Ikaapat [1]

162 7 2
                                    

Dali-dali akong naghilamos, nagsipilyo at bumaba para buksan 'yong pinto.  Kasabay ng natataranta kong paa na walang saplot at ng bughaw na pajama na walang detalye pumanaog ako sa hagdan sa loob ng isang kisapmata.

"What took you so long?"

"Tulog pa ako kanina," nagkamot ako ng ulo at tumalikod sa kanya, sumunod naman siya sa loob.

"Nakauwi ka nang maayos kagabi?"

"Gusto mo bang maghire ako ng tutor mo sa pagtatanong ng tamang tanong?"

"Oo, sa tingin ko maayos ka ngang nakauwi kagabi, hindi ka na nagbago, pilosopo ka pa rin."

"Hay nako Dexter! Anong sadya mo?"

Iniangat niya ang pareho niyang kamay na may hawak na paper bag, parehong may laman at nakaporma sa sukat ng paperbag ang nasa loob. Hindi ko napansing may hawak pala siya kanina.

"Breakfast for a lady who often forget it."

Oo nga pala siya si Mr. Monday Morning Breakfast Delivery Boy.

Nitong nakaraang Lunes, pinatawag niya ako nang maaga pero nagdeliver pa rin siya. Ginagawa niya 'to kapag hindi siya masyadong abala sa trabaho. Hindi man regular pero nakakataba pa rin ng puso.

Nginitian ko siya hudyat na puwede na niya iyong dalhin sa kusina.

"Ikaw nagluto no'n?" tanong ko.

"Pinaluto ko kay Manang."

"Buti naman," ngumiti ako.

"Hindi ko alam kung pa'no kita natitiis, napakasama ng ugali mo."

"Ask yourself," asar ko sa kanya.

Si Dexter, almusal lang ang alam niyang lutuin kaya siguro 'yon ang dinadala niya sa'kin. Minsan kapag hindi na niya maasikaso sa taga-luto niya siya nagpapahanda.

Kahit kailan hindi ko inisip at hiniling na magakaroon ng kagaya ni Dex sa buhay ko. Sino ba namang mag-aakala hindi ba?

"Nagmamadali ka?" tanong ko habang papalapit siya sa'kin.

"May meeting ako."

"With the boards?"

"Oo, gusto yatang magreformat."

"Ha? Biglaan naman?"

"I need to convince them to expand rather than to reformat the publishing."

"You already have an idea in mind?"

"Of course, pero kailangan ko pang pag-aralan nang mabuti."

"Okay, kung kailangan mo ng tulong, pwede akong tumulong."

"I'll keep that in mind."

Habang naglalakad kami palabas ay huminto siya at nagtanong.

"Okay ba 'tong suot ko?"

Kung hindi niya pa tatanungin, hindi ko pa mahahalatang wala siyang kurbata ngayon.

Nakasuot siya ng khaki pants, navy blue na button-down shirt at gray na sports coat. Napangiti ako dahil bagay sa kanya ang porma niya.

"What?" tanong niya na mukhang kinakabahan dahil sa ngiti ko.

"You look like a formal playboy."

"Pangit o ano?"

Hinawakan ko ang magkabila niyang braso sa likuran at itinulak siya nang mahina papunta sa pintuan habang pinupuri ko ang suot niya, "Hindi pangit, maniwala ka sa'kin, you should wear something like this often."

Hawak ko pa rin ang braso niya at tinutulak ko pa rin siya papalapit sa pintuan nang nakita ko, namin na may tao pala sa iniwan naming pintuan kanina.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon