Pagpasok ko sa simbahan marami nang mga tao kaya sa bandang likuran na lang ako umupo.
Tuwing Linggo sa bahay namin ako dumidiretso pagkasimba, minsan naman sabay kami ni Mama, kuya at ate Carl, pero dahil late akong nagising, alas-otso na ako nakapagsimba.
"...go in peace," deklara ng pari.
"Thanks be to God," sagot naman ng mga tao.
Habang kinakanta ang recessional song, nagsisilabasan na ang iba, ako madalas tinatapos ko pa ang kanta.
Pagtingin ko sa bandang kanan ng simbahan, limang upuan mula sa harap may nakita akong pamilyar na lalaki may kausap na babae, nakangiti sila.
Maya-maya pa nagdesisiyon na silang umalis, nakaharap na sila ngayon sa labasan kaya nakilala ko sila, si Paul at si Marj?
Bakit sila magkasama? At bakit dito nagsimba si Paul? Si Marj alam ko taga rito lang din. Nilingon ko pa sila at gusto ko sanang lumapit pero biglang lumihis ng daan si Marj, bineso niya si Paul at nagpaalam. Hindi pala sila magkasama, siguro nagkita lang sila sa simbahan. Nagkataon lang siguro. Nang mag-isa na si Paul hindi ko na lang nilapitan.
Pinuntahan ko na ang sasakyan ko at nagpatuloy patungo sa bahay.
Pagdating ko sa bahay may sasakyan sa tapat, pamilyar 'yong sasakyan. Hindi kay Dex, hindi kay Cass, hindi rin naman kay Lance. Siguro nakiparada lang.
Bumaba ako sa sasakyan, nagtungo sa gate, binuksan iyon nang dahan-dahat at habang papalapit ako sa pintuan ng bahay naririnig ko ang mga masasayang boses sa loob.
"It took you so long bro, five months in the making ang pagdalaw mo rito ah?" boses 'yon ni kuya.
Sinong kausap niya? Biglang naalala ko 'yung hitsura ng sasakyan sa harap, 'yong sasakyan na naghatid sa'kin noong Lunes.
"Busy kasi kuya, I needed to do a lot of arrangements pa dahil matagal akong nawala," sagot ng pamilyar na boses.
Hawak ko na ang seradura ng pintuan, lumalaki na ang uwang nito at tumambad sa'kin ang hinala ko - si Paul.
Bagay na bagay sa kanya ang porma niya, nakangiti at mukhang tuwang-tuwa.
Walang nakapansin sa pagdating ko, lumapit ako kay Mama at nagmano, iniabot ko 'yong pinabibili niya palaging puto - putong Calasiao.
Nginitian lang ako ni Mama at binigyan ako ng makahulugan na tingin.
"Ma!" bulong ko at tiningnan ko siya ng tinging ano-ba-Ma!
"Jill," bati o tawag sa'kin ni Paul.
"Hi," maikli kong bati. Hindi ko maintindihan 'yong hanging umiikot sa bahay. Siguro hindi na ako sanay na nandito siya.
"You look pale," komento niya.
Ako? No'ng huli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin alam ko may kulay naman ako.
"Gutom lang ako, hindi ako nagbreakfast," bumaling ako kay Mama. "Ma, kakain ako."
Sa unang pagkakataon, sa loob ng limang taon, nawala ako sa konsentrasyon.
Pumunta ako sa kusina para kumain, narinig kong tinawag din ni Mama si Paul, si kuya naman sumunod sa'kin at bumulong habang nakaupo na ako sa hapagkainan.
"Halata ka masyado."
Hinampas ko na siya.
"Kuya!"
"Joke lang, 'to naman."
"Hindi nakakatuwa."
Kinuha niya 'yong nakahandang kanin at nagsalin sa plato ko.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...