Ikawalo [4]

154 6 0
                                    

Ang active talaga ng pamilya ni Paul sa mga ganitong salu-salo.

"Jillian," tawag sa'kin ni Tito George habang inaabot ang kanin --ugali na talaga ito ni tito kahit noon pa.

"Hanggang ngayon mas pinapansin ka pa rin niya kesa sa'kin," bulong ni Paul sa tabi ko habang inaabot ko ang kanin.

"Ah, Tito, gusto rin po ni Paul na abutan niyo siya ng kanin,"biro ko. Sinubukan niya pa akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko pero hindi siya nagtagumpay.

"Nakakaloka 'tong anak niyo, Tito binubulong din po niya na sana kahit isang beses lang pansinin niyo daw siya. I can't believe you Paul," baling ko sa kanya, "Come on Paul, grow up," asar ko pa at huli na nang mapansin kong nasa amin na ang atensyon ng buong pamilya niya.

"Nakakahiya ka kuya!" kumento ni Dan.

"This lady, she's really a bully, since high school ganyan na siya," deklara ni Paul sa pamilya niya.

"Kaya 'wag kayong nagpapaniwala sa mga sinasabi niya and Dan you must know how she plays," dagdag niya na tinawanan naman ng buong pamilya niya.

"You, two are always like that," sabi ni Tita Janette.

"Parang hindi sila nag-away dati 'no?" singit naman ni kuya Ian na nagpabago bigla ng awra. Sa lahat ng tao sa pamilya ni Paul, sa kuya niya ako kinakabahan, siya kasi ang wala ng mga panahong 'yon at hindi maiiwasang magtanong siya. 'Yong senaryong magtatanong siya ng mga sensitibong tanong na kahit naayos na hindi naman na rin pinag-usapan.

"We never talked about that kuya," ani Dan upang mabalik ang sigla sa hapag.

"It was a comment, okay," bawi naman ni Kuya Ian.

"Hindi naman kami nag-away kuya," si Paul.

"You were just stupid kuya," bitaw ni Dan at natawa na lang ako sa sinabi niyang iyon muntik pa akong mabulunan doon.

"Move on guys because I already did," ang sabi ko naman.

"Strong words, woman!" puri ni kuya Ian. "Come on give me five, Jillian!" Tumayo siya at iniabot ang palad niya na nakatihaya, tumayo rin ako para abutin iyon dahil nasa kabisera siya ng hapag.Bahagya niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing, "I'm a fan."

"Thank you, 'pag naging famous ako you'll be on the front seat of my every public appearance," biro ko.

Pagkaupo ko, nagkumento agad si Paul, "God, even my brother was charmed, what are you?" Hinampas ko siya dahil doon.

"Paggising mo isang araw, wala ka ng pamilya Paul, papalitan na kita," ganti ko.

"Okay lang at least hindi ibang tao, mas matutuwa ako kung ikaw talaga," bigla siyang nagseryoso na ikinatigil ko.

"Jillian, apat pa rin ba ang trabaho mo? Pa'no mo ginagawa 'yan?" tanong ni Tita Janette. Mabuti na lang at natanong iyon ni Tita para mawala ang atensyon ko sa sinabi ni Paul.

"Opo, yung sa news online lang naman ang trabaho kung trabaho talaga, the rest parang sideline na lan po. Someday I will need to give one or two up," sagot ko.

"You should hija, I always tell you to go out fishing pero hindi mo naman ako pinapakinggan dahil nga busy ka," si Tito George naman.

"Fishing?" pagtataka ni Paul pero walang pumansin sa kanya.

"Tito you know that I don't go fishing," sagot kong muli.

"I know because you're the pearl in the sea," grabe talaga ang mga metaphor statements ni Tito.

"Damn, I get it," bulong sa'kin ni Paul pagkatapos noon.

"Bro, bakit hindi mo na lang ligawan 'tong si Jill?" nayare na. Meron din pa lang Lance version sa pamilya Enriquez.

"Oh no not anymore," mabilis kong basag sa namumuong katahimikan.

"Ouch," agarang reaksyon ni Paul.

"Tama 'yan hija, 'wag mo nang bibigyan ulit ng chance 'yang si Paul. Sinayang niya 'yong una, how much more sa susunod?" ani tito George.

Lumambot naman ang puso ko do'n sa sinabi niya. Naalala ko tuloy si Papa.

"Pa? Ampon ba 'ko?" nakakatawang tanong ni Paul. Hanggang sa lahat kami tumatawa na dahil alam naming mas pinapaboran pa ako ng pamilya niya kaysa sa kanya. Nakakatuwang isipin na makakahanap pa pala ako ng isa pang masayang pamilya bukod sa pamilyang meron ako dati.

"The next thing you'll know Paul, you're out of this family," nakangisi kong pahayag sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero walang irita sa mga mata niya kundi kagalakan lang. Hindi naman niya sineseryo ang mga pambu-bully sa kanya dahil alam naman naming lahat kung gaano siya kamahal ng pamilya niya.

Isang patunay ay ang pagsisikap nilang tanggapin ako ng mga magulang at kapatid niya bilang malapit na tao sa kanila para lang mabura lahat ng mga masasakit na alaala na nangyari sa'min ni Paul. Kapag inisip mong mabuti, ayaw lang nila na kargahin ni Paul ang mga 'yon habang buhay at ako naman sa kabilang banda buong puso at pinagsikapan naman nilang hindi ako malayo sa kanila.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon