Isang linggo na ang dumaan simula no'ng umamin si Paul pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang seryosohin iyon.
Pagdating ko sa bahay nadatnan kong nag-uusap si ate Carl, si kuya, at si Mama. Pero may iba pa pala silang kasama -- si Paul.
"Hi Jill!" masiglang bati ni ate Carl. Lumapit ako sa kanila isa-isa para yumakap at para tahimik na tanungin kung bakit nandito ang isang 'yon pero hindi ako sinagot. Tumingin lang ako sa kinauupuan niya habang nakatingin lang din siya.
"Ano nang plano kuya?" panimula ko nang makaupo ako sa tabi ni Mama.
"Ituloy na natin. Baka magback-out pa 'to e," inakbayan niya si Ate Carl pagkasabi noon.
"So, saan?" nananabik kong tanong bago sumingit si Mama para tanungin kung kumain na ako, sinabi ko lang na hindi pa dahil dumaan ako sa puntod ni Papa.
"Ba't di ka nagsabi?" tanong ni kuya.
"Bigla ko lang naisipan," sagot ko. Gusto ko lang kasi ng makakausap at naisip ko kaagad si Papa. Alam ko namang hindi niya ako makakausap pero tiyak na nakikinig lang siya sa'kin.
"Bakit ka nandito?" baling ko kay Pau, hindi ko na napigilan.
"Bigla ko lang din naisipan," sagot niya at saka sumubsob sa cellphone niya at hindi na ako pinansin. "Topak," naibulong ko na lang. Kinulit ko na lang sina kuya at sinabing sa susunod na taon na lang daw.
"Ha? Ba't ang tagal? Kailan niyo ba balak magpakasal?"
"After na lang ng Masters ko Jill," sagot ni Ate Carl.
"What? Next year pa yun ah," parang ako pa itong naiinip samantalang sila ay relaks lang.
"Oh, bakit, hindi naman kami nagmamadali ah. Tsaka kakabalikan lang namin, gusto muna namin mag-enjoy," ani kuya na tinanguan ko na lang.
"Oh ngayon, saan?" tanong ko ulit.
"Mag-iisip pa kami, 'wag kang mag-alala hindi ako magba-back-out," nakangiting paninigurado ni Ate Carl.
"Out of town ba gusto niyo? Gusto niyo sa Batanes na lang? Maganda dun, mahal nga lang. Pero kuya, I know you can afford. Ang dami mong pera e," suhestiyon ko pa.
"Pwede ring out of the country," hirit naman ni kuya.
"Oh, wow. That's a news. Sige ubusin niyo na lahat ng pera niyo sa prenup para walang matira sa kasal niyo," sabi ko bago tumayo si ate Carl patungong kusina.
"Bukas na kaya tayo magpakasal 'by, para panatag na 'tong kapatid mo," pabirong pahayag ni ate Carl. Mabilis akong lumipat sa tabi ni kuya para sumandal. Gusto ko siyang kausapin ngayon pero nandito kasi si Paul.
"Kuya," paglalambing ko. "Kuya wag ka munang magpakasal."
"Sira ka ba?" nagtataka niyang tanong saka bigang kumunot ang noo. "May problema ka?" tanong niya. Alam niya na agad na meron. Kuya ko siya e, alam niya kung may gusto akong sabihin.
"Pagod na ko, lipat muna kayo sa bahay kuya," wala sa sarili kong nasabi.
"Bakit?"gusto niya sigurong magulat sa mga sinasabi ko pero pinigilan niya dahil alam nga niyang may gusto akong sabihin.
"Nakakabaliw mag-isa, 'tsaka baligtad 'di ba dapat ako ang sinasamahan ni Mama hindi ikaw?"
"Sabihin mo 'yan kay Mama. Maiiwan din naman siya palagi dun, e di siya naman ang mababaliw," katwiran ni kuya.
"E bakit ikaw?" itinulak ko siya ng bahagya.
"At least ako, walong oras sa limang araw lang akong wala. E ikaw kahit Linggo nagtatrabaho ka," bulyaw niya sa'kin. Hinawakan niya pa ang braso ko at bahaygya iyong niyugyog, "Ang payat mo na! Mag-asawa ka na kasi!"
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...