"Kamusta girl?" bati sa'kin ni Cass habang papalapit ako sa kanya.
"As always," nginitian ko siya saka naman ako nilapitan ni Aly para mangumusta rin.
Napakaglamorosa ni Aly, sa tuwing nakakasama namin siya para bang lagi niyang pinag-iisipan ang magiging hitsura niya. Pero sa angking ganda ni Aly parang hindi na niya kailangang gumugol ng ilang iras para lang maperpektp ang porma at hitsura niya. Matangkad siya, petit, inverted pyramid ang hugis ng mukha, may mapang-akit na mga mata, matangos ang ilong at may manipis na labi. Halatang halata na isa siyang modelo.
Limang taon na rin silang magkarelasyon ni Lance. Ikaw ba naman magkaroon ng girlfriend na katulad ni Aly, siyempre magseseryoso ka na. At 'yon ang hinahangaan ko sa kanilang dalawa ni Dex, hindi nila ugali 'yong manloko ng babae. Kabilang sila sa iilang lalaki na mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon.
Nag-uusap na sina Paul at Dex nang lapitan ko sila sa may kusina. Bineso ko si Dex at binati. Pansamantala namang natigil ang usapan nila dahil doon.
"How are you Ms. Jill "do-it-all" Pineda?"
"I'm good, Mr. Dexter "tough-unpleasing-boss" Gumabao."
"I'll take that as a complement," nginitian ko lang siya.
Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang manghalughog sa bar ni Dex.
"Dex, can we have some of your wine?"
"No, you won't drink."
"Why not?" nakatalikod lang ako sa kanya habang patuloy sa pagpili ng alak. Wala akong alam sa mga alak, madalas binabasa ko pa 'yong alcohol content at flavor, hindi ako sa pangalan bumabase.
"Because I said so."
Lumingon ako sa kanila, nasa blueprint ang atensyon ni Dex, 'yong tingin ni Paul ang nahagip ko at agad-agad akong umiwas, bumalik ako sa sala kung nasaan ang tatlo.
"What's with the long face," tanong ni Cass sa'kin nang lumabas ako mula sa kusina.
"I want some wine."
"Oh 'di get some."
"Your a-hole boyfriend won't allow me to."
"Sige, I'll get some."
Pagbalik ni Cass ay may dala na siyang dalawang baso at isang bote ng alak. Sinalinan niya muna 'yong baso ko bago iniabot sa'kin.
"You're such an angel, Cass," nakangiting sabi ko.
Ngumiti lang siya, tumabi sa'kin at binigyan ako ng naiintrigang tingin.
"What?" tanong ko.
"May problema?"
Binalewala ko ang tanong niya at tinawag si Lance at Aly.
"Lance, Aly, wine?" alok ko sa kanila.
"Mamaya na lang," sagot ni Lance at saka bumalik sa usapan nila ni Aly.
"Dali, alam ko may problema," huli ni Cass.
"Wala, wala 'yon."
"Wala 'yon? E 'di meron nga?"
"Hay nako Cass. All of sudden ito na naman tayo."
"Dali na, magsalita ka na, ang tagal din nating hindi nakapag-usap ng tungkol sa mga ganito oh."
Mukhang may alam na siya sa problema ko.
"Hindi naman 'to problema e."
"E ano nga? For a long time I've never seen you as bothered as today."
"Hindi ako nababother."
"You won't talk? So I'll talk to him."
"How could you know?"
"Of course it's always him that makes you like this."
"Hay nako Cassandra, kahit kailan ka talaga."
Pinandilatan niya lang ako.
"Okay, ito na... Sabi niya masyado na raw akong malayo sa kanya. E what does he expect? Sanay na 'kong wala siya."
"Oh, Jill, don't make him feel uneasy, akala ko ba gusto mong bumalik lahat sa dati?"
"Oo, gusto ko, kaso ang hirap. Hindi ako makagalaw nang maayos."
"Work on the gap, don't think about it. Masasanay ka rin ulit," paninigurado niya.
"Gusto ko pa bang masanay ulit?"
"There it is. Akala ko ba whole-heartedly gusto mo na maging magkaibigan kayo ulit katulad ng dati?"
Napabuntong hininga ako.
"Para saan pa 'yong mga sakripisyo mo dati para lang hindi siya mawala sa'yo kung ngayon sasayangin mo lang 'yong pagkakataong binibigay mo sa sarili mo para huwag na siyang mawala ulit? You're just too scared of trying again because you might fall for him again. Tama ako 'di ba?"
Tumahimik na lang ako at nang hindi pa rin maalis ang mga mata sa'kin ni Cass ay tumango na ako.
"Wag kang mag-alala, nandito lang kami. Sa ngayon tanggalin mo na muna sa isip mo 'yong ganyang posibilidad kailangan mo munang enjoy-in ang revived-friendship ninyo."
Ngumiti ako kay Cass, tuwing si Cass ang nakakausap ko tungkol sa ganitong bagay ay gumagaan ang loob ko kaya sinuklian ko siya ng yakap.
"Excuse me 'te, kakausapin ko lang siya."
"You're such an adorable student, Jill."
"Because you are such a great mentor, Cass."
Sinalinan ko ulit ang baso ko ng alak saka nagpunta sa kusina.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...