Ikaanim [1]

167 6 2
                                    

Tumigil kami sa isang restaurant sa Pangasinan para maghapunan.

"Kakain pa tayo?" tanong ko.

Bago ko pa makumpleto 'yong tanong ko nakababa na siya kaya agad agad na rin akong bumaba, pero naunahan niya pa rin ako sa pagbukas ng pinto.

"As always," komento ko sa mabilis niyang pagbukas ng pinto.

Hindi ko napansing dala-dala ko pala ang bag ko na ang tanging laman ay ang pang-araw-araw kong kailangan sa trabaho at ang camera ko. Dahil mukhang nagmamadali si Paul hindi na ako bumalik pa ng sasakyan.

Wala na masyadong tao sa restaurant pagpasok namin. 

"Sir, sa counter na lang po, wala po kasi kaming waiter ngayon," sabi ng guwardiya habang papasok kami. Mukhang dalawa hanggang tatlo lang ang waiter na sinasabi ng guwardiya, maliit lang 'yong resto kaya hanggang anim na tao lang ang kailangan para magsilbi sa mga customer. 

 Si Paul na ang nakipag-usap sa crew na babae na halatang halatang nawawala sa konsentrasyon. Hanggang ngayon ba naman iba pa rin ang epekto niya sa mga babae. Nakakatuwang pagmasdan iyong babae, nakikita ko sa kanya ang sarili ko no'ng una kong makilala si Paul. 

Kinuha ko ang camera ko at pinitikan sila, nakangiti iyong ate habang nakikipag-usap kay Paul, si Paul naman patuloy lang sa pagsabi ng order niya, walang kaalam alam kung gaano niya naapektuhan ang kaharap.

"Do you want something else," baling niya sa'kin habang abala ako sa pagsuksok ng camera sa bag ko. Umiling lang ako.

"Okay na sa'yo 'yon?" Akala niya siguro nakikinig ako sa mga sinasabi niya kanina.

"Yung alin?" hindi ko napigilang ngumiti, 'yong ngiting papunta na sa tawa.

"Bakit?" napansin niya na.

"Wala," sumulyap ako sa ateng kumuha ng order niya.

"Malicious as always," pakawala niya. Maya maya pa ay bumalik iyong ate sa harapan niya at agad agad niyang hinablot ang kaliwang kamay ko saka mabilis akong inakbayan. Alam ko na kung anong iniisip nito.

"So okay na sa'yo yung sisig, inihaw na pusit, sinigang at ripe mangoes for dessert?" tanong niya na parang may masamang intensiyon. 

"Okay na 'yon," sagot ko sa kanya, may kung anong bumbilya ang umilaw sa taas ng ulo ko at bumaling ako sa kausap niya, ngumiti at napansin ko namang nawala sa mood iyon, saka tumingin sa kamay ni Paul na nakaakbay sa akin, "pero okay lang ba miss kung pakigawang shake na lang yung mangga? Paborito niya kasi 'yon e and please ikaw na lang sana ang magdala no'n sa table namin," itinuro ko ang mesa na pinakmalapit sa counter.

"Okay lang?" tanong ko, "para sa kanya," ngimisi ako.

Ikinaliwanag iyon ng awra ng ate, hindi ko alam kung anong binabalak ko pero gusto ko lang pigilan ang binabalak ni Paul.

"Sure ma'am," buong galak niyang sagot. Saka ko na siniko si Paul. 

"Anong ginagawa mo? Kailan ko pa naging paborito 'yon?" nagtataka niyang tanong.

"That's what you get," sabi ko.

I wasn't flirting," pagtanggi niya.

"That didn't come out from my mouth, Paul. You're just a heart breaker."

"Ako?"

"Type ka no'ng ate tapos aakbayan mo ko? Tsk, tsk, tsk, I know what you're thinking."

"What am I thinking?" hamon niya.

"Let me tell you something you do not know baby boy," halatang nairita siya sa 'baby boy,' pinusisyon niya ang mga siko kiya sa mesa at nasa dulo na siya ng upuan niya. Nakasandal lang ako sa upuan ko.

"Girls do love this simple encounter with guys, encounters that seem perfect but will never last long and will never happen again with the same scenario and with the same person," paliwanag ko.

"What exactly are you telling me?"

"It may be absurd for you, men and for us, yes it is too, but it can make us happy, kahit sandali lang. Kikiligin kami, the next thing we'll know wala na 'yong taong kinakikiligan namin."

"Ang weird niyo."

"Hindi kami weird, madali lang kasi kaming sumaya pero alam namin na ang saya, panandalian lang. After some encounters like what you had with Anna kanina, she'll move on and at the end of the day at least kinilig siya but you wouldn't actually be part of her life, just her day."

"Anna?"

"'Yung babae. Anna's her name."

"How did you know?"

"Every crew member has this name tag pinned in their shirt, Paul. In case you don't know."

Napatawa siya sa sarili niya at sumandal sa upuan niya.

Dumating si Anna na dala-dala ang mga inorder namin. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga iyon sa mesa.

"Thanks Anna," sabi ko bago siya tumalikod.

Nakangiti pa rin si Paul, siya naman ang mukhang  weird ngayon.

"What?" mahina kong bulyaw.

"You don't need to teach me how to flirt, Jill."

"Seryoso? It wasn't even a pivotal lesson to learn," hindi ako nagpatalo.

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon