Ika siyam [1]

149 5 0
                                    

"Ma'am remind ko lang po kayo tomorrow po yung photo shoot natin for Sports Blast," paalala ni Pia, bagong editorial assistant. "Ma'am, sa labas na po pala tayo magpho-photo shoot."

"Buti pinayagan na tayo?" tanong ko.

"Oo nga Ma'am, e, na-realize nilang hindi naman mainit ngayon kaya okay lang na do'n tayo," paliwanag niya. At hindi nakaligtas sa akin yung pagtawag niya sa akin ng Ma'am.

"Okay, sinu-sino mga model?"

"Soccer player po at volleyball player na nag-pursue ng career sa ibang bansa. Si Luis and Cristine po," aniya. Hindi ko na tinanong kung sinong Luis at Cristine dahil makikila ko rin naman bukas.

"Ah, okay, 7 a.m. calltime?"

"Yes po."

"Okay, thanks Pia. Ako lang ba o may iba pa?"

"Ikaw lang po Ma'am."

"Center page ba 'to?"

"Yes Ma'am."

"Oh, okay."

Ilang linggo na lang at pasko na, ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakausap nang maayos si Dex. Kapag kasi pumupunta siya rito ng Lunes, umaalis din agad, maghahatid lang siya ng breakfast. 'Yon namang Mystery Roses tuloy-tuloy pa rin, walang mintis. Hindi pa naman ako nakakatanggap ng death threat kaya hindi pa rin ako tinatablan ng takot.

Dumadami na rin ang customers ng Hometown Restaurant. Kagabi lang galing ako do'n at nagulat nga ako sa nadatnan -- si Marj at Paul nag-uusap sa isang table. Inanyayahan naman ako pagkatapos.

Kagabi lang nalaman ni Marj na sa amin 'yon ni Dex at paminsan-minsan nandoon din si Paul. Simula no'ng gabing sinundo namin si Dex hindi na namin pinag-usapan 'yon o kahit na ano tungkol kay Dex, hindi ko maintindihan pero nag-iiba ang mood niya 'pag nababanggit si Dex. Hinahayaan ko na lang. Iilang beses ko pa lang siyang nakausap simula no'n, sobrang busy kasi. Kung hindi ko pa nga siya madadatnan sa resto hindi ko pa siya makikita.

Muling tumunog ang cellphone ko at nang makita ko kung kaninong pangalan ang nandoon, napahinga ako nang malalim at sinagot ito.

"Why?"

"Why?" ulit niya sa tanong ko.

"Yes, why?"

"Why not hello or hi or Paul?"

"Ba't ka tumawag?"

"When will I stop believing that you can change?" tanong niya pa rin.

"Change what?"

"The way you talk to me, ang sungit mo sa'kin palagi," aniya.

"I didn't ask you to keep believing."

"No one holds my hope except me, Jill," sagot niya at napakukunot na ako ng noo dahil hindi ko alam saan pupunta ang usapan namin.

"What's that suppose to mean?"

Katahimikan. Saka siya nagsalita ulit.

"Can we not fight?" aniya at sumuko na ako. "Okay, what do you want?" tanong ko.

"Can you please be sweet to me?" Napairap na lang ako. "Hindi ko alam na gusto mo pala ng sweet?" ganti ko.

"Am I not sweet?" sabi pa niya at naiilang na ako dahil hindi naman siya ganito.

"Cut that off, Paul. May topak ka na naman ba?"

"Wanna bet?"

"Bet for what?"

"Na sweet ako."

"Seryoso ka ba?" natawa ako nang bahagya. "Sige, magkano?"

"Hindi magkano, ano," parang may pagmamalaki pa sa tono niya.

"O, sige ano?"

"Let's date," natigilan ako doon.

"You want to play around? Not with me, Paul," bitaw ko.

"So what happened with the guts? Duwag ka pa rin? The Jill I know fights for what she believes in," aniya. Napaisip ako doon at parang ayokong magpatalo.

"Okay, game!"

"I won't play around pretty," at ramdam ko ang ngisi niya roon.

"Stop grinning, will you?"

"Stop rolling your eyes first," aniya na ikinamangha ko. Paano?

"Bakit ka ba tumawag?" suko na ako.

"Tatanungin ko lang sana kung may pupuntahan ka bukas," sagot niya.

"Kung tinanong mo na sana agad 'yan kanina, hindi na sana umabot sa pustahan."

"Kung naging maganda lang yung pagbati mo sa'kin, hindi sana tayo umabot sa ganito."

"Busy ako bukas, may photo shoot ako, bakit?"

"Just checking, matulog ka na. Good night. Bye Jill."

"Will you stop smir -- " tinapos na niya ang tawag. Magaling.

--

"Nasan ang mga models?" tanong ko kay Pia nang makarating ako sa site.

"Nasa area na, Ma'am," sagot ni Pia.

"Pia, will you stop calling me Ma'am?"

"Yes Ma'am," hindi pa rin niya sinunod.

"Ilang taon ka na?" tanong ko. Ang sabi niya 20 pa lang siya at kaka-graduate niya lang.

"Call me ate Jillian, we're outside, we're not in a corporate area, tsaka Ma'am makes me old," hindi ko na napigilang sabihim.

"You don't look old Ma'am," ika naman niya. Ang akala niya siguro ay magbabago ang isip ko.

"See, watch your Ma'ams."

Nakarating kami sa area na 'yon lang ang pinag-usapan namin. Lumapit si Pia sa lalaking model na mukhang pamilyar -- napapanood ko na siya sa ilang laban sa La Liga. Lumapit siya sa nakatalikod na babae na lumingon sa kinaroroonan ko at ngumiti pagkatapos. Pamilyar din ito at ang ngiti niya.

"Ma'am Jill," tawag sa'kin ni Pia, lumapit ako. Pero habang naglalakad ako, pinilit kong alalahanin 'yong naging usapan namin ni Pia kagabi. Nabanggit niya ang pangalan ng babaeng modelo, sigurado ako pero hindi ko na maalala at hindi ko rin naman pinansin.

"Hi Jill!" bati ng babaeng modelo. Hindi ako nakasagot agad saka ko napagtanto kung bakit.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon