa isa mga trabaho ko."
"I agree with Len, ang hirap siguro ng schedule mo niyan, buti nakapunta ka ngayon. But of course it still up to you," aniya. Napatanong tuloy ako kung bakit ba lahat sila akala nila nahihirapan ako?
"Hindi naman po nakakapagod kung gusto mo yung ginagawa mo."
"Sabagay," hindi na dinugtungan ni tita.
"Ah Jill, hija," muling siyang nagsalita.
"Po?"
"Sana wag mong susukuan si Paul," napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero paglaon ay hinayaan ko na lang. Ayoko rin namang isipin ang mga pahayag niya sa likod ng mga sinabi niya.
Mag-aalas dies na nang napagdesisyunan kong umuwi dahil maaga pa ako kinabukasan. Nagpaalam na ako sa lahat bukod kay Paul na nauna na sa pintuan, hinihintay ako.
"You are such a lovely person, I heard stories about you," pabaong mensahe sa'kin ni kuya Ian nang magpaalam ako sa kanya. Kinabahan at natuwa ako sa sinabi niya.
"Such a fan, kuya," tumawa siya. "When will you be back?" tanong ko.
"Hindi ko alam, I hope sooner," sagot niya.
Nagpaalam na ako sa lahat at nilapitan si Paul.
"Tired?" tanong niya na tinanguan ko lang pero ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung pagod ba ako o hindi kasi mukha namang hindi.
"Ano ba talaga?" Nagsimula na akong maglakad palabas. Sumunod na siya. Nararamdaman kong nasa amin nakatingin ang lahat ng mata na nasa loob ng bahay nila.
"Pagod na hindi, sino bang mapapagod sa ganitong klaseng pamilya Paul? Ikaw lang naman yata."
"Stop defying me, you might not like my revenge," ngumisi siya at hindi ko na lang inusisa ang konteksto niya roon. Umiling na lang ulit ako at ang sumunod kong nakita ay ang pagbukas niya ng pinto sa driver's seat.
"Ano na naman 'to?" tanong ko.
"Keys pretty, akin na. I'll drive for you," aniya.
"Ayoko, ako na. Hindi naman ako inaantok e," tanggi ko.
"Sabi mo kanina pagod ka na, akin na," inilahad na niya ang kamay niya.
"Paul," pagpigil ko sa kanya pero hindi umubra.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...