Ikawalo [3]

164 5 2
                                    


Hindi na ako makatulog dahil sa mga pinaggagawa ni Paul. Nang makatulog naman ako ay nanaginip na naman ako. Mahabang kalsada, katahimikan na binasag ng nakabibinging sirena. Malakas na pagbangga, kadiliman at kawalan. Nagising ako na hinahapo.

"Jill, hija, bukas sa bahay ka mag-dinner ha. Wag mong kalilimutan," paalala ni Tito George na sinang-ayunan at nginitian ko na lang.

"Hindi ka na sasabay sa'kin pauwi?" tanong niyang muli.

"Hindi na po, dadaan pa po ako kina Mama," sabi ko.

Nagmano na ako at nagpaalam. Tapos na naman ang Golf Saturday kasama ang tatay ni Paul. Iniimbitahan niya ako na maghapunan sa kanila bukas dahil nga pabalik na daw ulit si kuya Ian galing Canada. Hindi na ako nakatanggi, um-oo na lang ako. Matagal na rin naman nakong hindi nakakapunta sa kanila. Nakakailang naman kasi minsan, lalo na no'ng wala si Paul parang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pa'no pa ngayong nandito na si Paul.

Pagdating ko sa bahay, nandoon si Mama pero si kuya wala pa. Dumiretso muna ako sa kuwarto ko para magpahinga,iniisip na dito na lang hanggang bukas. Pero naalala kong may coverage nga pala ako mamayang hapon kaya wala akong pagpipilian kundi magpahinga ngayon at aalis ulit mamaya.

Naalala ko ring isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Dex. Tinawagan ko siya pero busy. Si Cass sana ang tatawagan ko pero out-of-town pala siya. Hindi ko na ikinonsiderang tawagan si Paul dahil malamang wala naman siyang alam sa problema ni Dex ngayon kaya si Lance na lang ang tinawagan ko.

"Little Jilly, what can I do for you?" masigla niyang bati. Madalas tinatawag niya ko sa pangalang 'yan para asarin ako.

"Pangalan naman!" reklamo ko.

"Sorry, na-realize ko bagay pala sa'yo yung nickname na yun," pagpapatuloy niya.

"Lance!" suway ko pero tinawanan lang ako.

"Sorry, napatawag ka?"

"Nagkita na ba kayo ni Dex o nagkausap?" tanong ko.

"Ha? Hindi pa naman, bakit?"

"Para kasing may problema siya pero hindi niya sinasabi."

"Jillian, hindi naman lahat ng problema niya pwede niyang sabihin sa'yo, sa'tin, 'di ba? Parang ikaw hindi naman lahat kay Dex mo dapat sabihin."

Tumango ako at sumang-ayon sa kanya kahit hindi niya nakikita.

"Dou you understand that?" tumango ulit ako. "Jill!" alarma niya.

"Oo nakuha ko, pero... sa'yo wala ba siyang sinasabi?" medyo nag-aalangan kong tanong sa kanya. Si Lance kasi kapag may gustong sabihin, sinasabi niya. Isa siyang prangka at taklesang lalaki. Minsan sesermonan na lang ako niyan pero madalas naman totoo at nakakatulong 'yon sa'kin.

"He hasn't told me anything. Busy siya at iisang beses pa lang kaming nagkikita. Ano bang nangyari last time?" tanong nito.

"Lasing lang siya and he kept on saying sorry tapos nitong huli dumaan siya dito pero wala namang sinabi."

"Oh e 'di wala naman pa lang dapat ipag-alala e. 'Wag mo ng masyadong isipin 'yon, Dex can look after himself," paliwanag niya.

"E si Cass nakausap mo na?" tanong ko ulit. "Not before siya magpuntang Davao," sagot naman niya.

"That was two weeks ago 'di ba?"

"Three yata. Enough Jill, wala ring sinasabi si Cass. I'll call you when I get back home ha?"

"Nasan ka ba?"

"Office, tambak ang trabaho. Bye, take care. Call me pag nakalimutan kong tumawag."

Sa huli, wala rin akong napala.

--

Dumating ako sa bahay ng mga Enriquez ng alas-sais ng gabi. Pagpasok ko sinalubong ako ni Dan ng mahigpit na yakap. Parang ilang linggo pa lang naman kaming hindi nagkikita pero kung makayakap akala mo buong buhay kaming hindi nagkita.

"Danica, dahan dahan lang."

"Sorry, ate, I so miss you!"Ang arte pa ng pagkakasabi niya no'n.

"I can feel. Good to be back here."

Maya-maya lumapit naman si Tita Janette at bineso ako.

"Tita," pagbati ko.

"Ang tagal mo nang hindi nakikisalo sa'min ng dinner Jillian, buti nakapunta ka. Parang last Christmas pa yata yung huli," aniya. Dumadaan din naman ako paminsan minsan dito pero literal na daan lang. Madalas hindi ko pa sila natetyempuhan. Ngumiti lang ako at nag-sorry.

Maya-maya pa lumapit na rin sa'min si kuya Ian. Apat na kaming nasa malapit lang sa pintuan.

"So this was the bestfriend," bungad ni kuya Ian sa'min. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko siya mabasa lalong hindi ko alam kung anong tinutumbok niya.Nagkita naman na kami sa bahay ni Paul pero hindi kami nagkapakilalaan nang maayos. Hindi ko rin naman siya nakakausap noong huli siyang nandito, high school pa lang kami no'n ni Paul.

"Hi Jillian!" bati niya at bumeso. Gumanti na lang din ako ng pagbati.

Simula kaninang pagpasok ko hindi pa ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko kaya nang makita kong papalapit na si Tito George, sinalubong ko na siya at nagmano.

"Hi tito," pagbati ko.

"Finally, makakasama ka na namin ulit nang matagal tagal," masaya niyang salubong. Isa pa 'tong tatay ni Paul, alam ko na kung kanino nagmana si Dan. Magkasama lang kami kahapon, e. Sandali pa ay nalipat ang atensyon ko kay Paul na may kausap sa telepono. Nakakhaki na shorts, naka-sneakers at polo shirt.

Tumigil siya sa pagsasalita at nginitian ako, ngumiti rin ako nang bahagya.

Nagkuwentuhan muna sa sala bago tuluyang magyaya si Tita Janette sa kusina para sa hapunan. Tamang-tama na dinala ko ang camera ko para hindi naman masyadong nakakailang. Puro candid shots ang kinukuha ko. Paminsan-minsan kinakausap ako ni Tito George at Dan pero madalas kami lang ng camera ko ang magkausap. Si Paul kasi mukhang madaming inaasikaso, hindi niya mabitawan ang telepono nila pati na rin ang cellphone niya, mukhang kahit weekend binubulabog siya ng trabaho niya.

Pumagitna ako kay Dan at Paul na nasa gawing kanan ko. Habang abala ang lahat sa pagsalin ng mga pagkain sa mga pinggan nila, e, nagkaroon ako ng pagkakataon na kamustahin si Paul.

"Busy ka yata," tiningnan ko siya.

"Did that bother you?" nakatingin na rin siya sa'kin. Napangiti't napailing na lang ako.

"Yes, I was expecting a warm welcome," sabi ko at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inasahan.Mabilis niyang hinawakan ang ulo ko at hinalikan ito. Tumalon ang puso ko sa gulat at hiya na baka may nakakita sa ginawa niya. Sa isip isip ko, malamang may nakakita dahil nasa iisang hapag kainan lang kami.

Iniripan ko siya pero ngumisi lang siya. Tumingin ako sa paligid at parang nabunutan ako ng tinik dahil lahat sila abala at nag-uusap.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon