Huli

232 9 4
                                    

Kinabukasan nagulat ako sa nakita ko, walang tigil sa pagtunog ang cellphone ko.

Pagtingin ko padami nang padami ang hits ng blogpost ko kagabi. Saka bumalik sa'kin ang ginawa ko kagabi. Oo nga pala at inilabas ko ang liham na 'yon sa blog ko. Napahilamos na lang ako sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi akalain na aabot sa ganito.

Kaya siguro pumatok ang blogpost ko kagabi dahil sa iba ito sa mga regular kong nilalathala. Mas personal ito ngayon, at isa pa photography blog ito.

Mayamaya pa pati mga katrabaho ko nabasa na ito. Naging viral na ito na sa social media. Hindi nila ako kilala pero ayon sa mga nabasa kong feedback, nakaka-relate ang karamihan.

Napabalikwas ako nang nakita kong may tumatawag na -- si Danna, "Hoy Jillian, bakla ka. Ano itong kumakalat sa social media? May ise-send akong link at may video pang kasama ang blog post mo."

"Ha? Sige," naguguluhan kong tinapos ang tawag.

Wala pang limang minuto, natanggap ko na ang sinasabi niyang link. Dinala ako niyon sa isang pahina kung saan naroon ang liham ko pero may kasama itong video.

Isang lalaki at mukhang nagsasalita sa harapan ng maraming tao ang bumungad sa akin. Nagulat ako nang mamukaan ko ang taong 'yon.

"But I guess a man's success is not complete without a sole woman behind him. I almost got the right woman to be in that position. In the industry, the earlier we do things the better but that does not apply in real life," anito.

"Six months ago, I tried to win a woman's heart, I succeeded but one day I found myself hit by reality --you can't have the woman you love as fast as a snap. Many asked me what went wrong, I think it was because I was too eager that I pressured her. Believe it or not we even skipped being normal girlfriend and boyfriend and jumped into being engaged."

Bakas sa mukha ni Paul ang kalungkutan pero sa galing niya, mukha lang siyang nagkukwento at hindi kasama ang nararamdaman niya roon.

"Each day since she gave me back the ring, I wonder what could have happened if I did not propose that early. How is she now? Is she willing to give us another chance or to gamble again in love?" tanong niya na para bang nakapagpabuhay ng dugo niya.

"I mentioned her because there is no other way I can say this to her, there is no other way I can buy a second of her time. I know all of you are recording this and I hope to crash social media anytime soon," manipis na ngiti ang iginawad niya sa audience.

Lahat ng nanonood at nakikinig sa kanya ay nagtawanan saka sinundan ng nakakabinging palakpakan. Habang ako nalilito at nagugulat sa mga nangyayari. Hindi ako makapagsalita lalong hindi ko alam kung anong gagawin.

--

Kulang na lang lumuhod ako sa langit at magpasalamat dahil nakarating ako nang matiwasay sa bahay ng mga Ramirez sa kabila ng makulimlim na kalangitan. Akala ko nagkamali ako ng desisyon sa paggamit ng motor ko dahil maabutan ako ng ulan, mabuti na lang malakas sa taas.

"You promised me not to ride that thing again," isang pamilyar na boses ang bumungad sa'kin. Mabilis ko namang tinanggal ang helmet ko.

"Did I promise you that?" tuya ko.

"As far as I remember," nakangiti siyang lumapit sa'kin at niyakap nang bahagya.

Mas naging maaliwaas na ang mukha ni Dex ngayon. Hindi ko inaasahang nandito siya ngayon ang alam ko lang kasi si Lance, Aly at mga magulang ni Lance lang ang nandito ngayon. Mukhang may balak na rin kasing magpakasal ang dalawa.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon