"Jill watch out!" sigaw ni kuya nang may muntik na akong mabanggang pasahero sa airport. Papunta kami ngayon sa Batanes, napagdesisyunan nilang doon ganapin ang prenup photo shoot nila at kaming tatlo ang pupunta ayaw naman kasing sumama ni Mama.
Sumasabay lang ako sa agos. Si kuya na ang may hawak ng boarding pass at passport ko saka na lang niya inabot nang kailangan ko na. Hindi ko pinapansin kung saang parte na kami ng airport dahil nasa ibang lugar ang isip ko ngayon.
--
"Ang sakit pa rin, bro," amin ni Paul sa kaibigang si Lance.
"Ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Lance.
"Maghihintay," napailing si Lance sa pahayag niyang iyon. Kahit naman siya,e pero anong gagawin niya, ayaw naman niyang sumuko na lang. "Kapag hindi ko na kaya, bibitaw na 'ko."
Ang totoo, kaya niya pang maghintay ang hindi niya lang sigurado ay kung kaya pa ba ni Jill na bumalik sa kanya.
--
"Jill, gising na nandito na tayo," tulog lang ako buong biyahe, ni walang pakialam sa mga nangyayari.
Paglabas namin kakaibang ang naging pakiramdam ko. Parang biglang lumuwag ang dibdib ko. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko ngayon.
Nang mapagtanto ko kung bakit napatunganga na lang ako.
"Kuya!" hindi ko na napigilan "Japan?"
"Welcome to Japan," nakangiting bati ni ate Carl.
"Ha? Akala ko Batanes?"
"Ayaw mo dito?" si kuya.
"Gusto ko dito pero bakit --"
"You weren't paying attention to details kanina sa airport kaya hindi mo napansin na wala tayo sa domestic flight. Ang dali mo lang palang maloko, paano na lang kung hindi kami ang kasama mo. Ine-expect ko pa naman na sa airport pa lang mapapansin mo na," anito.
Oo nga, lutang ako kanina. Hindi ko ito inaasahan. Kaya naman, parang mahika, pinangako ko hindi ko hahayaang masayang ito at bibigyan ng pagkakataon ang puso ko na magsalita para sa utak ko. Baka pag-alis ko dito nakapag-isip-isip na ako.
May na ngayon kaya ito na 'yong huling buwan ng cherry blossoms. Pangalawang araw pa lang namin niyaya ko na sila kuya sa maglibot para sa prenup shoot nila.
"Kuya, ate, puro candid muna ha kaya normal lang, chill chill lang kayo."
Napabuntong hininga na lang ako. Unang pagkakataon kong kumuha ng ganito at muntik kong hindi kinaya, inisip ko na lang na nasa trabaho lang ako at naging maayos naman lahat.
Sa huling araw namin, sa wakas dinayo na namin ang mga sikat na Cherry trees sa Okinawa, hindi mabubura-bura ang ngiti ko habang naglalakad ako sa mga lilim ng mga 'yon. Napakaganda. Ang sarap iuwi sa Pilipinas.
Dito ko kinuhanan ang prenup video nila, inabot kami ng hanggang hapon. Kahit hanggang bukas dito lang kami, ayos na sa'kin, may kakaiba talaga sa ningning ng ng mga Cherry blossoms, parang sinasabi nitong, laging may pag-asa. Laging may magandang bukas.
Gustuhin man naming hindi umalis sa lugar pero kailangan dahil maggagabi na at baka maligaw pa kami. Nagpaalam muna ako sa kanila sandali para bumili ng inumin. Pagbalik ko may kausap si kuya sa cellphone.
"Oo pauwi na kami bukas. Salamat Paul ha, sa kabila nang nangyari sa inyo ni Jill, itinuloy mo pa rin 'to," nariinig ko bago niya ibinaba iyon. Nagtataka akong lumapit sa kanila. Bakit siya nagpapasalamat kay Paul?
"Kuya? May narinig ako," bakas sa mga mukha nila ang gulat.
"Tara na Jill, it's getting late," anyaya ni Ate Carl na halatang umiiwas sa tanong ko.
"Kuya!"
"Jill, 'wag na," tanggi niya
"Anong 'wag na kuya?"
Nagakatinginan sila ni Ate Carl at parang nag-usap sila sa pamamagitan ng mga mata nila.
"Okay, maghanap muna tayo ng café, do'n na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni ate Carl. Ano bang dapat naming pag-usapan? Tinatanong ko lang naman kung bakit kausap ni kuya si Paul.
"Okay Jill, sasabihin ko 'to hindi para guluhin ko pa ang desisyon mo, hindi ko nga maintindihan kung anong pumasok sa isip mo at pinakawalan mo pa si Paul," halatang matagal nang kinikimkim iyon ni kuya.
"Jonas," pigil sa kanya ni ate Carl.
Ito na naman ako, hindi ko na naman mapigilan ang kaba ko. Kadugtong na ba talaga ng buhay ko si Paul at kahit bitawan ko siya kailangan ko pa ring pagdaanan ang mga ganitong usapan?
"Wala kaming balak na gawin ang prenup shoot dito dahil unang-una wala namang significance 'tong lugar na 'to sa'min, pangalawa masyadong mahal ang pagpunta dito," dagdag niya. "Si Paul ang nakiusap sa'min na dito na lang ito gawin, siya ang tumulong sa'min. Halos kalahati ng gastos at plano siya ang nag-provide. Alam niya kung gaano mo kagustong mapasa'yo ang project na nawala sa'yo, kaya ginawa niya lahat matupad lang ang pangarap mong 'to."
Nagsimula na namang maging mahina ang loob ko at ang mga mata ko sa mga nalaman ko. Nasasaktan ako at nagagalit sa sarili ko, tama ba talaga 'yong ginawa kong pag-iwan sa kanya sa ere? Halos hindi ko na matingnan nang diretso sina kuy dahil doon.
"Matagal na 'tong naplano, bago pa man siya mag-propose sa'yo handa na lahat. Tumaya at sumugal si Paul, ginawa niya lahat para sa'yo kahit na hindi pa siya sigurado kung may kapalit lahat ng ginagawa niya. Hindi ako tumanggi dahil alam kong gusto ka lang niyang maging masaya, pakiramdam niya kasi no'ng iniwan ka niya..." parang nag-alangan siya doon. "...he felt the need to make it up to you."
Wala na akong nasabi. Hindi na rin ako makaiyak. Ayokong malaman na nasasaktan si Paul. Pero ano pa bang kahihinatnan ng ginawa ko kundi ang masaktan siya. Masyado ko kasing inisip ang sarili ko na nakalimutan ko nang may taong handang samahan ako sa mga gusto kong gawin at sa mga pangarap na gusto kong abutin.
"Sinasabi ko 'to dahil lalaki din ako at naiintindihan ko kung anong nararamdaman ni Paul ngayon, oo sinaktan ka niya dati pero tapos na lahat 'yon," punto ni kuya.
"Kuya hindi ako bumitiw dahil nasaktan niya ko noon, kundi dahil natakot ako. Na-pressure ako, hindi pa ako handang iwanan ang buhay na meron ako ngayon, alam mo naman yun 'di ba?"
"You should've not told him you love him if you love what you have now more than him, Jill."
Parang mga sibat na nagpaunahan sa pagbaon sa puso ko ang mga salita ni kuya. Masakit man pero totoo lahat.
Hindi muna ako sumabay sa kanila pauwi sa tinuyuluyan namin. Naglalakadlakad muna ako sa lilim ng mga Cherry tree. Sinubukan kong mag-isip pero wala akong ibang maisip kundi si Paul at ang katotohanang sinaktan ko siya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa'kin nagawa ko pa siyang iwan sa ere. Sa ngayon tanging ang mga luha ko lang ang karamay ko sa maling nagawa ko.
I know how it feels to be left alone on a sea of questions, of what ifs and of what could have beens. I know how it feels to be that person who cried out for love. I know how hard it is to left hanging on an ending you deny to have. I learned how to heal, how to get back on track, to forgive, to love again but is hurting a person be the cost of all this?
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...