Ikalima [2]

215 6 5
                                    

"Ha? Ano? No way! Magkakasakit ako," pinilit kong tumanggi kahit alam kong mahirap nang piguilan si Paul.

Tama nga ako dahil agad siyang lumabas ng sasakyan patungo sa pintuan ko, binuksan niya 'yon at iniabot ang kamay niya.

 "You're not gonna do this," pagmamatigas ko.

"I'm gonna do this. You're keys," pagmamatigas niya rin.                

"Bakit?"

"Basta."

Ibinigay ko sa kanya ang susi ng motor ko at lakad-takbo niyang pinuntahan si Kuya Sito, ibinigay niya ang susi ng sasakyan niya at sumakay sa motor ko pabalik sa tapat ng sasakyan niya, sa tapat ko.

"Ano?" halos pasigaw kong tanong.

"I'll bring you home," sagot niya at nakangiti pa.

"Walang helmet?"

"That would be no fun. Tara na!" 

Sa huli, napasubo pa rin ako. 

Mabagal lang ang pagpapatakbo niya sa motorsiklo. Kaya unti-unti nang nababasa pati ang pantalon ko pati ang sapatos ko. Mabuti nga marahan lang ang pagbagsak ng ulan, malamig iyon at totoong  nakakawala ng pagod. Tama siya, nakakatuwa nga.

"Ba't ang bagal mo?" hindi ako nakatiis at tinanong ko na.

"Kung bibilisan natin, masakit 'yong patak ng ulan, baka madisgrasya tayo," paliwanag niya.

"Dapat ba akong magpasalamat dahil naisip mo rin na baka nga madisgrasya tayo sa ginagawa mo?" nang-uuyam kong tanong.

"Pasasalamatan mo ako hindi dahil diyan," malabo na naman niyang sagot. 

"Why , exactly are you doing this?" tinanong ko na.

"I'm doing the rain a favor para hindi ka na masaktan at mainis kapag umuulan," mas malabo niyang sagot niya.

"I don't get your point."

"Of course you do. The last time you were wet in the rain was the day I became so stu..."

"Don't," pigil ko. "I was stupid. Young and stupid."

"I just want you to erase that memory and create a happier one, Jill," tumigil siya sandali nang hinsi ako umimik, nagpatuloy siya, "are you getting my point now?"

Tumango lang ako kahit hindi naman niya nakikita. Dahil naiintindihan ko na,  gusto niyang maalala ko ang bawat ulan na masaya at hindi pasakit lang.

"I was so sick after that rain. Terrible. Sick inside and out," mahina kong pahayag.

"My fault."

"Yes, your fault, Paulo." 

Kakasalita ko ay natikman ko na ang tubig ulan.

"Paul, tikman mo 'yong tubig ulan parang mineral water," pag-iiba ko sa usapan. 

"I can't, nagdadrive ako."

"Sus, ang arte! Akala ko ba it's fun in the rain?"

"Yes but that's too childish."

"So itong in-insist mo hindi childish, gano'n?"

"Childish ba?" nagmaangmaangan pa.

"Tingin mo?"

Maya maya pa, bahagya na niyang pinaharurot ang motor at napahigpit ang hawak ko sa baywang niya, para ko na nga siyang niyayakap. 

"Akala ko ba bawal bilisan?"

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon