Una [3]

303 13 8
                                    

Five months earlier...

"Jill, can I still say sorry for all the pains I've caused you?"

Natawa lang ako sa sinabi ni Paul kahit na alam ko namang seryoso siya. Nakita ko kung gaano kalaki ang sensiridad niya sa sinabi niyang iyon.

"Paul, we're all grown up already, what you're trying to revive, I mean bring up happened half a decade ago."

"I know but those gone years took away the chance to help you get up again," katwiran niya.

"You sure did help me, Paul."

"Did I?" wala sa sarili niyang tanong.

"I know that you're sorry about that but if it wasn't because of those pains I wouldn't be the person that I am now."

"Can I, at least, hug you?" mahina niyang hiling.

Umiling lag ako at pinilit ibahin ang usapan. "Look at your dad winning some holes."

"Please?"

"No, keep that."

--

Nakakawindang kapag tinatawagan siya nang gano'n ni Dexter.

"Jill, okay ka pa?" 

Hindi siya sumagot. Ako na kasi ang napapagod sa nakikita ko. Gustung-gusto ko nang paliparin 'tong sasakyan para maihatid siya at makapagpahinga na siya nang maayos.

Nakasandal siya nang bahagya sa pintuan, ugali niya na 'to. 'Yong dalawang kamay niya nakahawak lang sa cellphone niya na nakapatong sa mga hita niya.

"Jill, straighten up your head."

Sinubukan kong abutin 'yong ulo niya pero hindi ko kaya. Huminto muna ako sandali at inayos ang ulo niya, halos matakpan na ng buhok niya ang mukha niya dahil sa pagkakasandal, ang haba na ng buhok niya, may kulay na rin ito, hindi ko alam kung anong tawag pero sa kulay na iyon pero parang may pagka- brown. Ang haba ng pilik mata niya, nakakaakit pa rin ang mukha niya, lalo na 'yong ilong niyang maliit na matangos. Bumaling ang tingin ko sa labi niya na may sugat sa ilalim na parte nito sa kanan, marahil dahil sa lamig ng panahon o sa hangin. Bago pa ako may gawin sa maamo at malaanghel niyang mukha bumaling na ako sa manibela at nagpatuloy.

Pagkalipas ng isang oras nasa tapat na kami ng bahay niya. Sa loob ng limang buwan hindi pa ako nakakapasok sa bahay niya. Ayoko man siyang gisingin pero kailangan dahil nasa kanya ang susi.

"Jill, wake up. Nandito na tayo." Niyugyog ko nang mahina ang kaliwang balikat niya pero hindi pa rin siya nagising, hinawakan ko ang pisngi niya na agad-agad na gumising sa kanya. Bukod kasi sa batok kung nasaan ang kiliti niya, ayaw niyang hinahawakan ang pisngi niya kaya nagising siya. Madami mang nagbago sa kanya pero siya pa rin 'yong Jill na nakilala ko.

"Ha?" Sagot niya na parang naalimpungatan.

"Give me the keys, I'll carry you down there."

"Sa bag," nakapikit niyang sagot.

Bumaba ako para kunin ang bag niya sa likuran. Nasa may maliit na bulsa lang iyon kaya madali kong nahanap. Sinabit ko na ang bag niya sa balikat ko at binuksan ang pinto kung nasaan si Jill. Pagbukas ko tulog pa rin siya. Kinuha ko 'yong cellphone sa kamay niya, nilagay ko sa bag niya. Inilapat ko ang likuran niya sa braso ko at ang alak-alakan niya sa isa ko pang braso. Mga tatlong hakbang na lang kami palapit sa pintuan nang magising siya.

"Am I floating?" tanong niya. Napangiti na lang ako.

Nang mapansin niyang buhat ko siya, pumalag siya.

"Okay na, you don't need to do this, you can bring me down now."

"Kaya mo?"

"Oo naman."

Ibinaba ko siya nang dahan-dahan at inalalayan papasok. Pagpasok niya ay agad niyang ibinagsak ang sarili niya sa sopa sa sala. Bago siya pumikit ay narinig ko pa siyang magsalita.

"Help yourself na lang. Wake me up when you leave," halos paos niyang bigkas.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon