"Your first love."
"Not much," linlang ko. "I was just dumped."
Hindi ko intensiyon na maging bitter sa pahayag kong 'yon pero alam ko kahit saang anggulo mo tingnan ang pait ng mga salitang 'yon.
"I didn't mean to," bigla siyang naging seryoso at ayoko ng ganito.
"Of course you meant it. We don't do things just because we were forced to when we know we have options."
"I didn't dump you. Ayoko lang din na magtake-advantage, hindi nararapat sa'yo 'yon. Nabulag ako sa mga what ifs ko. Ayokong saktan ka pero nasaktan ka pa rin."
"Well, you know it's all okay now. Wala na 'yon, matagal na 'yon, nakapag-move on naman na ako. Hindi naman naging tayo kaya ayos lang din na maging malapit tayo ulit," binago ko 'yong tono ng pananalita ko para hindi na lumayo pa ang pag-uusap namin.
"You deserve a perfect first love," maya-maya pa ay pahayag niya.
"You were perfect because I learned a lot, it was all real," ngumiti ako.
"Pa'no ka naka-move on?"
"Well when you're in that situation, just be with people who love you and willing to help you get through those tough times, listen to them and make sure to listen by heart, think of it as an English quiz, too easy that you can master just like that," pinitik ko pa ang mga daliri ko para lagyan ng diin ang huling mga salita.
"I hope you fall in love again."
Tumango ako. "Eventually, I did. But didn't last long," sagot ko. Tama nga siya, okay rin pa lang pag-usapan ang nakaraan lalo na ngayong pareho na kaming nasa tamang edad para ituring na lang na isang alaala ang lahat.
Matapos naming mag-almusal lumakad na kami, sa kanya para mamasyal, sa'kin para sa istorya. Nauna naming pinuntahan ang isang dormitoryo na malapit sa UP Baguio, isang fine arts student na taga Maynila ang napili kong kapanayamin. Iba kasi 'yong sitwasyon niya, akalain mong iniwan niya ang Maynila para mag-aral sa Baguio, oo parehong siyudad pero marami pa ring pagkakaiba ang Baguio sa Maynila.
Sumunod naming binisita ang isang farm, nakausap namin ang isang magsasaka na doon na nakatira malapit sa gulayan buong buhay niya. Si Paul, paminsan ay sumasali sa usapan namin, nagtatanong din at siya pa nga ang humahawak sa rekorder pag nangagawit na ako. Taga-alalay kapag naglalakad na kami. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang katulad ni Paul, sabi ko sa sarili ko, hindi na mangyayari 'yon, bawi ko rin.
Huli naming pinuntahan ay ang Burnham Park, may nakapagsabi kasi sa'min na may isang lolo do'n na sa Baguio niya na inubos ang bawat araw niya, sa Baguio na siya lumaki, sa Baguio na tumanda. Hinanap namin si Tatang Nilo. Nakasabit ang camera ko sa leeg ko, kumukuha ng litrato kapag may nagugustuhang subject. Habang naglalakad nakakita ako ng isang matandang lalaki na nakatayo sa harapan ng parke, nakasuot ng bahag. Hindi ako nagdalawang isip at kinuhanan ko siya ng litrato, makahulugan ang pustura ng matanda habang kumakaway sa isang batang babae. Sa likuran ko naroon si Paul, nakikipag-usap sa isang ale, maya-maya pa lumapit siya sa'kin.
"Siya daw si Tatang Nilo," tinuro niya ang nakabahag na matandang lalaki. Siya pala si tatang Nilo.
Nilapitan namin, nakipagkilala at nakipag-usap. Pumayag siyang makipagkwentuhan sa'min. Pumayag siyang isulat ko ang istorya niya. Inilibot niya kami sa lugar, nagmistula siyang tour guide namin. Matalino at makahulugang magsalita si Mang Nilo. Natapos ang usapan namin makalipas ang isang oras, sa tingin ko nakuha ko na lahat ng kailangan ko.
Isa sa mga hindi ko makalimutang sinabi ni tatang Nilo ay nang tanungin ko siya kung bakit hindi siya umalis ng Baguio kahit isang sandali ng buhay niya.

BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...