-*-
ZARIA VIS' POV
Hinang-hina akong napasalampak sa kama ko na hindi man lamang naligo o nag-half bath. Alam ko na kailangan kong mag-review tungkol sa debate na 'yun na hindi ko naman alam ang topic. Basta lahat ng lesson ng Health, Politics, History and Current events ay kailangan kong pag-aralan. I need to be prepared para hindi naman mapahiya ang section namin. Bawat grade level daw ay may debate na magaganap at three rounds, waiting syempre ang sa Section A sa finals kung sinong mananalo sa B, C, D and E.
Wala namang sinabi ang Dean na kailangan kong ipanalo but I'll do my best pa rin. Ipapakita kong may kaya kaming Section E.
At tsaka, teka pala. Anong nangyari sa'kin doon sa mansyon ng Dean, aber? What happened, self? Bakit parang ang luka-luka ko nung pumasok ako 'dun. Not in gestures but in mind. Unti-unti na kayang bumabalik 'yung dating ako? Damn! It wouldn't be! I won't let it happen! I am a nerd now. Yes, a nerd and an introvert. I'll not let myself get back to the old me.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa paglalayag ng isip ko. Nagising na lang ako syempre sa tunog ng alarm clock ko at mabilis na nag-ayos ng sarili para sa pagpasok.
--
"Babe, sabay na tayo mag-lunch, ah," saad sa'kin ni Zidious.
"Bakit naman ako sasabay sa'yo? Kaya ko mag-lunch mag-isa, 'no!" Inis ko pang singhal sa kanya habang nag-aayos ng gamit.
"Ako na," inagaw nya sa'kin ang mga gamit ko at siya na ang nag-ayos.
"Ano bang pinaggagagawa mo?!" Singhal ko pa. This guy makes me irritate, ewan ko siguro dahil pagod ako dahil malapit na ang periodical exams.
"Let's hurry, babe, para makapag-review pa tayo," dali-dali sya sa pag-ayos ng gamit ko sa bag tapos isnukbit nya 'yun at hinigit nya ako papunta sa canteen habang hawak nya ako sa pulsuhan.
"Jowa ba nya si Topaz?"
"Ay hindi ko alam, bes."
"Anong meron sa dalawang 'yan?"
"Ang alam ko, tutor sya nya. Kinuha daw ni Dean."
"Oh, e bakit may paghawak na ng kamay si Topaz?"
"Malamang nilandi! Kahit nerd 'yan, hindi natin alam kung pokpok rin ba sya, 'no!"
Hindi ko na lang pinansin ang narinig na usapan. I let Topaz na higitin ako towards the canteen.
"Sit," he said matapos ipaghila ako ng upuan.
"Ano ako, aso? Duhh?!" I rolled my eyes.
"Okay, ako na oorder, intayin mo ako." Syempre umupo na ako kasi wala naman akong magagawa. At dahil mukha akong pera, pumayag na lang ako! Baka libre nya, tipid rin ng isang kain, 'no! What a smart move, self!
Jusko, self! Tutor ka lang nyan, take note! Baka mapagkalaman na rin kitang pokpok katulad nung dalawang babae kaninang mukha namang clown!
Hindi naman. Sya naman nag-aya, e. Oh, nagpakipot naman ako. Problema mo 'dun?
Wala. Basta ang landi mo!
Namalayan ko na lang na nasa harapan ko si Topaz. At tahimik yata ang ulaga. Ano kayang nangyari sa beklog nito? Mahabang katahimikan ang bumalot sa'min habang kumakain at betlog nya ang nakaisip na bumasag nito.
"Babe, bilisan mo. I'm done," saad pa nya habang umaayos ng upo. "Don't worry, I'll pay for it."
"Yes! Oh yeah! Libre ako ng lunch! Hindi ako nagbayad! Nakatipid ang pempem kong virgin!" Syempre, hindi ko rin 'yan nasabi. Kahit naman mukha akong pera, hindi ko pa rin yun pinahahalata. NYAHAHA!
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...