"Mainly, it is because of stress," sabi ng doktor matapos niyang mag-eksamin.
"Ano pong dapat gawin Doc?" tanong ni Mama kay Dra. Loraine Magsanjan. Ayaw ko talaga ng sumasama dito, tuwing nandito ako hindi ko mapigiling kabahan at magbaliktanaw. Ayoko nang maalala.
"Well, normal naman 'yan, you just have to deal and dwell with it. Bawasan ang pag-iisip ng mga bagay bagay. Take time to relax."
Hinawakan ko ang balikat ni Mama na mukhang kanina pa nag-aalala at kinakabahan. Ngumiti ako para mapagaan ang loob niya.
Nagpaalam na kami kay Dra. Magsanjan matapos ang konsultasyon. Si Mama hindi pa rin maipinta ang hitsura kaya ginawa ko ang lahat para huwag na siyang mag-alala at magtiwalang normal 'yon at tama lahat ng sinabi ng doktor.
Naglalakad kami sa pasilyo ng ospital palabas, nasa tapat pa lang kami ng emergency room nang makasalubong namin ang isang pamilyar na tao - si Paul.
"Oh, Jill, tita," bati niya na may halong pagtataka kaya bago pa makapagsalita si Mama, sumagot na ako sa hindi niya pa nabibitawang tanong.
"Sinamahan ko si Mama magpa-check-up," hawak ko ang kanang kamay ni Mama para ipahiwatig na ako na lang ang magsasabi.
"Ah. Everything's okay?" tanong niya.
"Yes, nothing to worry about. Ikaw?" sagot ko.
"I'm here to pick up some results para kay Dan."
"What happened to her?"
"She had a fever last night, an extreme one that's why I needed to attend to her. Wala pala sila mama kagabi," paliwanag niya.
"Okay na siya?"
"Recovering. She'll be fine."
"She's here?"
"Yes, upstairs," sagot niya at bakas doon ang pagod.
Mukha naman siyang maayos sa unang tingin dahil sa suot niyang simpleng button down shirt at itim na pantalon pero halatang puyat.
"Can we see her?" tanong ko upang alisin ang atensyon ko sa kanya.
"She'd be glad. Tara?" pagsang-ayon niya.
Gusto kong tanungin kung kumain na ba siya o natulog na ba siya pero hindi siya dapat ang inaalala ko ngayon.
Pagdating namin sa silid ni Dan ay tulog ito kaya hinayaan na lang namin. Nagpaalam si Paul sandali pero hindi ko mapigilan ang sarili kong sundan siya sa labas kaya iniwan ko muna si Mama sa loob.
"Ma, kakausapin ko lang siya," paalam ko at tumango lang siya bago umupo silya malapit kay Dan.
Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko si Paul na may kausap sa telepono.
"This won't take long, I'll be there in a bit," paalam niya sa kausap niya, malamang sa trabaho niya 'yon.
Hawak ng kanang kamay niya ang cellphone niya at 'yong isa nakasuksok sa bulsa niya. Hindi ko na kaya pang ilarawan kung gaano siya kagwapo tingnan sa pustura niyang 'yon. Pagharap niya, nagulat siya na nandoon ako.
"Oh," bigkas niya.
"Okay ka lang? Natulog ka ba?" hindi ko na napigilang usisain.
"Oo naman, dito ako natulog, dito na rin ako nagising," sagot niya.
"Kumain ka na?" hindi ko na makontrol ang pag-aalala. Nag-aalala nga ba ako?
"I'm afraid, I forgot."
"At papasok kang hindi kumakain?"
"Probably," bakas doon ang pagod.
"Would you like to join us for breakfast?"
"Next time Jill, I need to be at work."
"So, you'll forget to eat something for breakfast again next time?"
"I had a great dinner last night, anyway," ngumiti siya roon.
"Why do I feel like I am somehow accountable of you having to forget to eat today?" wala sa sarili kong naitanong.
Hindi niya iyon sinagot. Siguro pati sa pagsagot wala na siyang sapat na lakas.
"Kumain ka mamaya kahit anong mangyari. Kailangan na rin naming umalis."
"Yes boss," sagot niya pero hinayaan ko na lang kung paano niya ako tinawag.
Gusto ko siyang pagsabihan ng katulad ng ginagawa niya sa'kin dati pero nagdesisyon akong manahimik na lang. Matanda na siya, alam na niya ang ginagawa niya.
Pumasok ako sa loob, sumunod siya. nag-iwan na lang ako ng maikling sulat para kay Dan, "Get well soon Dan, let's have a date when you're out of here. :)"
Paglabas namin eksaktong dumating na ang isang kasambahay nila Paul, si Ate Myrna. Siya raw muna ang magbabantay kay Dan. Nagpaalam na kami ni Mama sa kanya na sinagot niya lang ng tango. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, malamang pagod na pagod na siya samantalang magsisimula pa lang ang araw niya.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...