Ikapito [2]

149 5 0
                                    

Abala sa paghahanda ng mesa ang dalawa nang makarating kami sa kusina. Kami dapat ni Dan ang gumagawa no'n pero dahil likas na gentleman 'tong dalawang 'to hindi na kami nagtaka.

Wala sa plano ko ang pagkain ng hapunan dito sa bahay ni Paul kaya sabi ko sa sarili ko pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako.

"Buti pala pumunta ka ate Jill, para mas masaya ang celebration para sa bagong bahay ni kuya," ani Dan.

Nagtaka naman ako roon. May celebration pala kaya ang ibig sabihin ay matatagalan pa ako rito. Hindi na lang ako umimik. Si Dan at Gabby lang din ang nag-uusap habang kumakain. Katabi ko si Gabby. Si Dan at ang kuya naman niya ang magkatabi.

Maya maya pa ay napunta na sa basketball ang usapan ng dalawa.

"Ang galing nung game 'no?" nang-aasar na kumento ni Gabby.

"Oo naman, at least close game," pampalubag loob na sagot ni Dan.

Nagpatuloy lang sila sa asaran nila, sumali na rin si Paul. Sasali na rin sana ako sa usapan nang tumunog ang ang cellphone ko. Si Dex, sinagot ko kaagad.

"Jill, I'm sorry hindi na tayo nakapag-usap, sobrang busy lang," aniya.

"I understand, ano palang nangyari?" usisa ko.

"Ayun, I worked on the whole reformat thing, talked to everyone," sagot niya at bakas na sa boses niya ang pagod.

"I'm not asking about that, Dex," tumingin ako kay Paul para magpaalam sandali.

"Wala ka sa bahay mo?" tanong ni Dex.

"Wala, kasama ko sila Dan," sagot ko.

"Saka na lang natin pag-usapan Jill, tawagan na lang kita ulit," biglang bawi naman niya.

"Teka, Dex... Okay sige. When you're ready," wala na akong nagawa.

"Okay, bye. Take care of yourself," aniya

"You, too, Dex. Bye."

Pagbalik ko sa kusina ay nagliligpit na si Paul habang patuloy pa rin sa kwuentuhan ang dalawa.

"Ako na 'to," pagpigil sa'kin ni Pau nang magbalak akong tumulong sa paghuhugas.

"Hindi ako na," tanggi niya.

"Is something wrong with Dex again? Baka kailangan ka niya," tanong niya bigla.

"Hindi," sagot ko.

"Ano palang problema niya?" usisa niya pa rin.

"Hindi pa kami nakakapag-usap. Mukhang ayaw niya pang pag-usapan," sagot ko pa rin.

"I see," tumalikod siya at sinundan ko 'yon ng tingin. Alam ko gusto niya pa ring sagutin ko 'yong tanong niya kanina bago kami kumain. Ganyan naman siya palagi, hindi niya sasabihing gusto niya ng sagot, ipaparamdam niya lang.

"Chard is an improving player actually," sabi ko sa kanya habang nakatayo siya sa tabi ng nakaupong Dan. Napatingin din ang dalawa sa'kin nagtataka sa biglaan kong pagbring-up ng usaping 'yon.

"I wasn't asking about it," ani Paul.

"You were," sabi ko.

"I thought it was an unanswerable question?" sinamahan niya iyon ng pilyong ngiti.

"Yes it is now, nakita mo naman kung ga'no siya kagaling 'di ba?"

"You're such a fan, Jillian."

"Magaling naman talaga siya, dati hindi lang siya napapansin," depensa ko.

"Why do I feel like I'm talking to a super concern ex-girlfriend than to a die hard fan?" tudyo niya.

"I'm going home after this," iyon na lang ang nasabi ko.

Mula sa peripheral vision ko, napansing kong makahulugan ang tinginan ng dalawa pa naming kasama. Biglang bumabalik 'yong frustration ko sa trabaho gusto ko lang ngayon e matulog na at huwag nang mag-isip.

"Uh-oh, you two fighting?" biglang singgit ni Dan.

"No!" sabay naman naming sagot ni Paul.

"You are figthing guys, you look like a fighting couple," uyam pa ni Dan.

"Fighting couple? No, I'm just having a bad day. Sorry."

"Ayusin niyo 'yan kuya ah, maglalaro pa tayo," bilin ni Dan kay Paul bago sila magtungo sa sala.

Pagkatalikod ng dalawa ay lumapit sa'kin si Pau para magpatuloy sa paghuhugas.

"I'm sorry, I was just playing around," kinuha niya 'yong mga nasabunan ko nang kubyertos at binanlawan ito.

"No, not your fault."

"Why are you having a bad day?" usisa niya.

"I handle my own problems, you know," tanggi ko.

"At least you can tell me. Like it used to," kumbinsi niya.

"Wag na, wala lang naman 'to."

"Okay, just let me know when you need help."

"There's nothing you can do about it, Paul."

"Well you'll never know," tinapik niya ako sa likod gamit ang basang kamay niya.

"Salbahe ka! Basa 'yang kamay mo!" bulyaw ko.

"Oopss sorry." Nagpaumanhin pa, alam ko namang sinadya niya.

"Are you gonna stay or uwi ka na?" tanong niya no'ng pabalik na kami sa sala kung nasaan ang dalawa.

"Uwi na," sagot ko.

"Okay, hatid na kita o may dala kang sasakyan," alok niya habang nakatingin sa'kin.

"May dala ako."

"Ops ops, anong uuwi? Wala munang uuwi ate! May pasok din ako bukas oh," hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Dan iyon kaya wala na akong magawa dahil hindi man lang ako dinepensahan ni Paul.

Sumunod na lang ako sa sala at umupo sa sahig, ginaya ko lang din si Dan at Gabby, samantalang si Paul ay malaharing nakaupo sa malaking sopa.

Bigla namang tumayo si Dan at pumunta sa kusina, kumuha ng juice na nakabote sa ref, isinalin sa baso at dinala ang bote ang sa sala. Tiningnan ko si Paul, umaasang alam niya kung anong binabalak ng kapatid niya pero wala.

"Wala rin akong alam," aniya.

"Okay, laro tayo!" anunsyo ni Dan nang makalapit sa'min.

"Oh no," hindi ko napigilang komento nang mapagtanto ko kung ano ang binabalak ni Dan.

"Why not ate?" inosenteng tanong ni Dan.

"Wag spin the bottle, matanda na 'ko para diyan," reklamo ko, humihiling na sana pagbigyan ako.

"Ha? Mas okay nga 'to para pang-unwind e," pilit ni Dan.

"The last time I played this game something happened," pahayag ko.

Pero biglang umupo na rin sa sahig si Paul.

"Wala ka naman nang itinatago 'di ba?" tanong niya. at hinampas ko na ngunit ngumiti lang ito.

"Wala naman na 'yon ate Jill 'di ba?" tanong ni Gabby.

"May magagawa pa ba 'ko? Nandito na tayo e," pagsuko ko rin.

"Okay, game na!" gayak na gayak na anunsiyo ni Dan.

The same game. The same scenario. The same consequences. Once the bottle spins, I sighed, here I go again.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon