Ika siyam [4]

212 6 1
                                    

Para akong asong bumubuntot sa kanya sa daan habang magkausap kami sa telepono at nagmamaneho. Ito 'yong isa sa mga bagay na hindi ko naranasan sa iba. Mga kakaiba, 'yong tipong hindi normal na gawain ng lalaki sa kaibigan niyang babae.

Binilhan niya ako dati ng isang kahon ng pizza dahil hindi niya kayang kargahin ang magkahiwalay na slice. Palagi niyang pinapalagyan ng chocolate chips ang inumin ko at ipinapasalin ito sa baso niya pagkatapos. Pinasuot niya sa'kin ang polo niya nang makita niya kong nakasuot ng pangswimming. Ayaw niyang tine-text ako, palaging tawag o usap. Pinatulog niya ko sa bahay nila no'ng mag-isa lang ako samantalang 'yong iba sasamahan nila ang kaibigan nila sa bahay. Nagagalit siya 'pag hindi ako nagsasabi ng totoong nararamdaman ko kahit madrama pa 'yon. 'Yong iba ayaw nila sa drama. Nagseselos siya kapag magkasama kami ng Papa niya. Pinagluto niya ko ng dinner sa kusina ko. Binihisan niya ko nang malasing ako. At siyempre, siya pa lang ang nagtanggi sa'kin. Palagi siyang may sorpresa, palagi niya kong pinapasaya pero isang pagtanggi niya lang sa'kin nawala lahat. Nakakatakot maging masaya kasi pagtapos no'n may kapalit na lungkot.

"Paul?"tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Can I trust you?" Natagalan siya sa pagsagot.

"Trust me, Jill."

Gusto kong magtiwala ulit sa kanya. Gusto kong ibalik 'yong tiwalang meron ako dati sa kanya kasi siguro nga panahon na para ibalik 'yon.

"Don't hang up, okay. I want to hear you, and don't dare overtake me," utos niya.

Tumango ako kahit hindi niya kita. Ramdam ko, nagsisimula na akong matakot at unti-unti nang bumabalik ang tiwala ko hanggang sa hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko. Bakit ako umiiyak?

"Jill what's wrong?" tanong niya nang marinig niya ang pagsinghot ko.

"Wala, kailangan kong ibaba 'to, tatawag na lang ako. Kailangan kong kausapin si Danna," palusot ko.

Nagtuluy-tuloy na ang luha ko pagkanana niyon. Sa matagal na panahon ngayon lang ako umiyak dahil sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak. Dahil ba sa sinisimulan ko na naman siyang pagkatiwalaan katulad ng dati o dahil sa takot na baka maulit na naman ang lahat?

--

"Ang bano mo naman, hindi ka marunong!" kantyaw ko sa kanya.

"E anong tawag sa'yo? Hindi ka pa nga nakakastrike e," ganit niya.

"Bakit ikaw? Puro split."

"Hindi mo ba nakita? Naubos ko yung sampung pin kanina. 'Wag ka kasing tumitingin sa iba."

Naglip talk na lang ako ng Oh my God sa sinabi niyang 'yon. Lumapit ako sa kinatatayuan niya at umupo.

"Spare naman, wala ka paring strike. Yun pa rin yung importante."

Akala ko dadalhin niya ko sa isang Mall o parke. Ganoon kasi madalas hinid ba? Pero nasurpresa na lang ako na sa isang bowling alley kami napunta. Matagal ko na 'tong gustong gawin kaso wala lang akong oras at wala rin akong mayaya. Kung siguro hindi ko siya kaibigan at isa lang siyang manliligaw dagdag pogi points agad.

"Watch me, Miss unstriker, 'pag na-strike ko to ipagsisigawan mo sa buong alley na kilala mo 'ko."

"Ang yabang!"

"Para sa'yo 'to, pag nagawa ko, we'll proceed to the next plan pero kung hindi, uuwi na tayo."

Nang mapakawalan niya ang ubod sa bigat na bola parang nag-slow mo lahat. Bumagal ang paggulong nito at nang makalapit sa mapuputing pin, tila dominong nagsitumbahan ang mga ito, nalimas ang lahat ng pin maliban sa isa na lumalaban pa rin sa sariling balanse. Nakatuon ang lahat ng atensyon ko sa pin na iyon hanggang sa natumba na rin ito. Napasuntok sa hangin si Paul. Saka siya lumapit sa'kin ng nakangiti, nakakahawa 'yon kaya ngumiti na rin ako.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon