Paul
Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa sa sala pagkatapos kong maihagis ang susi ng sasakyan ko sa isa pang upuan sa kanan ko. Mariin kong hinilot ang noo ko at huminga nang malalim.
Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko pero alam kong galit sa sarili ang pinakadominanteng emosyon ngayon sa sistema ko. Kabisado ko na ang emosyong 'to.
Hindi mapakali ang isip ko kaya sa makailang pagkakataon, tinawagan ko si Lance. Si Lance ang masasabi kong pinakamalapit na tao sa buhay ko bukod kay Jill. Kahit na nandiyan si Jill, madalas kailangan ko rin ng makakausap na katulad ni Lance. Kahit noon pa. Totoong kaibigan si Lance, high school pa lang kami, napatunayan ko na 'yan. Gano'n din naman ako sa kanya. Itinuturing ko siyang kapatid bilang malayo naman sa'kin si kuya kaya wala rin akong ibang makausap sa mga usaping hindi ko masabi sa iba.
Sa pang-apat na ring, sumagot siya, "Tol, bakit?"
"Nasan ka ngayon?" tanong ko.
"Nagda-drive ako ngayon, bakit?"
"Pauwi ka na?" tunog nobya na ako nito.
"Hindi pa, dadaanan ko pa si Aly, importente ba 'yan?" hindi pa man din ako nakakapagsabi ng pakay ko alam na niya agad na may gusto akong sabihin o malaman.
"Wala, magdrive ka muna."
"Ulol, wag ka ngang pakipotdiyan, ano nga? You seem bothered, bro."
"Staying on the line while driving, am I your girlfriend?"
"Tangina, hindi kita type, pre," ganti niya.
Hindi ako nakapagsalita dahil hindo ko alam kung paano sisimulan pero walang anu-ano'y nasabi ko naman, "Si Jill ba at Dex, wala ba talagang, alam mo na."
"Yan pa rin ba? Wala, Paul," narinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya.
"Magkita nga tayo bukas, magpaalam ka na sa girlfriend mo mamaya, wala kang kwentang kausap sa telepono!"
"Anytime loverboy," asar niya.
"Bye," agad ko iyong pinutol.
Hindi pa rin ako mapakali. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa panonood pero wala akong ibang ginawa kundi nagpalipat-lipat lang ng channel saka nang hindi makuntento, pinatay ko ito.
"Ano ba 'to?" tumayo ako at kumuha ng beer. Habang tumatagal nawawala na 'yong allergy ko sa alak o sa beer. Natutunan ko na kung pa'no kontrolin.
Bumalik ako sa sala at doon ihinagis muli ang sarili. Pataas at pababa kong ini-scroll ang mga contacts ko pero wala akong ibang matawagan.
Tumigil ako sa number ni Dan. "'Wag, wag si Dan."
Si Cass. "Lalong 'wag si Cass."
Gabby? "Ayokong magkaroon pa ng utang na loob sa lalaking 'yon. I don't trust him yet," parang tanga ko nang kinakausap ang sarili ko.
Nang wala na akong maisip, nahiga na lang ako sa sopa, nakatingin sa kisame, boluntaryong kumunot ang noo ko nang maalala ko kung anong sumira ng gabi ko. Mga kalahating oras lang akong nakatingin sa kisame.
May narinig akong katok, hinintay kong kumatok ulit saka ko pinagbuksan.
"May date kami ni Aly bukas, kaya hindi ako puwede bukas," hindi ko pa man din natatanong kung bakit siya nandito, nasagot na niya. Tumalikod na ako agad sa kanya at bumalik sa sala. Sa kusina siya dumiretso para kumuha ng tubig. Madalas na siyang pumupunta dito simula no'ng nakalipat ako.
"Napapadalas ka sa bahay ko 'no?"
"Alam ko namang marami kang hahabuling impormasyon simula nung umalis ka kaya nagboboluntaryo na ko, paps!" rason niya.
"Ano nga?" naiinip kong tanong. Umupo siya sa upuan sa kaliwa.
"Yang si Dex at Jill masyado lang silang close pero wala, paps, wala talagang namamagitan sa kanila. Baka nakakalimutan mong may girlfriend si Dex," paliwanag niya. A matter of fact.
"At isa pa, kasalanan mo din naman e, you drew them closer," pahabol niya.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakapalumbaba at nakapatong ang siko ko sa tuhod ko.
"Ano bang nangyari?" tanong niya nang hindi ako sumagot.
"Wala, napansin ko lang. Umalis ka na nga hindi ka nakakatulong e."
"Aalis na ko, nasa labas si Aly e," mabilis niyang desisyon.
"Ba't di mo pinapasok dito, wala ka ring puso minsan, e."
"Ayoko, she's too beautiful and you're just a man," katwiran niya.
"Ulol, hindi ako tulad mo! Go back to her."
"Alis na ko. Bye, paps," tinapik niya ko sa balikat at saka nagmamadaling lumabas, nang makarating siya sa pinto lumingon siya.
"Loverboy, sure ka, wala ka ng itatanong?"
"Anong waistline ng girlfriend mo?" nang-aasar kong tanong.
"Gago! Matulog ka na lang!" bulyaw niya.
"Easy paps," pahabol ko.
"Kausapin mo si Jill kung may gusto ka pang malaman," bigla niyang sambit at seryoso iyon.
"Not now," sagot ko bago pa siya tuluyang makaalis.
Hanggang sa kuwarto, kisame pa rin ang pinagdidiskitahan ng mga mata ko. Kapag pumipikit ako si Jill at si Dex ang nakikita ko, magkayap at punung-puno ng pagpapahalaga ang mga mata nila. Hindi ko maalis ang nakita ko kanina. Hindi ko na siya nagawang lapitan ng niyakap siya ni Dex. Gano'n kami dati Jill, pero dati na lang siguro 'yon dahil kung ano man 'yong mga nasasabi niya kay Dex o nararamdaman niya kay Dex ay hindi na niya magawa sa'kin. Kahit masakit sa mata tiniis kong huwag umalis hangga't hindi nakakaalis si Dex. Wala namang kahinahinala silang ginawa maliban sa yakap pero 'yong pag-aalagang ginagawa nila sa isa't-isa, nakakapanghinala.
"Kausapin mo si Jill kung may gusto ka pang malaman."
Umuulit ulit sa akin ang mga huling sinabi ni Lance. May mali sa sinabi niya, alam kong nagsasabi siya ng totoo pero parang meron pa akong dapat malaman.
Hindi ko na natiis, tinawagan ko si Jill pero hindi niya sinasagot kaya hindi ko na inulit.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...