Tila mantrang paulit-ulit sa utak ko ang tanong kung anong nangyari.
Bakit naman kailanga mo pang gawin iyon, Paul?
Bago pa ako mawala sa pokus ay sinubsob ko nalang ang sarili ko sa ginagawa ko. Kaso masyado yata akong nataranta kaya naisara ang ginagawa ko, hindi sigurado kung na-i-save ko iyon.
Minumura ko na si Paul sa utak ko dahil ganoon na lang ang epkto niya sa akin. Sinubukan kong hanapin ang file pero may iba pa akong file na nabuksan.
Natagpuan ko ang isang akda na mukhang diary kung mayroon lang mga petsa. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagbabasa pero parang hinihila ako nito at hindi ako makahindi sa pagbabasa.
Things I couldn't say
I met a cute a girl at school today, she seemed determined to win the debate but I think she's just one of those girls who looked at me that long at first sight. Kanina kasi ang tagal niya pang nakatitig sa'kin bago nakipagkamay. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero parang gano'n kasi e. Look, I do not do such thing, writing what I feel or what I can't say in front of people, that girl named Jillian made me really curious. Ewan ko. Hindi ko alam.
She won the debate, siya pa lang yo'ng unang babae na nakatalo sa'kin sa debate. But I must admit, she's witty, she's not like any other girl out there, I was wrong. She made me more curious, I think.
Binilisan ko ang pagbabasa at hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako.
"I'm such a stupid person, nagsusulat ako ng diary, ang bading nito! Si Cristine, 'yong crush ko na balak ko ng ligawan pero mukhang walang pag-asa, I really like her. Pero everytime na nakikita ko si Jillian, here comes this weird feeling na gusto ko siyang makausap at makasama palagi.
'Yong iba hindi ko na binabasa. Habang parami kasi nang parami ang nababasa ko hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko, ang alam ko lang natutuwa ako na ngayon ko 'to nabasa lahat, ngayong kaya ko na, ngayong hindi na masakit o nakakapanghinayang, saktong sakto pero hindi ko maiwasang mag-isip. Bakit? Bakit ko 'to binabasa? Bakit ko 'to nabuksan?
Jill went out of Quill. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinabi sa'kin. Hanggang sa nakita ko na lang sila na magkasama ni Dexter, teammate ko siya dati sa basketball team. Ilang beses ko pa silang nakita this week. Jill can be comfortable with other guys din pala. She looks happy. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko.
Sabi ni Jill manonood siya ng battle of the bands, nagpunta ako. Iniwan ko na si Tin sa ospital kasi puro kamag-anak niya na 'yong nando'n, nailang naman ako kaya bumalik ako sa school. Nakita ko si Jill, magkausap sila ni Dexter. Again here comes the weird feeling. So I decided not to let her see me.
"So, he was there," bulong ko sa sarili ko. Naalala ko ito 'yong mga panahong bata pa ako at hindi ko pa alam kung ano 'yong mga nararamdaman ko. Pero kung pag-iisipan nang mabuti, ang layo ng narating ng pagkagusto at pagkakahulog ko kay Paul kaya hindi ko masabing dala lang ng pagkainosente at pagiging bata ang lahat.
Hindi ko maexplain 'yong naramdaman ko no'ng nakita kong umiyak si Jill. Siguro ito 'yong dahilan kung bakit ko piniling maging bestfriend niya kaysa alamin kung ano 'tong nararamdaman ko, kailangan niya ng karamay kapag down siya, she needs someone like me. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na 'wag na siyang umiyak pero hindi ko nagawa.
Ang gago ko lang, pinagpapatuloy ko ang panliligaw kay Tin pero hindi ako sigurado kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nandiyan si Jill.

BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...