CHAPTER 50

1K 34 5
                                    

-*-

2 weeks later...

ZARIA VIS' POV

Isang linggo nang nakalabas si Theress sa hospital at nalaman kong tinamaan siya ng bala nang dahil sa hayop na 'yon. Masuwerte pa nga daw siya at ang bilis niyang naka-recover sabi ng doctor. Buti na lang daw at hindi malma ang pagka-bagok ng ulo niya.

Hayop s'ya, anong ipinaglalaban niya? Bakit gusto niyang barilin si Dad? Bakit gusto niya ako noong ipa-patay? May utang na loob ako sa kaniya nang pag-aralin niya ako ng kalahating taon sa school niya hanggang sa bigla na lang akong umalis pero parang lahat yata ng binigay niyang malasakit, e ka-plastikan lang!

"ZARIA? BUKSAN MO NA 'YONG PINTO, PLEASE?" Dinig kong sigaw ni Theress sa likod ng pinto ng condo ko. "ZARIA? PLEASE, BUKSAN MO NA!"

"WOY, LUKA-LUKANG TALANDI! 'YONG PINTO, BUKSAN MO! MAKIKI-AIR CON AKO, DALI!" Galit na singhal ni Julia sa labas ng condo ko.

Nanatili akong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pinto ng condo ko. I don't want to see that door again. I don't want to remember that scenario for almost six years ago.

"ZARIA! PISTI KA! BIRTHDAY NA BIRTHDAY MO NAGDA-DRAMA KA D'YAN! LUMABAS KA NA D'YAN!" Palahaw ni Julia sa labas na parang hindi nauubusan ng boses kakasigaw.

"VIS, WOY! INIINTAY KA NI DAD MO AT ZIDIOUS SA RESTAURANT! ANO BA 'YAN, SAYANG OUTFIT NATIN, JULS!" Singhal pa ni Theressa.

Sorry, girls. I don't want to see the door in front of my condo. I don't want to see his face now that it's my birthday. I used to celebrate my birthday alone. Nasanay akong walang kasama... at ayoko na.

Bumabalik lahat. That night when I saw him with his girl inside his condo and that one night when I he pushed me away.

That one night when I realized my stupidity through his one word na ipinagduldulan niya pa sa mukha ko...

Parausan.

That night was my birthday, and that night was the most painful night I've ever been. The night that makes My Heart Tears Apart.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Hindi ka iiyak, self, okay? It's my birthday, I should be strong.

Bakit ayaw mo mag-celebrate kasama nila, self?

Pakialam mo? Ilang taon ako nag-birthday ng wala sila pero hindi naman ako namatay, di ba?

Pero, self, minahal ka naman nila, ah? Pinadala ni Dad si Theress para bantayan ako... nagpaliwanag si Topaz kung bakit ka niya itinulak palayo... minahal ka nila, self! Noong walang nagmamahal sa'yo iiyak-iyak ka, tapos ngayong may nagpaparamdam na sa'yong importante ka, pabebe ka naman!

Because I don't want to be in pain anymore.

I walked towards my room and buried my body on bed.

I don't want to cry again. I don't want to feel the way of being loved.

You don't want or you're just afraid of loving again?

I don't want. Why? Because I know that at the end of the day, love will end with pain, tears and sobs.

Hay, self... do really love have its ending? Love is a circle, has no start and has no ending!

Kung ang bilog ay walang simula, paano ito mabubuo? Kung walang katapusan, paano ito nabuo? Everything has its ending and limitation.

Circle has no edges, self! Please, self! Try to love again!

Has no edges? Pero may katapusan pa rin! Hindi mo lang madaling makikita but the reality says that cricle still have its ending. Hindi mahalaga kung paano dumaloy ang linya ng isang hugis, hindi mahalaga kung ilang sulok ang madaanan nito, kasi pare-parehas lang naman silang may katapusan. Walang bagay ang mananatili. Lahat mawawala, lahat maglalaho... kahit ang pagmamahal pa.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon