Ika sampu [5]

179 5 3
                                    

Hindi na ako nagdala ng sasakyan kasi tinatamad akong magmaneho ngayon. Ito tuloy ang napala ko, wala akong masakyan. Ang lamig pa naman ngayon at mukhang uulan pa. Alas otso na wala pa ring masakyan. Mukha na akong tanga dito sa gilid ng kalsada.

Maya maya pam tumunog ang cellphone ko. Nitong nakaraan puro si Mama, kuya, at sa trabaho lang naman ang tumatawag kaya nagulat ako nang makita kong si Lance iyon.

"Hi Lance!" pinilit kong siglahan ang pagbati ko sa kanya.

"Nasaan ka ngayon?"tanong niya.

"Timog, bakit?" hindi na siya sumagot at bigla na lang na may humintong sasaktan sa harapan ko.

"Get in," utos niya saka nagbaba ng bintana ang kotse sa harap ko. Si Lance. Pumasok ako dahil ayoko namang amagin ako sa kalsadang 'to baka kung ano pang mangyari sa'kin. Dati kapag nangyayari sa'kin 'to, tatawagan ko agad si Dex para sunduin ako. Nagyon ni hindi ko nga alam kung nasaan na siya.

"Where's your car lady?" tanong ni Lance sa tonong nanenermon.

"Mag-drive ka na lang Lance, tinatamad akong magdrive kaya nag-commute ako ngayon."

"Wow, look who's lazy now, the brave drag racer!" asar niya sa'kin. Inirapan ko lang siya,

"So, kumusta?" usisa niya.

"I'm not fine. Magulo," pag-amin ko dahil alam kong ganito niya ko gustong sumagot.

"Grabe lang 'tong si Dex malasing, hinalikan ka pa at ang hindi natin inaasahan e caught-on-act pa. Ang saklap," aniya at hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinabi.

"Parang hindi appropriate yung caught-on-act Lance, wala kaming affair ni Dex," depensa ko habang hinaharap siya.

"I know," sandali siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Sana kasi sinabi na lang agad ni Dex ang sitwasyon niya sa'yo. Ewan ko ba dun, ayaw ka daw idamay e kung tutuusin involve ka na, ito namang si Cass parang bata ganyan ba talaga magselos ang mga babae. At ikaw naman --"

"Ano?" sindak ko sa kanya. Nakakarindi siya sa totoo lang pero baka ito nga ang kailangan ko ngayon. Hindi ko na nga iniisip 'to lahat, e.

"Relax," panunuya niya.

"Baliw ka ba?"

"Baliw na baliw kay Aly," malawak ang ngiti niya roon. Mabuti pa siya. Nanahimik kami pero ilang minuto lang siguro hindi rin siya nakatiis.

"E si Paul?" parang may kadugtong pa 'yong sasabihin niya kaso hindi na niya tinuloy.

"Isa pa yun!" mapait kong sagot.

"Uy, base from the tone there's something I should know," interesante niyang pahayag.

Huminga ako nang malalim, natagal ko na rin itong kinikimkim dapat nga siguro may mapagsabihan na ako. "He accused me of being a mistress, tapos kung i-judge niya ako akala mo kung sino siyang santo. He was so blinded with what he believed in, hinayaan ko na lang. Nakakapagod nang makipagtalo."

Tahimik lang si Lance, alam ko 'yang ganyang pananahimik niya. May binabalak na naman siguro. Hindi ko inasahan nang tumigil kami sa isang ice cream store. Inilibre niya ako at kahit hindi kami mag-usap, napagaan niya ang loob ko. Ihinatid niya rin ako sa bahay pagkatapos.

"Good night, Jill" sabi niya bago magpaalam, "pumasok ka na baka nasa paligid lang si Aly at sabihin mistress kita," tatawa-tawa pa siya. Loko-loko talaga.

"Baliw! Sige na, salamat ah. Feeling ko mas magiging close pa tayo pareho tapos lovelife mo naman ang sisirain ko," biro ko na tinawanan niya lang din.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon