Hinatid ko na si Mama sa bahay, nadatnan namin doon si kuya at si ate Carla. Oo, si kuya at ate Carla rin pala ang magkakatuluyan.
Isang taon na lang ikakasal na sila. Isang taon na lang lilipat na sa'kin si Mama. Nakakatuwa kasi sa kabila ng paghihiwalay nila sa loob ng maraming taon, mahahanap pa rin pala nila ang isa't-isa at sila pa rin pala sa huli.
"Hi ate Carl!" Nilapitan ko siya at niyakap, gano'n din si Mama.
"Ma, kain na po tayo, nagdala ng pagkain si Carl," anyaya ni kuya.
Kumain kami, nagkuwentuhan, kitang-kita sa mga mata ni ate Carl at ni kuya ang pananabik sa kasal nila.
"So Jill, abay ka ha?" sabi ni ate Carla.
"Anything for you and kuya."
"Sino pa lang puwede niyang makapartner 'by?" tanong ni ate Carl kay kuya.
Tinitigan lang ni kuya si ate Carl na parang nag-uusap sila gamit ang isip nila.
"Si Paul, bumalik na siya," biglang suhestiyon ni Mama.
"Oo nga 'no?" sabay na sang-ayon ni kuya at ng 'by niya.
"Nako ah! Ayan na naman kayo!"
"Ngayon, you know how it feels to be teased like that!" pang-aasar ni kuya.
"Iba naman 'yong sa'yo kuya, tingnan mo, nagkatuluyan pa rin kayo."
"Sounds like, hopeless," pang-asar niya pa lalo.
"Hopeless? I do not hope, you know that kuya," ginantihan ko siya ng ngisi.
"Partner lang naman, pa'no tayo napunta sa hopeless na 'yan?" tanong ni Mama na suya namang ipinagpasalamat ko.
"Tama na, Jill's turning crimson already," hindi ko alam kung nang-aasar din si ate Carla o inililigtas niya lang din ako sa pang-aasar ni kuya.
"Hay, I should have just dropped Mama, sana hindi na ako nakisalo sa inyo, grabe kayo."
Lahat sila nakangiti lang. Ano bang problema ng pamilya ko? Bigla bigla ay parang naging bukas na libro na naman ang buhay ko. Kahit na umiiling ako e, masaya ako dahil nandiyan sila.
Bago pa nila ako gawing pulutan kahit nasa harapan nila ako, e, nagpaalam na ako.
Dumating ang gabi, nagsimula na akong magpalit ng jogging pants, white boxing shirts, running shoes, sinama ko na rin ang cellphone, earphones ko, nagtali ng buhok at hinablot ang jacket ko dahil mas malamig na ngayon sa labas 'pag gabi.
Hindi ako nakapagjogging kaninang umaga kaya babawi ako ngayong gabi.
Paglabas ko ng bahay, may napansin akong 'sang dosenang rosas na nakaayos na, katulad ng rosas na natanggap ko noong Martes.
Pinulot ko at binasa ang note. Dalawa ang note 'yong isa, nakasulat sa kapirasong papel, scratch paper na galing sa delivery boy, iniwan na lang daw niya kasi wala namang tao, 'yong isa galing sa mismong nagpadala, hindi ko kilala 'yong sulat-kamay, pero kapareho lang ng naunang ipinadala, ang nakasulat...
They need to be replaced now.
Tinutukoy niya 'yong mga rosas na nauna niyang ipinadala. Nakakatakot na 'to. Sino kayang nagpapadala ng mga 'to?
Mas kinabahan ako ngayon kaysa noong Martes, pero inisip ko na lang kung may masamang intensiyon 'yong taong nagpapadala ng mga 'to dapat bomba ang ipinapadala at hindi ganito kagandang bulaklak.
Ipinasok ko ang mga rosas at pinalitan na nga ang mga naunang dating, pagkatapos lumabas na ako at nagpatuloy.
Habang tumatakbo hindi mapakali ang isang parte ng isip ko sa kakakalkal sa mga posibleng taong nagpapadala sa'kin ng bulaklak. Ang isa pang parte ng isip ko sinasabing dapat kinikilig ako ngayon pero mas makapangyarihan ang pagtataka ko, nakikipagkompitensiya sa mga iilang sasakyan na dumadaan sa kalsada.
Pinilit kong alisin sa isip ko ang tungkol doon pero kusang nag-iimbestiga ito. Malamang hindi si Dex o si Lance ang magpapadala no'n dahil sana nagpapakilala sila. Wala rin akong ibang maisip na lalaki na dumaan sa buhay ko kundi si Chard, malamang hindi siya, sana hindi siya, wag. Hindi rin naman siguro babae ang magpapadala no'n.
Bigla akong napatigil sa posibilidad na baka si Paul 'yon. Inalog ko ang ulo ko dahil alam kong hindi si Paul, hindi siya. Hindi siya mahilig gumawa ng mga palihim na ganoon. Hindi nga ba?
Bumalik ang pag-iimbestiga ng isip ko kay Chard. Hinampas ko nang bahagya ang noo ko, hindi si Chard, wala na kami, hindi niya 'to gagawin.
Mas lalo akong napaisip dahil wala akong maisip na puwedeng gumawa no'n. Walang magandang naidulot ang pag-iimbestiga ng isip ko kaya hinayaan ko na lang at siguro sa dulo nito malalaman ko rin kung sino.
Nakabalik ako sa bahay makalipas ang isang oras, napatagal ako dahil sa pag-iisip. Pinagmasdan ko ang mga rosas sa mesa sa kusina. Nagtataka. Nagtatanong. Pero sa loob loob ko ngumingiti ako.
I'll find you out soon, Mr. Mystery Roses.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...