"It was a bad timing, I guess," si Cass.
I'm not in the state of defending myself or blaming Dex. I have nothing to apologize for. I'm out of this but I know somehow I'm now part of the feud. All I wanted was to run, go home and forget everything that had happened tonight.
Ang tanging pampalubag-loob lang sa lahat ng nangyari ngayon ay may isang taong naghihintay sa akin sa dulo, handang damayan ako.
"Let's go home," mariing pahayag niya habang ikinukulong ako sa matiwasay na yakap, pilit pinagagaan ang loob ko kahit alam kong pati siya hindi malaman kung iyon ba ang gusto niyang gawin.
Pagkauwi, hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko na pati si Paul ay mukhang naiirita na rin sa ikinikilos ko.
"Enough of the crying Jill, kanina ka pa umiiyak," aniya habang nakatitig sa'kin.
"Wala ka namang dapat iyakan, nadamay ka lang," dagdag niya at hindi ko alam kung nawala na ba lahat ng kakayahan niyang magpagaan ng loob o talagang 'yon talaga ang gusto niyang sabihin?
"But if you've done wrong you should've known it nung una pa lang," napatingala ako sa kanya at nagtataka sa mga binitawan niyang salita.
"What do you mean?" mahina kong tanong. Hinawakan niya ang batok niya na parang nafu-frustrate saka lumapit sa'kin pero sa iba ibinaling ang tinigin.
"Jillian, you don't deserve to be just a mistress, you're better than that." Parang sampung beses na naulit 'yong sampal ni Cass sa'kin kanina dahil sa sinabi niya. Parang biglang kumulog at kumidlat at wala na akong ibang masilungan kundi ang sarili ko lang.
Nagpunas ako ng luha at tumayo para harapin siya, mabilis na gumapang sa sistem ako ang galit.
"What did you just say?" mariin kong tanong.
"You heard what I said Jill," sa pagkakataong ito nakatuon na ang buong atensyon niya sa'kin.
"Get out!" tinuro ko ang pintuan para sabihing umalis na siya ngayon din. Tinitigan niya lang ako at wala nang lumabas na salita mula sa kanya pero hindi ko maintindihan ang tinging ipinukol niya sa akin.
"Jill --" nagtangka pa siyang magsalita ulit o husgahan ulit ako pero hindi ko na siya hinayaan.
"Umalis ka na lang," pag-uulit ko.
--
Habang hinihintay ko si Cass sa bahay niya hindi ko mapigilan ang kirot na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon. Kung may mabibili lang sana na pang-instant amnesia, hindi na sana ako nagkakaganito.
Sa lahat ng puwedeng ibintang sa'kin 'yon pa. Sa lahat ng puwedeng humusga sa'kin ng gano'n si Paul pa. Napailing at napapangiti na lang ako nang mapait tuwing naaalala ko 'yon.
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang dumating si Cass.
"Cass, can we talk?" bungad ko. Tahimik lang siya na parang hindi niya ako naririnig o nakikita.
"Cass can you hear me out? Please," patuloy ko habang siya patuloy rin sa pagbalewala sa'kin."Cass, what have I done wrong?"
"You, coming into my life," mariin niyang sagot. Lumambot ang mga tuhod ko sa mga sinabi niyang 'yon. Hindi ko inaasahang gano'n ang mga katagang maririnig ko mula sa kanya. Mula sa taong pinagkatiwalaan ko ng lubos, mula sa taong alam kong kahit kailan hindi ako kakamuhian.
"I'm sorry for crossing into your life but I will never be sorry about what happened the last time."
"See, ngayon lumabas din na lahat ng nakita ko at dati ko pang nakikita ay tama lang na dahilan para magselos ako," aniya. Hindi ko inaasahang ganito kabilis magpupumiglas ang mga luha ko. Nasaktan ako sa mga sinabi niya dahil mas pinaniniwalaan niya ang mga nakikita niya kaysa sa mga sinasabi ko.
"Alam mong I will never try to destroy your relationship with Dex, I was your number one solid initiator and still am, remember?" paliwanag ko. "I will never say sorry to you or to Dex for that kiss or for the other because I never wanted it to happen. I'm willing to cut all my connections to you and to him just for the both of you to be in good terms again. He loves you so much, whatever that had happened please forget them all and forgive him."
"If saying sorry for coming into your life and if going out of your life can bring you and Dex to each other again, I'll do it, Cass"
"What makes you so sure that after all that had happened we can be together again? Jill, damages have been done and thanks to you!" ganti niya.
"Alam kong galit ka sa'kin pero sana 'wag mo naman sa'kin isisi lahat. Hindi ko naman inutusan si Dex na tratuhin ako ng ganito. Cass, of all people, ikaw ang mas nakakaalam kung gaano ko kayo kagustong maging masaya."
Sandali niya akong tinitigan saka binawai iyon nang magsalita muli.
"I knew from the start that you're a special girl for Dex and I have long been restraining myself to feel envy about it. Although he asked me to marry him, I still cannot understand how he let you go when he had all the chances to win you. But he came to me, told me that he loves me, asked me to be with him for the rest of his life," pareho na kaming umiiyak. Habang humahaba ang sagutan namin mas nasasaktan ako.
"Because he loves you. Do not doubt him Cass. He's sincere on loving you, about asking you to be his wife."
"Pa'no ko siya paniniwalaan kung iba ang nakikita ko?" tanong niya na hindi ko rin kayang sagutin.
"Please try to understand him, Cass."
"I have long been, Jill," bakas sa mata niya ang sakit at frustration sa boses niya. "Why can't you just disappear?"
Natigilan ako sa sinabi niya at napaatras. Bakit parang wala kaming pinagsamahan sa mga sinabi niyang 'yon? Ang sakit palang maitaboy lalo na kung isang mahalagang tao ang gumawa noon sa'yo.
"I may not disappear but I will get out of the way Cass. I'm sorry for having me as your friend. I guess I have to at least disappear now. Thank you for always being there. I love you Cass, I really do. And if getting away from your life can fix you, I won't hesitate to do that. So I guess, it ends here."
"Thank you," nagpasalamat pa siya. Sa pasasalamat niyang 'yon mas tumindi pa ang sakit na nararamdaman ko. Gano'n gano'n na lang bang matatapos ang pagkakaibigan namin?
Umalis na ako agad ng bahay niya bitbit ang basag basag kong kalooban. Ang sakit din pala nito. Bumabaon 'yong sakit. Parang ang tagal ko nang hindi umiiyak sa inaasal ng mga luha ko ngayon.
--
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...