Isang linggo na naman ang nakalipas at hindi ko pa rin nakikita si Paul, kaya no'ng tumawag siya para sabihing nasa labas siya ng bahay ko dalidali akong lumabas.
"Hi," bati niya.
"Hi your face," sabi ko at agad-agad ko siyang niyakap. Kahit na nakatingkayad na ako wala akong pakialam.
Tumagal kami na ganoon lang. Walang nagsasalita. Sinusulit ang bawat segundo.
"We'll get through this Jill," sabi niya na bumasag sa katahimikan namin.
Sumang-ayon na lang ako sa pamamagitan ng ngiti kahit hindi niya kita. Humigpit pa ang yakap niya hanggang sa kailangan ko nang bumitaw dahil nangangawit na ang mga paa ko.
"Good night, babe," kung ano ano talagang itinatawag niya sa'kin. Hinalikan na niya ako bago nag-iwan ng isang mahigpit na yakap saka umalis.
Isang buwan pa ang lumipas, patuloy pa rin siya sa pangungulit kung kalian ba ako magiging handa na pakasalan siya. Minsan natatakot na ako at nape-pressure. Madalas naiisip ko kung tama nga bang tinanggap ko ang alok niyang magpakasal?
Simula no'ng naging fiancé ko siya iilang ulit pa lang kaming nagkakasama nang matagal, halos lahat nakaw at tira-tirang oras lang ang mayroon kami para sa isa't- isa. Mas marami 'yong pagkakataong nananabik kami sa isa't isa kaysa sa nagkikita kami ng personal.
Isang buwan pa ang dumaan, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung kaya ko na bang maging isang maybahay? Sa tingin ko hindi pa. Sa palagay ko hindi ko pa kayang pakawalan ang buhay ko bilang dalaga.
Nakakatawa nga na sa dyaryo ko pa nalamang isa na pala siya sa pinakabatang architect sa Pilipinas na nagkaroon ng sariling kumpanya. Kaya pala sobrang abala siya. Nakakalungkot na hindi na katulad ng dati na lahat napag-uusapan namin.
Nakakatawa na nakakalungkot. Hindi ko maintindihan.
No'ng gabing malaman ko ang tungkol dito, pinadalhan ko na lang siya ng text.
Hi Mr. Architect, congrats I've read the news. Funny I first knew about it through the paper. Keep up the good work. I miss you.
Hindi ko alam kung anong meron sa'kin pero nalulungkot ako nang sobra, natatakot akong sabihin sa kanya ang napagdesisyunan ko pero sabi ko sa sarili ko, kailangan ko 'tong gawin para naman mailugar muna lahat ng bagay sa amin. Siguro masyado lang naging mabilis ang lahat.
Sinadya ko siya sa bahay niya, wala pa siya kaya hinintay ko na lang muna. Bumaba ako ng sasakyan nang makita kong paparating na siya.
"Jill," gulat na bati niya.
"Hi," bati ko rin saka ngumiti.
"May problema ba?" tanong niya nang mapansing may kakaiba sa tono ko, alam kong nahahalata niya.
"Can we talk?"
"Of course, tara sa loob."
"No, dito na lang."
Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako saka siya umatras at humarap sa'kin. Doon pa lang -- sa maliit na hakbang paatras -- parang mababasag na ako.
Habang sinubukan kong pag-isa-isahin ang mga salitang bibitawan ko, naramdaman kong nanlalamig ang buong sistema ko, kasing lamig ng hangin sa gabing ito.
Naghihintay lang si Paul na walang kamalay malay sa mga maririnig ngayong gabi.
"I really want to marry you and to be with you," panimula ko. Nakatitig lang siya, hinihintay ang kasaunod noon. "...but I think everything happened so fast that I was not able to think of the consequences."
Mukhang hindi ko kayang magpatuloy pero kailangan, "I love being on my own, I love living my life just on my own, I love it so much that I can't think of giving it up too soon."
"Anong sinasanbi mo?" halata na sa hitsura niya ang takot, gulat, at pag-aalala ngunit nananantya.
"I'm sorry Paul, I think I can't do it this early, I don't think I can let you wait on that uncertain day when I'm ready. I think I'm being selfish," paliwanag ko.
"No, you're not, I told you I can wait."
"But we're taking the wrong path, we even skipped being girlfriend and boyfriend, na-overwhelm lang siguro ako."
"Na-overwhelm? Are you telling me that you don't love me?"
"I love you Paul, it's just that I can't bear to see you waiting for uncertainties."
"But I'm not waiting for nothing," sandaling tumagal ang titig niya, hinahanap sa mga mata ko ang katotohanan, "...or am I?"
Umiling na rin ako dahil hindi ko na sigurado. At doon. Doon ko nakitang unti unti kong tinibag ang matatayog niyang pangarap para sa aming dalawa.
"Bakit? Anong nangyari, Jill?" bakas na sa kanya ang frustration, namumuo na ang mga luha sa mga mata niya habang ang sa akin ay tuluyan nang bumagsak.Ni hindi ko na kayang tingnan ang mga mata niya dahil alam kong naroon lahat ng sakit.
"I'm sorry Paul. Gusto ko lang sumaya ka."
"This won't definitely make me happy, you make me happy, please 'wag mong gawin 'to," nagsimula nang manginig ang boses niya at tumulo ang mga luha niya.
Hindi pa yata ako nakuntento. Hinubad ko ang singsing at ibinalik 'yon sa kanya. Hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil kapag nakita kong umiiyak din siya baka pigilan ko pa ang sarili ko.
Ayoko siyang ikulong sa isang bagay na walang kasiguraduhan dahil ako mismo sa sarili ko hindi na ako sigurado kung darating ba ang panahon na magiging handa ako sa isang kasal.
Reality is bitter. It is dark. It is not as colorful as what our dreams are. So when it strikes all becomes black and white.
Tinalikuran ko si Paul bitbit ang sangdaang saksak na unti-unti pumapatay sa'kin. Alam kong hindi magiging madali pero kakayanin ko, nagawa ko na 'to dati, kaya kong gawin ulit.
Hindi ko alam kung sa kabila ng ginawa ko, hahayaan pa akong bumalik ni Paul sa buhay niya kapag dumating ang panahon na handa na ako.
At the end of the day you'll emerge as the stronger person than you are the day before. Ito na lang ang nasabi ko sa sarili ko at susubukan ko itong panghawakan.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
Ficción General"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...