Ikaanim [6]

127 4 0
                                    

"Dex, just go get some rest and let's talk about it tomorrow." Inalalayan ko siya paakyat sa kuwarto niya nang biglang lumapit si Paul sa amin at inako ang pag-alalay kay Dex.

"Ako na," sabi niya. Binitawan ko si Dex at sumunod na lang sa kanila, itinuro kay Paul ang kuwarto ni Dex. Kusang humiga si Dex sa kama nang makarating kami roon. Mabilis akong kumilos para kumuha ng basang face towel, kumuha rin ako ng malinis na t-shirt sa damitan niya. Inabot ko kay Paul. Tiningnan niya lang ako.

"Ikaw na magpalit sa kanya, kukuha ako ng malamig na tubig sa baba."

"Okay," sang-ayon niya.

Pagkakuha ko ng tubig, nabihisan na ni Paul si Dex. Nilapitan ko si Dex at buong lakas na inangat ang itaas na bahagi ng katawan niya para makainom ng tubig. Tagumpay naman. Pagtalikod ko narinig kong nagsalita si Dex.

"Jill," inulit niya, "Jill." Muli ko siyang nilapitan.

"I'm sorry. I'm so sorry," wika ni Dex habang yakap ako. Tinapik ko ang likuran niya, hindi na nagtanong pa.

"Let's talk first thing in the morning tomorrow, Dex."

--

"Jill," si Paul.

"Hmm?"

Pagkaalis namin sa bahay ni Dex, matapos naming masigurado na tulog na siya saka ko naramdaman ang pagod. Tumitingin tingin ako kay Paul, tahimik lang siya at mukhang mas pagod pa sa'kin.

"Lagi ba 'tong nangyayari?" nagtataka ako sa kung anong tinutukoy niya pero naisip kong wala naman siyang ibang tinutukoy kundi 'yong nangyari kay Dex.

"Hindi, minsan lang. Bakit?"

"Are you...No never mind," halata sa tono ng boses niya ang pagtataka at kagustuhang maghanap ng sagot sa hindi ko malamang tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pagakairita, meron din namang pagkabahala, pero lumulutang 'yong pagod. 'Yong parteng 'yon ang kumurot sa 'kin. Kung hindi ko siya kasama sa Baguio, may napala kaya ako?

HIndi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagod na rin ako at gusto ko nang magpahinga. Hindi na siya bumaba ng sasakyan kaya nagpasalamat na lang ako bago lumabas. Ngumiti lang siya at may kung anong elemento sa loob loob ko na gustong yakapin siya. Bago pa ako pangunahan ng elementong 'yon, bumaba na ako.

Hindi ako mapakali ngayon, gumugulong gulong ako sa kama ko, hindi makatulog. Iilang beses kong hinahawakan ang cellphone ko at saka agad bibitawan. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to ngayon?

Walang ano ano pa, tinatawagan ko na si Paul. Sa pangatlong ring sinagot niya.

"Jill," simula pa noon ganito niya ako batiin sa tawag. Mukhang matamlay 'yong boses niya, pagod siguro sa byahe.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong, hindi ko rin malaman kung bakit para akong tangang nag-aalala sa kanya.

"Yes, no. I'm just tired," pag-amin niya.

"Naistorbo ba kita? Gusto ko lang sanang makasiguro kung nakauwi ka ba nang maayos," nasabi ko na lang.

"Okay lang ako, pagod lang. Don't worry too much, someone else needs your attention more now than on me. Matulog ka na."

Anong sinasabi niya?

"Ha? Okay, bye. Good night, Paul."

"You too, Jill."

Parang hindi naman nawala 'yong pagkaligalig ng isip ko, lumala pa nga. 

"Hay nako! Ayoko nito!" binagsak ko ang sarili ko sa kama, nagtakip ng unan at pinilit na matulog.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon