Ikalabing-isa [4]

124 5 1
                                    

"Dinner date ha?" pang ilang beses niya na 'tong ikinukulit sa'kin.

"Dinner date? Ang korni mo naman Paul, candlelit, fab resto, formal-formalan, those are not my thing!" reklamo ko at narinig ko siyang huminga nang malalim sa kabilang linya. Maikli lang ang pasensiya nitong taong 'to kaya hayaan ko na nga lang.

"Try lang naman e. Please."

"Sige na. Kung 'di lang kita..."

"Kung di lang ano?"

"Wala. Sige na matutulog na 'ko. Pagod na 'ko."

"Okay love, sumipot ka, ha," anito at hindi nakatakas sa kanya ang itinawag nito sa kanya.

"Love?" hindi ko alam kung naiirita ako dahil korni o dahil hindi lang ako sanay at naiilang ako.

"I love it when I annoy you," pag-amin niya.

"Whatever Paul. Good night, baby," akala niya ba siya rin ang puwedeng mang-inis.

"Baby? Stop calling me baby," angal niya.

"I love it more when I annoy you," ganti ko.

"Good night fiancee."

--

Alas otso nasa resto na ako at wala pa siya pagdating ko. Si Paul ang pumili kung saan ang sabi niya lang pumunta na lang ako. No'ng nakaupo na ako, bigla kong napagtanto na dito mismo sa lugar na 'to at sa parteng 'to ng restaurant kami muling nagkita ni Paul. Napailing na lang ako. May pagka-sentimental din talaga siya minsan. Ang dami nang nangyari simula noon. Napangiti na lang din ako nang maalalang hindi lang pala singsing ang binigay niya sa'kin kundi pati 'yong farm ni Papa.

Pagkatapos ng proposal, madalang na lang kaming magkita dahil pareho kaming abala. Minsan magte-text na lang ako sa kanya kapag nakauwi na ako. Siya naman dumadaan na lang sa bahay pagkagaling ng trabaho, magte-text ng "I am here" kahit nasa loob lag siya ng sasakyan saka aalis din kapag alam niyang tulog na ako pero kung hindi sasaglit lang siya sa loob at titiyakin kung maayos ba ako.

Maliban sa mga rosas, si Paul na rin ang naging regular kong bisita, yo'n nga lang mas mahaba ang oras ng mga rosas sa bahay kaysa kay Paul. Mahaba na 'yong isang oras 'pag dumadaan siya sa bahay. Hindi naman ako nagrereklamo kasi pareho lang naman kaming abala. Nagpapasalamat pa nga ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkita kami. Kung bibilangin, isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Ano na kayang hitsura niya ngayon?

Lumipas ang isa, dalawa, dalawa't kalahating oras, wala pa rin siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot. Nagsisimula nang umakyat sa ulo ko ang ini dahil pagod din ako. Baka naman nakalimutan na niya pero pa'no niya makakalimutan e siya nga 'tong ang kulit kulit sa pagpapaalala.

"Ma'am hindi pa po ba kayo o-order? Kasi in 30 minutes magsasarado na po kam,"sabi ng crew.

"No, may hinihintay pa 'ko. Aalis na lang ako kapag hindi siya dumating," sagot ko dahil wala rin naman akong ganang kumain.

Kaunti na lang din ang nasa resto. Yung iba nga patapos na samantalang ako mukha na akong tanga dito. Kaya ayoko sa mga ganitong klaseng date e, lahat kasi kalkulado, hindi ako gano'n. Mas gusto ko 'yong hindi masyadong pinaplanong lakad, 'yong simple lang pero masaya at kakaiba.

Bago pa ako maubusan ng pasensiya, sa wakas tumunog na ang cellphone ko na kanina ko pa tinititigan.

"I'm sorry Jill, malapit na ko. Hang on there."

Hindi na ako sumagot at ibinaba ko na lang kaagad. Hindi na maitago ang inis.Napaka-iresponsable naman niya. Sana kanina niya pa ako sinabihan na male-late siya para kumain na lang ako mag-isa.

Wala pang ilang minuto dumating na siya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang papalapit sa'kin, as usual man-in-suit. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at kulang na lang maging isang malaking "sorry" na ang mga mata niya. Nakikita ko pa lang siya parang natutunaw na 'yong inis ko. Bakit ganito? Ganito ba talaga kapag mahal mo na kahit pinaghintay ka niya nang halos tatlong oras, 'pag nakita mo na siya parang kaya mo pang maghintay ng tatlo pang oras.

"I'm sorry," yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Parang tumalon ang puso ko at gusto kong sabihin na okay lang, tatlong oras lang naman 'yon pero hindi ako nakapagsalita nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya. Bakit kahit anong mangyari napakagandang lalaki niya pa rin?

"Sorry, nagkaroon lang ng urgent inspection sa isang site. Hindi na ako nakatawag. I'm sorry, Jil,"paliwanag niya.

"Okay lang," ito na lang ang nasabi ko at nagulat pa ako sa sarili ko dahil totoong ayos lang sa akin.

"You won't nag at me?" gulat niya ring tanong.

"I've cursed you enough no'ng wala ka pa. 'Tsaka nandito ka naman na e, pareho na tayong pagod wala na 'kong energy para murahin ka. Wala ka na rin namang energy para tanggapin lahat 'yon. Thank your charm, if not because of it you should be a cold body now."

Ngumiti siya roon at parang bulang nawala lahat ng pagkairita at inis ko kanina.

"I love you," aniya na para bang iyon ang pinakanormal at pinakaangkop na salita sa sitwasyon."Order na tayo?"

"Huwag na, magsasarado na sila. Umalis na lang tayo dito. Mag-iwan ka na lang ng tip sa pagtambay ko rito."

Mukhang hindi niya yata na-absorb ang mga sinabi ko. "Just do as I say."

"Galit ka?" tanong niya.

"Nagugutom na 'ko," dahil iyon naman ang totoo.

Nagpunta kami sa resto namin ni Dex dahil 'yon na lang ang alam kong bukas ngayon. Hindi ko inaasahan, malamang pati si Paul, na maayos pa ring matatapos ang palyadong gabi namin.

"Know what I think I'm the luckiest man alive," bigla niyang sabi habang pauwi na kami.

"Why?" alam ko namang may kasunod pang linya 'yon, hindi ko lang alam kung ano.

"Why? Hindi mo alam?" balik niya sa tanong ko.

"Ano 'to charade? Guessing game?"

"Kung ibang babae ang kasama ko ngayon malamang kanina pa siya nagpahatid pauwi pagkatapos niya akong pagsalitaan ng kung anu-ano."

"That's what you think, Paul. Hindi pa 'ko tapos," nginisian ko siya.

"Really? Kilala kita, Jill. You can be that different fiancée, I'm not even taking that away from you."

"I'm not nagging just do be different," paglilinaw ko.

"I know, that's who you are. I'm sorry and thank you," sinsero niyang pahayag bago sumulyap sandali sa akin.

"You're welcome, just don't make me wait that long next time and please no more fancy restaurant next time."

"We didn't."

"We almost did, Mr. Enriquez."

"Okay, no fancy restaurant, no more long wait, promise Mrs. Enriquez," siya naman ang ngumisi. Napatawa ako roon.

Mayamaya pa tinanong niya, "Kailan ba kasi tayo magpapakasal?"

"Nag-usap na tayo 'di ba?"

"Baka lang naman nagbago na isip mo."

"We'll get there," at tulad ng inaasahan sumang-ayon siya roon saka ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Minsan gusto ko na lang siyang yakapin bigla at i-assure na pakakasalan ko rin naman siya, hindi pa lang kasi ako handa ngayon. Alam kong naiintindihan niya pero alam ko ring nalulungkot siya. At sa tuwing nababanggit niya ang tungkol dito natatakot akong baka nasasaktan ko na siya.

Alam ko puwede na akong magpakasal pero marami pa talaga akong plano at hindi ko pa nakikita ang sarili ko na maikasal.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon