Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Paul?" Siya nga. "Ba't ka nandito?" tanong ko. Hindi ko inasahan ang pagdating niya dahil simula nung gabing hinusgahan niya ako hindi ko na siya nakausap. Hindi man lang siya nag-sorry sa'kin.
"Hindi ka na dapat nabubuhay lang sa nakaraan, Jill," bungad niya, wala man lang pasakalye. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin hanggang sa nagpatuloy siya. "It was just some blood!"
Doon kusang nagbaliktanaw ang iilang pangyayari sa nakaraan na pinilit kong kalimutan. Isa lang 'yon sa mga gabing hindi ko alam kung bakit pa ako nabubuhay, nagdesisyon akong magmaneho sa kalagitnaan ng gabi papunta sa puntod ni Papa. Iyak ako nang iyak dahil pakiramdam ko mag-isa na lang ako.
Naging impulsive ako noon. Kapag may naisipan ako, gagawin ko dahil nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Sinubukan ko ring mag-drag race pero nakailang ulit lang ako dahil nahuli ako ni Dex. Hindi na rin ako kumakain ng tama noon, kaya napagdesisyunan ni Dex na dalhan ako palagi ng almusal dahil 'yon nga ang pinakaimportanteng pagkain sa buong araw.
Nasa isang village lang ako noon, dahil nga walang speed limit, pinaharurot ko ang sasakyan ko para mailabas lahat ng sama ng loob at frustration ko. Walang ibang sasakyan noon sa kalyeng 'yon kaya nagulat ako nang may truck palang tatawid sa harapan ko. Sinubukan ko pang ibalik sa normal ang takbo ng sasakyan pero huli na, bumangga na ako sa truck. Iyon lang ang tanging ingay na narinig ko noon. Ang pagbaliktad ng sasakyanang huli kong naramdaman bago makarinig ng mahahabang busina at sirena ng ambulansiya. Nakakasilaw na ilaw, dugo at kadiliman ang mga huli kong nakita.
"Anong sinasabi mo?" tanong kong muli dahil hindi ko gustong paniwalaan na yun nga ang ipinupunto niya at alam na niya ang tungkol doon.
"Let's not play some dumb games, Jill," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hanggang ngayon bumabawi ka kay Dex for giving you some blood? You don't have to, Jill."
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya.
Ayon sa kuwento nila Mama, naitakbo ako agad sa ospital ng mabilis. Nag-internal bleeding daw ako noon dahil sa trauma na natamo ko sa aksidente. Kinailangan akong salinan ng dugo at sa pang-ilang pagkakataon si Dex pa rin ang sumalo sa'kin. Dugo niya ang sumalba sa buhay ko.
Akala ko noong mabangga ako at halos mapunit ang likuran ko nang masugatan ito ay hindi na ako mabubuhay. Akala ko hindi na ako magigising. Salamat kay Dex. Doon ako naniwala na siguro nga soulmate ko siya dahil pati sa blood type pareho kami.
"Hindi lang yun basta dugo, Paul. Buhay ko yun. Buhay ko ang nakataya dun!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Kanina lang nalulungkot ako, ngayon naman nagagalit na ako. "Bakit mo ba sinasabi 'to lahat ngayon? You weren't even there to talk this way now? Some blood? Gago ka ba?"
Hindi niya ba alam na kung wala 'yong mga dugong 'yon patay na ko ngayon?
"Just because he saved you from death doesn't mean you can go even on the wrong way just to thank him on what he has done for you," ganti niya at doon ako naguluhan pero nang mapagtanto ko napailing na lang ako.
"Bahala ka," mahina kong sagot. Napapagod na akong magpaliwanag dahil alam ko hindi rin niya ako papakinggan. Marami nang masyadong nangyari, hindi ko na kakayanin ang isa pang sagutan katulad nito.
"God Jill, okay lang sa'yo na maging ganyan 'yong estado mo sa relasyon nila dahil malaki ang utang na loob mo kay Dex. I don't think I can believe these people telling me na wala talaga kayong relasyon," bakas na roon ang frustration niya.
"I'm not his mistress. If that's what you're trying to say. "
Ngayon mas naging maliwanag sa akin na inaakala niyang sa paraan ng pagiging kabit ko tinatanaw ang utang na loob ko kay Dex. Hindi ko lang maintindihan kung paano niya nasasabi 'to. At sa lahat ng tao bakit siya pa? Unti-unting bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko limang taon na ang nakakalipas. Ito na naman ako.
"Pa'no mo nalaman?" tanong ko. Napabuntong hininga si Paul doon. Nag-iwas ng tingin at pinanatili ang layo sa'kin.
"Simula no'ng araw na nakita ko 'yang malaking sugat mo sa likod, nagsimula na akong magtaka.Naisip kong hindi si tita ang nagpa-check-up no'ng araw na nagkita tayo sa ospital kundi ikaw. Madalas kong napapansin na hinahawakan mo ang kanang balikat mo kapag siguro sumasakit na. Hanggang sa nalaman kong 'yan pala ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang samahan niyo ni Dex. Kung bakit ka pumapayag na maging ganito ang sitwasyon," aniya na parang hindi masikmura ang huling sinabi. Iyon pa rin talaga ang inaakala niya.
"Wala kang alam. I'm willing to do everything for Dex even if it makes me the bad person dahil sa kanya buhay at tumitibok pa rin ang puso ko ngayon." Totoo na dahil kay Dex buhay pa ako at tumitibok pa ang puso ko pero hindi ibig sabihin no'n na siya na ang itinitibok nito na kahit pagiging kabit e papatusin ko na. Hindi ko na dapat ipaliwanag pa ang sarili ko sa taong ayaw akong pakinggan.
Hahayaan ko na lang siyang bulagin siya ng pinaniniwalaan niya kahit masakit dahil unti-unti ko nang tinatanggap na mahal ko na naman siya. Mahal ko pa rin siya.
"So I guess, I don't have a place in there now," tumuro siya sa direksyon ng puso ko. Hindi na ako makapagsalita. Ayoko nang sumagot dahil nangingibabaw na ang sakit. Masyado na akong maraming napagdaanang drama sa mga nakalipas na oras na araw parang gusto ko na lang tumigil muna. Ayoko nang masaktan ulit, ito ang malinaw sa akin ngayon at hindi ko hahayaan na si Paul na naman ang dahilan. Nagpupumiglas na ang mga luha ko pero sinubukan kong pigilin.
Hindi ko sinagot iyon. Hindi naman dapat pero lumapit si Paul at hinawakan ang likuran ng ulo ko. Inilapit niya ako sa kanya bago ako hinalikan sa noo. Ayaw ko mang tanggapin pero magkahalong gaan at bigat pakiramdam ang ibinigay ng halik niyang 'yon.
"I love you Jill," aniy bago walang paalam na umalis.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...