Iniabot niya sa'kin ang maliit na kahon, "Ano 'to?" tanong ko.
"It's for you to find out," seryoso niyang sagot.
Binuksan ko 'yon at natigilan. "Susi? Para sa'n 'to?"
"Again, for you to find out," aniya.
"Ha? Bahay ba regalo mo sa'kin?" biro ko dahil alam ko namang hindi.
"Hindi," kompirma niya bago tumalikod at kinuha ang isang malaking kahon sa sasakyan niya. Inilapag niya iyon sa harapan ko. At doon ko napanising nakakandado iyon. Naipiling na lang ako sa mga trip niya.
"Bubuksan ko dito?" Tanong ko na tinanguan niya lang. Nang mabuksan ko iyon, nagulat na lang ako dahil biglang umangat ang nasa loob. Isa iyong maliit na helicopter, malaki kung ihahambing sa mga normal na laruan.
Mangha kong sinundan ang pag-angat nun bago ko napansing hawak pala ni Paul ang controller kaya ito kusang lumipad pagkabukas ko. Kulay itim at may halong dilaw ang eroplano. Pamilyar iyon. Kakaisip ko kung saan ko iyon nakita, hindi nakatakas sa paningin ko na may initials ko iyon sa isang banda.
"Wow!" hindi ko na naitago ang pagkamangha. Nang maibaba iyon ni Paul, may naisip agad akong itanong. "Puwede ba 'tong lagyan ng camera?" tanong ko.
"Puwede," sagot niya, "pero hindi ko na pinalagyan, alam ko namang ayaw mo."
"Thank you!" parang batang nakangisi sa bagong laruan.
"No, thank you Jill," mahinahong pahayag niya na nagdala ng mainit na haplos sa loob loob ko.
"Merry Christmas, Paul."
"Merry Christmas to you, too," nakangiting ganti niya.
"Uwi na ko baka hinihintay na 'ko nila Mama," paalam ko pero bakas sa mga mata niya na parang may gusto pa siyang sabihin.
"Sama ako," sabi niya.
"Wag na, mangungulit lang sila e," pigil ko.
"Babatiin ko lang naman sila, wag mo ngang ipagdamot ang pamilya mo sa'kin, hindi ko naman pinagdadamot ang pamilya ko sa'yo ah," sumbat niya.
"Bahala ka nga," sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan ko.
"Nag-aaway na naman ba tayo?" nakakaloko niyang tanong.
"Bakit ako ba palaging nang-aaway?" hindi ko na hinintay na sumagot siya. Pumasok na ako at nagmaneho pauwi, sumusunod lang din naman siya. Nang malapit na ko sa bahay nag-overtake siya at inunahan niya kong pumarada sa papapradahan ko. Sutil talaga. Lumabas siya ng sasakyan niya nang hindi man lang lumilingon sa'kin. Binusinahan ko siya ng malakas pero wala ring epekto.
Pinapasok naman siya agad ni Mama sa bahay, hindi maitago ang ngiti niya.
Doon ako napaisip. Ano nang mangyayari sa'kin ngayon? Ano nang mangyayari ngayong naamin ko na na hindi pa rin ako nakaka-move on, ngayong inamin ko na sa sarili ko na mahal ko pa rin siya.
Napalalim yata ang iniisip ko kaya hindi ko namalayang nasa tapat na ng kotse ko si Paul. Nakabalik ba siya agad? Bumitaw ako sa pagkakatitig sa nagtataka niyang mukha at bumaba ng sasakyan nang maramdaman kong kumikirot na naman ang kanang balikat at likod ko.
"Something wrong?" usisa niya.
"Wala, pagod lang siguro."
"Nakita ko na 'yang sugat mo sa likod, wag kang magkaila, hindi lang yan pagod," aniya.
"Sabi mo hindi mo nakita?" naalala ko sinabi niya naring nakita niya 'to no'ng nag-away kami pero hindi ko na napansin.
"Wag kang mag-alala 'yan lang yung nakita ko. Hindi mo pa ba ipapagamot 'yan?"
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...