Ika sampu [1]

234 5 1
                                    

"I don't want us to hurt each other again. Tama na yung mga nangyari dat, Paul. No ifs and whys, let's just stop from here," pakiusap ko sa kanya matapos siyang humingi ng pagkakataon para ikonsidera ko ang gusto niyang mangyari

"Sana alam mo rin na ayoko lang masaktan ulit," dagdag ko na.Hinintay ko siyang magkomento pero wala akong nakuha.

"Tara na, I've heard enough," aniya nang hindi na ako nagsalita ulit.

--

"Cheers!" inangat ng tatlo ang mga baso nila at sabay-sabay na uminom. "We should do this more often, ang tagal na nung huli nating get together," ani Lance na siya namang host ngayon ng dinner.Nakakapagtaka lang na wala si Aly -- abala raw kasi kaya hindi makakahabol. Si Cass naman, kagabi ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot -- tinanong ko si Dex kung na'san siya at parehong dahilan lang din ni Lance ang binigay niya pero susubukan aw niyang humabol. Kaya tuloy bagot na bagot ako ngayon. Parang silang tatlo lang naman ang natutuwa samantalang ako, ito hawak-hawak ang kopita, inaalog-alog ang konting laman.

Ayaw na rin nila akong bigyan para daw 'pag nalasing sila may mag-aasikaso sa kanila. Asa pa sila, uuwi na lang ako kung gano'n 'yong mangyayari. Bumaling ako kay Paul na halos walang bakas ng mga nangyari o sinabi sa'kin no'ng nakaraan. Hindi na dapat ako mag-alala dahil mukhang maayos naman siya.

"Dex nasaan na ba si Cass? Akala ko ba hahabol siya?" tanong ko kay Dex pagkalipas ng isang oras. Pinanood ko lang ang reaksyon niya na biglang napatigil, nahagip naman ng paningin ko si Lance na umiiling sa'kin na parang sinasabi niyang huwag na 'kong magtanong. Ano bang nangyayari? Tumingi ako kay Paul pero wala ring napala.

"Parang may alam kayong hindi ko alam," maya maya ay natanto ko. Lalo pa akong nagduda nang natahimik sila. At doon ako kinabahan.

"What?" iniripan ko sila at tumayo sa kinauupuan ko. Uuwi na lang sana ako nang magsalita si Lance.

"They broke up," bunyag ni Lance na nagpalingon sa'kin sa kanila.

"Broke up?" tumingin ako kay Dex na namumula na ngayon dala na siguro ng nainom niya.

"Cass and I broke up a month ago," malamya, malungkot, at nangingiyak na pag-amin ni Dex. Bumalik ako sa kinauupuan ko.

"A month ago?" tumaas anng boses ko sa tanong na iyon.

"You heard what you heard," sabat naman ni Lance. Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari sa nakalipas na buwan. Hanggang sa makarating ako doon sa gabing lasing siya at sorry siya nang sorry sa'kin.

"Was this the night you were drunk and you're saying sorry to me?" tinanong ko na.

"I think that was it, I can't remember Jill," katulad ng palaging nangyayari -- wala na naman siyang maalala.

"You knew all along?" tanong ko sa dalawa. Tumango si Lance, inilipat ko ang tingin ko kay Paul. "I'm sorry," sagot niya sa'kin.

"Bakit anong nangyari?" usisa ko kay Dex. Hindi ko namapigilan ang gulat pero nag-iingat ako dahil baka hindi pa gustong magsabi ni Dex. Tumayo naman si Lance at tinapik sa balikat si Dex bago tinungo ang sala. Sinundan naman siya ni Paul.

"Dex, what happened?" ulit ko sa tanong ko.

"I don't know either, one day she was asking me to let her go and said she'd have enough. Hindi ko siya maintindihan pero 'yong mga sumunod niyang sinabi ang hindi ko na mas lalolng naintindihan," unti-unti nang nahuhulog ang mga luhang natitiyak kong matagal na niyang pinipigilan.

Nagpatuloy siya, "You know that I always care for you, I'm always willing to be there, to help you or even to protect you," tumango ako kahit hindi ko maintindihan kung bakit ako napasok sa usapan.

"Since the day we committed to each other's friendship, it's been clear to us -- Lance, you, Cass and I -- that we do this or that, like me bringing you breakfast when I'm free, or you nursing me when I'm drunk. It's all normal, we don't have other agenda," paliwanag niya pero malabo pa rin lahat para sa'kin.

"Yeah?" patanong kong sagot.

"Remember when your Dad died, sometimes you break down with tears and I'm always there when it happens. I took Paul's role when he left, you never cried about that but you always cry for your dad," aniya at lalong lumalabo. Hindi ko alam kung bakit napunta sa'kin ang usapan o natatakot lang akong aminin na may kinalaman ako sa hiwalayan nila.

"What's the point now, Dex?" naiinip kong tanong.

"I thought Cass looked at it the same way as the three of us look at it," doon ko napatunayan na tungkol nga ito sa'kin. Ako pala ang may kasalanan?

"I love Cass, so much. She knows that but I also love what we have. I've never been this close to you before when I still have hidden feelings for you. I cared a lot for you, giving Cass the doubts that I can't give her that exact care and concern. I'm sorry that she began to hate us, to hate you. Hindi pa kami nagkakausap," aniya na para bang ito ang mga salitang gusto niyang sabihin kay Cass. Hindi na lang siguro dala ng alak kung bakit siya umiiyak.

"I'm sorry, Jill. I'm sorry that I chose to still be that someone you can always rely on over someone that can make Cass happy," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Bakit kailangan niyang mamili at bakit si Cass ang isinakripisyo niya?

"Bakit Dex? Ba't ako?" tanong ko kahit sinabi na niya ang sagot. Hindi ko lang matanggap na ginawa niya yun kay Cass at bakit kailangan niya akong piliin? "I don't need to be taken care of. Alam mo 'yan! Bakit kailangan mo 'kong piliin?"

"I can't lose you," katwiran niya na hindi ko na matanggap.

"Lose me? Dexter you can never lose me. I can always be here when you're together, it's not like I demand you to be with me 24/7. Nag-iisip ka ba? It was your happiness at stake and you chose to slip it off your hands?"

"I chose not to lose you forever because she was asking me not to talk to you forever," paliwanag niya ikinagulat ko. Bakit naman ipagbabawal iyon ni Cass?

Doon ako napaiyak. Kung ganoon na pala ang mga naging usapan nila, ibig sabihin lang noon malalim ang mga dahilan ni Cass. At hindi ko yata matatanggap na ganoon na niya ako gustong mabura sa buhay ni Dex, sa buhay nila.

Patuoy sa pagpatak ang mga luha ko --unti-unting napagtatanto ang nangyayari. Sa gitna ng pag-iisip ko nakalapit na sa'kin si Dex, pinupunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Mapait at malamig iyon -- simbolo ng pagtatraydor. Sa bili noon ay hindi ko na nagawang pigilan. At sa gulat ko, kinuwelyuhan ko siya at itinulak.

Hinagilap ko ang mga mata niya pagkatapos. Umaaasang sabihin niyang nagkamali lang siya ngunit wala. Nakipagtitigan lang siya at gumanti ako. Gusto kong makita niya sa mga mata ko na galit ako.

Gustong kong humingi siya ng tawad, sabihing nagkamali lang siya pero sing bilis ng halik, mabilis din akong nahablot ng isang kamay mula sa likuran. Hindi pa nakakabawi sa gulat sa halik ay nagtamo naman ako ng mabigat na sampal-- simbolo na naman ng pagtatraydor.

Hinagilap ko ang mga mata niya para humingi naman ngayon ng tawad pero nasindak ako sa pinagsama-samang galit, poot, at selos doon.

--

GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon