Ikaapat [2]

168 7 1
                                    

"Hi," sabi niya. Si Paul pala. Nahagip ko rin siyang tumingin mula sa direksiyon ni Dex papunta sa'kin.

Nakaitim na amerikana na may puting polo, walang kurbata, pati sapatos niya itim din. Napaka-pormal naman niya.

Nang matauhan, tinanggal ko ang pagkakahawak kay Dex at tumindig nang maayos.

"Paul. Ikaw pala," bati ni Dex.

"May pag-uusapan ba kayo?" tanong ni Dex.

"Nothing much," sagot naman ni Paul.

"Sige tol, mauna na 'ko. Jill," paalam niya, tumango si Paul. Bahagya ko namang iniangat ang mukha ko para salubungin ang pagbeso niya, sa halip na pisngi sa pisngi, hinalikan niya pa ako sa banda ng sentido ko. 

"Goodluck, salamat," sabi ko at mabilis siyang nakalabas sa pintuan na bukas pala kanina pa.

"News?" nakakapagtaka namang bungad ni Paul.

"News?" balik ko sa tanong niya saka may bumbilya na nagliwanag sa harapan ko, "Ow, that's not what you think," agad kong depensa.

"Nagbreakfast ka na?" tanong niya at hindi na binalikan pa ang nauna niyang tinanong.

"About to, ikaw?"

"Tapos na, I was calling but you're not picking up."

"Nasa taas 'yong phone ko."

"That's why I decided to drop by to tell you that I can't go at the resto today."

"You should've texted me."

"You know that I'm not into texting."

"Ah. Bakit hindi ka makakapunta?"

"May interview ako. Job interview."

"Saan?"

"I can't tell, basta sa isang firm."

Tumangu-tango na lang ako pagkatapos.

"You look good by the way."

"Thanks. I need to go. Babawi ako."

"Yeah, sure, it's okay. Good luck," ngumiti ako pero seryoso lang siya.

"Ah... mm... Dex came by to drop some food for breakfast," ewan ko kung anong nagtulak sa'kin para sabihin 'yon sa kanya pero hindi na bale.

"I'm not asking about it."

"You did," tinitigan niya lang ako. "Kinakabahan ka?"

"A bit," sagot niya habang hawak niya ang seradura ng pinto.

"You'll get that job, wag kang mag-alala."

"Thanks," tumango ako at lumabas na siya. Awtomatiko naman akong napaupo sa sofa sa sala, inilagay ko ang mga palad sa mukha ko at huminga nang malalim.

Two gorgeous men just came in that door in split minutes interval while me in my pajamas stood ashamed. What a morning! What a Monday morning.

Umakyat ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko at doon ko nakita ang limang missed calls na nakapangalan kay Paul, walang texts.

Bumaba ako, kumain, tatlong tupperware 'yong dinala ni Dex, 'yong isa may lamang sopas, 'yong isa naman sinangag na kanin, sunny-side-up at longanissa 'yong laman ng isa pa. Laking pasasalamat ko na lang at nandiyan si Dex.

Pagkatapos naghanda na ako para sa meeting sa opisina dahil mag-ri-rigodon daw ng beat.

Nagsuot ako ng simple lang - faded maong na pantalon, crimson na long sleeves polo at itim na flat shoes, walang make-up, lipgloss lang, walang hikaw o kwintas, relo lang, nakalugay ang buhok, okay na 'ko. Kahit traffic, kotse na lang ang gagamitin ko dahil ayoko namang mag-amoy araw pagdating ko sa opisina.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon